"Laveya gusto mo?" alok sakin ni Vin ng C2 , umiling na lang ako dahil baka gawan nya pa ng malisya pagtanggap ko sa c2 nya. "Okey.." sabi nya at umalis na
Kumakain kami nila Nicky dito sa classroom ng dinner. Tahimik lang dahil wala dito sila Ico.
Tapos na tatlong game at mamaya na sisimulan ang last game pagkakain namin ng dinner. Iba naman ang naglaro kanina pero si Ico at Ravione palagi ang representative sa kanila. May pagkakapareho talaga dalawang yon minsan.
"Muntik na mapaaway si Ico kanina , buti nalang mabait kumag na yon." wika ni Nicky habang kumakain kami.
"Bakit anong nangyare?" tanong ko habang ngumunguya.
"Hinawakan daw ni Ico kamay ng gf nong lalake. Eh galit na galit si loko malamang mahahawakan ni Ico yon nasa part yun ng laro eh." bakas ang inis sa mukha nya habang sinasabi sakin.
"Kuhang kuha nya talaga inis ko kanina beh." singit ni Glen at umirap pa.
"Parang gago naman yan , e ano ginawa ni Ico?" kunot noong tanong ko.
"Wala muntik na nga syang suntokin pero kalmado lang si Ico at humingi ng pasensya , pati sa babae humingi sya ng pasensya. Kung may pagkabarumbado lang tong si Ico baka pinatolan nya yung lalake e , nakakainis."
Hindi ako makapaniwala , mabait naman pala talaga si Ico. Tarantado lang sya sakin. Oh baka bading lang sya at takot makipagsuntokan?
"Tara na magstart na ulit huling laro natin." aya ni Nicky.
Niligpit ko na pinagkainan ko at itinabi yon sa bag. Pagkatapos lumabas na kami ni Nicky para pumunta sa team namin. Sobrang lamig naman ngayon hindi pa naman ako nakapagdala ng jacket. Sana lang ay hindi ako siponin.
"Laveya dito!" tawag ni Cade sakin. Magkakasama na lahat ng kateam ko ako na lang pala hinihintay nila para makumpleto.
"Laveya." napalingon agad ako kay Ico ng tawagin nyako. "Oh suot mo." abot nya sakin ng jacket at umalis na. Natigilan pako ng ilang segundo. Anong nakain non?
Sinuot ko na lang ang jacket at lumapit na sa mga kateam ko. Nailang naman akong tumingin kay Cade , siguradong nakita nya yon.
"boyfriend mo?" sabi ko na e itatanong nya yon.
"Hindi ko boyfriend yon, kaibigan ko lang yon." sagot ko. Tumango tango lang sya at nag iwas na ng tingin sakin.
"Ready na ba ang lahat sa huling laro?" sigaw ng teacher.
"Ready na!" sabay sabay na sigaw namin. Sana lang ay matapos na agad to para makatulog na , antok na antok nako gusto ko na agad matulog. Kahit isang beses lang naman ako naglaro pakiramdam ko pagod na pagod na katawan ko. Pauli uli ba naman kami maghapon
Inexplain na yung laro at wala akong maintindihan.
"Laveya at Cade kayo na lang dalawa yung maghahanap." para akong tangang hindi alam ang sasabihin nang sabihin ng team leader namin yon.
"T-teka , hindi ko alam ang gagawin." sabi ko at tumingin kay Cade.
"Halika explain ko sayo." hinigit nyako palayo sa kanila dahil masyadong maingay. Lumayo lang kami ng konti para mas marinig namin isa't isa.
"So ganito yan , tayong dalawa ang taya sa team natin. Meron tayong 42 member sa team natin hindi na tayo kasali don , bibigyan tayo ng 42 blue na ribbon at lahat sila bibigyan natin ng ribbon." tumango tango lang ako at hinintay sunod nyang sasabihin.
"Pero kailangan natin silang hanapin dahil maghihiwa-hiwalay silang lahat at magtatago, ganon din ang gagawin ng ibang team. Tig dadalawa na taya sa bawat team."
BINABASA MO ANG
When Destiny Fails
Teen FictionAt the end of the day, you'll be with the person you're not expecting to be with you for a lifetime. AN: Please correct me if im wrong im just starting to be an author , don't forget to vote and comment for feedback thank you so much ❤️