"Miles, Miles, Miles awaaay!"
Ang mahimbing kong pagtulog ay biglang nasira dahil sa ingay ng boses galing sa labas ng aming bahay.
Tamad akong bumangon at tinignan ang repleksyon ko sa salamin. Ngumiwi ako ng makita ko ang aking itsura. Para akong nakipag-sabunutan dahil sa sabog ng buhok ko.
"Miley Jash!" Ayan na naman
Lumabas ako ng kwarto pagkatapos ang saglit kong pag-ayos at binuksan na ang pintuan. Bumungad agad sakin ang kaibigan ko na sobrang sama na ng timpla yung mukha.
"Bakit ka ba nambubulabog? Natutulog yung tao." Inunahan ko na sya sa kung ano man ang sasabihin nya
"Male-late na tayo." Inis nyang saad
Sinulyapan ko ang relo namin at nakita alas 7 pa lang at alas 9 la naman ang unang subject namin. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Hwag kang excited, alas 9 pa ang pasok natin!" Rason ko "Ang sabihin mo gusto mo lang makita ang kaibigan ko."
He grinned. "Ayoko din ma-late lalo na't may inspiration na ako."
I raised up my brow "Sabihin ko kaya kay Xeah na may crush ka sa kan—"
"Hwag par, hindi pa ako handang ma-reject!" Tumawa sya "Saka malabong i-crushback ako nun'. Hindi kami bagay. Dukha ako at sya langit."
Napatahimik ako dahil sa sagot nya at hindi rin maiwasan isipin ang sinabi nya. Bakit hindi pwede ang mahirap at mayaman? Dahil ba magkaiba ang estado ng buhay?
"Hoy! Bakit ka nanahimik?" Sinundot nya ang tagiliran ko
Sinamaan ko sya ng tingin saka sya tinalikuran alam ko naman susunod sya sakin dahil palagi nya itong ginagawa pag andito ako. Dito sya palagi nakikain dahil masarap daw ang mga luto ko.
"Pwede ka na maging chef, Miles. Ang galing-galing mo magluto." Papuri nya
I slightly smiled. Hearing him complimented about how good I am in cooking skills made my heart melt.
I only accept compliments if it's came from my mom or my friends because I know they're true to their words. Hindi kasi ako yung tipo ng tao na mabilis maniwala sa mga sabi-sabi tulad ng tsismis.
Pagkatapos namin kumain ng breakfast, sya na ang nag-reprisintang maghugas ng aming pinagkainan at ako naman pumasok na sa kwarto para maligo at magbihis.
Sabay din kaming pumunta ng school ni Draizen. We still have time kaya naglakad na lang kami since malapit lang naman.
"Magbenta kaya tayo ng mga street foods every weekends, Miles?" Patanong na suhestyon ni Draizen sakin
"Bakit mo yan naisip?" Tanong ko
"Pandagdag allowance lang pero kung ayaw mo okay lang." Ngumiti sya
I sighed "How can I help, then?"
"Ikaw ang taga-luto ng mga street foods at ako naman, ako ang tatawag ng customer." Paliwanag nya
Napaisip agad ako sa sinabi ni Draizen. Okay na rin yun para may pandagdag allowance ako at sya pero hindi ko alam kung papayag ba si mama sa gagawin namin ni Draizen baka isipin pa nya na kulang pa ang binibigay nyang baon sakin.
Tinanguan ko si Draizen na hinihintay ang sagot ko. Kumislap ang mga mata nya at napasuntok pa sa hangin dahil sa pagpayag ko.
"Yown!" Tumawa sya
"Basta taga-luto lang ako." Ani ko
"Yes naman miss introvert. Walang problema!" Pagpayag nya
He's right. I'm an introvert person cause I hate socializing kaya nga wala akong masyadong kaibigan. I only have Two girl best friend and 1 male best friend. For me, they're enough. I never wish for more.
YOU ARE READING
Hard To Get | Hard Series #1 (Completed)
General Fiction[ HARD SERIES #1 | UNEDITED ] When a hard to get girl meet a guy who's willing to reach her standards. ★ Read first the DISCLAIMER before you proceed to read the other parts of the story. Thankies, muah! [ STORY RANKINGS ] #1- get out of 10.2K #1- s...