CHAPTER 05

1.7K 40 1
                                    

Saturday came at gaya ng napag-usapan namin ni Draizen, nagbenta nga kami ng mga street foods tulad ng Tempura, Fish ball, Isaw at iba pa sa gilid ng kalsada dito malapit sa skwelahan.

Hindi naman ako nahihiya at wala rin ako pakialam sa sasabihin ng iba ang importante, may pandagdag allowance na kaming dalawa.

I never be ashamed of who I am and I never be ashamed if I'm poor, the most important thing is your true to yourself at wala kang tinatapakang tao.

Nagsisimula pa lang ako mag-ihaw ng mga isaw at paa ng manok pero madami na agad bumibili. Karamihan sa kanila mga babae, tumitili pa nga sila dahil dito sa kaibigan ko.

Draizen is a good looking guy and he's also responsible. Kung sino man maging girlfriend nya, sobrang swerte nya dito sa best friend ko.

"Fish ball! Fish ball! Fish ball kayo dyan! 5 pesos lang!" Sigaw pa ni Draizen

"Beh ang pogi talaga!"

"Araw-araw na ako bibili"

"Pero ngayon ko lang sila nagkita na, nagtitinda?"

"Bago lang, siguro?"

Iilan lang yan sa mga narinig ko galing sa kanila. Hindi ko alam kung bulungan pa ba ang tawag dyan dahil rinig na rinig namin ang boses nila.

"Magkano po ito?" Pabebeng tanong ng isa

"Lima." Ako na ang sumagot ng makitang busy ang kaibigan ko sa iba

She look at me. "Hindi ikaw ang tinatanong ko."

"Lima yan." Si Draizen sabay ngisi sa babae

Pumula ang pisngi nito dahil sa biglaang pagsingit ni Draizen. Palihim akong napairap dahil doon. Papansin.

"Wow, Draizen! I didn't know, nagbibenta pala kayo."

Napatigil ako sa pag-iihaw ng marinig ko ang boses na iyon. Tumingin rin sya sakin at agad ngumiti. Tinanguan ko lang sya at nagpatuloy na sa pag-ihaw.

She's Aya, classmates namin sa isang subject. Matalino naman sya at mabait pero hindi ko lang trip makipag-kaibigan sa kanya. Kontento na ako sa kaibigang meron ako. Wala na akong balak dagdagan pa.

"Bili ako, tatlong kwek-kwek at isang basong shake." Sambit nya

Tumango ako at kinuha ang pambayad nya. Si Draizen ang gumawa ng shake nya ako naman nilagay na sa cup ang kwek-kwek dahil tapos ko na rin mag-ihaw.

Wala pang apat na oras tapos na ang paninda namin. Kitang-kita ko sa mukha ni Draizen ang saya dahil natapos ang paninda namin ng wala pa sa apat na oras kahit kakasimula lang namin.

Bago kami umuwi dumaan muna kami sa isang fast food at doon kumain, he also take out food for his mom.

Kinagabihan doon ako nakaramdam ng pagod. Sobrang sakit ng paa at mga kamay ko dahil siguro kanina. Almost 4 hours ba naman ako nakatayo habang pinapaypayan ang mga isaw at priniprito ang mga tempura.

Pagod at least may pang baon na ako hindi ko na kailangan humingi ng pambaon kay mama.

"Anak, tulog ka pa ba? Magsisimba pa tayo."

Mas lalo kong tinalukbong ang sarili ko ng kumot. Sobrang inaantok pa ako at pagod rin ang katawan ko.

"Miles, anak?" Boses iyon ni Mama

Dinilat ko agad aking mata, tinignan ko ang orasan at nakitang malapit na mag-alas syete ng umaga. Dali-dali akong bumangon at tumakbo papasok ng banyo ng maalala magsisimba pala kami kaya pala umuwi si mama.

Every Sunday ang bonding namin ni Mama and we always go to church during that day. 

7:30 kami umalis ng bahay at sakto naman alas 8 ang dating namin sa simbahan at mabuti na lang kakasimula pa lang ng misa.

Hard To Get | Hard Series #1 (Completed)Where stories live. Discover now