Simula nong away ni Ico at Cade wala akong kinausap na kahit na sino.
Galit ako kay Cade at sana lang hindi ko na sya makita pa. Kung sincere sya sakin bakit naging aggressive sya nong gusto nyakong halikan?
Hindi pa din ako makapaniwala sa nangyare lalo na nong sinapak sya ni Ico , pano na lang kung hindi nakarating si Ico? edi dalawang lalaki na nakahalik sa labi ko :<
Promise ko pa naman sa sarili ko na kung sinong unang humalik sakin sya na yung lalakeng mamahalin ko habang buhay.
"Eyaaaa." tawag agad sakin ni Nicky pagpasok ko ng room, ngumiti lang ako sa kanya para ipaalam na ayos lang ako. Napalingon ako kay Ico na nakasubsob lang sa lamesa.
"Sigurado ka bang ayos ka lang?" nag aalalang tanong ni Nicky.
"Oo ayos lang ako wala na sakin yon kalimutan na natin." sagot ko.
Napatingala agad ako ng hawakan ni Ico balikat ko. Hindi ko alam sasabihin ko , gusto ko magthank you sa kanya pero hindi ko naman gusto yung napaaway sya dahil sakin kaya nanatiling tikom ang mga bibig ko.
"Sabihin mo sakin agad kapag nilapitan ka nya ha , chat moko pupuntahan kita agad." sabi nya at biglang tumalikod na. ba't ganon yon , parang ang bait naman nya sakin masyado.
"Sobrang nag alala sya sayo." bulong ni Nicky. Napatitig na lang ako sa likod ni Ico.
Nang matapos ang klase umuwe na sila Nicky , sinabi kong umuna na sila dahil cleaners ako ngayon.
"Gusto mo ng ice cream?"
Nagbubura ako ng blackboard ngayon nang marinig ko boses ni Ravione. Ako ata kinakausap nya kaya nilingon ko sya agad.
"Libre kita." sabi nya pa.
Napatingin ulit ako sa blackboard na konti na lang dapat burahin. Last na naman to eh pagkatapos nito pwede nako umuwe.
"Sige."
"Ako na dyan." agad nyang inagaw sa kamay ko yong eraser ng board.
Pagkatapos sabay na kaming lumabas para bumili ng ice cream. Nang makabili kami ng ice cream inaya nyako dito sa plaza katabi ng school namin. Wala na masyadong estudyante dahil nag uwian na.
"Ngayon pa lang ako nakatambay dito." wika ko.
"Ako rin." aniya.
Masyado ng luma ang palaroan dito sa plaza , gaano na kaya katagal tong plaza na to. Magdadalawang taon nakong nag aaral dito pero ngayon lang ako nakapunta.. at ex ko pa kasama ko. galing!
Nakapagtataka , hindi ko magawang tumanggi sa kanya. First time ko din kasi tong ganito , para kaming nagdedate dalawa. hays ano ba tong iniisip ko tigilan mo nga eyaaa
Pero kung alam ko lang na hahalikan nyako noon hinding hindi ako magpapahalik sa kanya no! pero wala , sira na pangako ko sa sarili ko.
"Sa tuwing naiisip ko pagkailang ko sayo nong unang pasok ko , natatawa ako." pagbasag nya sa katahimikan. "Akala ko alam mong mag ex tayo , hindi pala."
"Sorry kung hindi ko maalala yon." paumanhin ko.
"Ayos lang yon , isipin ko na lang na hindi naging tayo noon." seryosong sabi nya.
"W-wag , naalala ko na." wala sa sariling sambit ko. Nanlaki mata ko sa sinabi ko hays kainis naman bakit ko ba nasabi yon?
Napatitig pa sya sakin at parang sinisigurado kung nagsasabi ako ng totoo , ilang sigundo pa ay mahina syang natawa.
"Sige nga , kelan naging tayo?" napakagat na lang ako sa labi ko dahil hindi ko talaga maalala. "Hindi mo talaga maalala." sabi nya at tumayo na kaya tumayo na rin ako.
BINABASA MO ANG
When Destiny Fails
Teen FictionAt the end of the day, you'll be with the person you're not expecting to be with you for a lifetime. AN: Please correct me if im wrong im just starting to be an author , don't forget to vote and comment for feedback thank you so much ❤️