CHAPTER 15

1.4K 35 0
                                    

It's been one weeks since I last saw Xaiveriel. Pagkatapos ng nangyaring pag-uusap namin doon sa garden hindi ko na muli syang nakita.

Muling bumalik ang tahimik kong buhay estudyante, walang istorbo yun ang kinatuwa ko pero pakiramdam ko may kulang. Hindi ko alam kung bakit.

"Bebe Miles, okay ka lang?"

Bumalik lang ako sa wisyo ng marinig ang tanong ni Brie sakin. Tumingin ako sa kanilang dalawa ni Xeah na nakatingin na pala sakin.

Tumango ako. "Yeah."

"Ang tamlay mo." Puna pa ni Brie "May nangyari ba ng hindi namin alam? May umaway ba sayo? Tara, resbakan namin."

Mabilis naman akong umiling. Grabe talaga itong isip ni Brie, napaka- advance.

"Wala. Stressed lang to' sa dami ng mga gagawin na activities." I lied pero medyo totoo din naman

Pinaningkitan naman nya ako ng mata habang si Xeah, tahimik lang sa tabi nya at busy na naman sa cellphone.

"Sure ka? Baka naman..." She smirk, mischievously

"Yang isip mo, Brie!" Suway ko

"Isip ko green." Parang bata nyang sambit "I'm so innocent."

"Mukha mo lang inosente pero yang utak mo sobrang dumi." Biglang singit ni Xeah

"Ay, wow!" Brie reacted "Feeling innocent ka girl? Patingin nga ng mukhang inosente."

Napailing ako sa kanilang dalawa dahil kung saan-saan na napadpad ang topic namin. Humagalpak naman si Brie ng tawa dahil sobrang sama ng tingin ni Xeah sa kanya.

Sabado ngayon kaya narito kami sa condo ni Xeah. Mabuti nga binigyan kami ng 1 week vacation ng mga prof dahil busy sila. Hell week na kasi namin next next week. Kaya siguro binigyan nila kami ng 1 week vacation para ihanda yung sarili namin para sa darating na hell week.

"Gusto ko mag-swimming!" Biglang saad ni Brie "Boracay kaya tayo? Or sa Palawan na lang?"

"I want to go to Siargao." Xeah suggested "I heard a lot of feedbacks na maganda din daw doon perfect for surfing."

"Gusto ko rin pumunta ng batangas. I want to try their special lomi." Si Brie

Tahimik lang ako, pinapakinggan ang pagtatalo nilang dalawa kung saan ba talaga maganda mag-vacation. Wala rin naman ako masa-suggest dahil wala akong masyadong may alam. Isa pa hindi ako sigurado kung sasama ba ako dahil wala naman akong pera pambili ng tickets papunta doon.

"Ikaw bebe miles, where do you want us to spend our short vacation?" Baling sakin ni Brie

Nagulat naman ako. "Huh? Bakit ako? Saka hindi nam—"

"Hep! Hep!" Pagpigil sakin ni Brie "You'll go with us, Minsan lang to' sagot na namin ni Xeah ang tickets mo."

"Wala ak—" Hindi pa ako tapos magsalita ng muli nya akong pinutol

"Hindi mo na kami kailangan bayaran basta sasama ka lang." Brie smiled

"Sa Siargao lang naman yun." Si Xeah habang nakangisi

"Iba talaga pag mayaman ni-LANG, lang yung Siargao." Pailing-iling na ani Brie

Mabilis syang sinamaan ng tingin ni Xeah saka tumingin sakin.

"We got you, bebe Miles!" She chirped "It's final, we're going to siargao tomorrow!"

"Yes!" Brie agreed, excited

I also feel excited because it's my first time going to Siargao. Kahit hindi ko pa naman ito napuntahan alam kong magandang lugar ito based na rin sa pagde-describe ni Xeah.

Hard To Get | Hard Series #1 (Completed)Where stories live. Discover now