yung feeling...

11 2 0
                                    

Ito'y isang pangyayari noong hindi pa ako college...

Flashback
Isang gabi, nagpunta kami ng pamilya ko, together with my cousins (oh, di ba? English), sa burol ng isang kaanak. Bale siya ay asawa ng pamangkin ng lolo ko ( gets niyo?). Nagpakamatay daw kasi ito dahil sa hindi niya na yata makayanan ang sakit na nararamdaman, (oh so much information).

Ang dami naming mga kamag-anak na nagpunta, yung iba galing pa sa ibang planeta, di echos lang, galing pa sa kung saan-saang dako ng bansang Pilipinas. Shocks men, ang dami naming kailangan batiin, at ang karamihan ay di namin kakilala.

Dahil nababagot na kaming magpipinsan, naisipan naming mambulabog ng kusina ng may kusina, hindi ang totoo niyan, pumunta kami sa kusina para maghanap ng makakain. Kumuha ako ng biskwit, sila kape. Ang unang kumuha ng kape ay si Cindy,binuksan niya ang pakete ng kapeng 3 in 1 ng Nescafe( thank you sa nestle, sa sponsor, echos) at nilagyan niya ng tubig mula sa water dispenser. At nang mapuno na ang baso, saka niya lang hinalo. Kaya lang, ang ipinagtataka niya ay kahit anong gawin niyang paghalo, ay meron pa ring mga buo-buo. Yun pala ay dahil sa hindi naman kasi mainit ang tubig na inilagay niya.

Sa kadahilanang, hindi naman pala nakasaksak yung water dispenser. At nakuha niya pa talagang tikman, at ang resulta?, nag-wacky face lang naman siya na ang ibig sabihin ay, "ang sama ng lasa".

Hindi niya alam kung ano ang gagawin dito, nagdadalawang-isip na siya kung iinumin niya pa ba o itatapon na lang. Oh well, mabuti na lang at may naisip na magandang ideya ang kapatid kong alien. Gusto niyo bang malaman kung ano ito? Dinagdagan lang naman niya ng mainit na tubig ang baso, at ang resulta!, hindi na siya ganun kasama! Hahaha, kaya na siyang inumin ng tao. Akalaing mong ang kapatid ko pa nakaisip nun? Nag-iisip din pala siya?, haha biro lang. (napaka-mean ko talaga)

At pagkatapos ng karumal-dumal na pangyayari sa buhay ng pinsan ko, ay nakuha niya pa talagang mag-gm sa mga kaibigan niya. "Yung feeling na nagtimpla ka ng kape na hindi mainit na tubig yung inilagay mo.", yan yung eksaktong gm niya. At ang mga reply:
- condolence, haha
- sinong tanga?
- congrats, mabuhay ka!
- wow!, pang-guiness most tanga in the world, peaceyow
- at marami pang iba...

So lesson learned:
Siguraduhing mainit ang tubig na gagamitin kung magtitimpla ng kape

Diary KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon