To Have or Not To Have

1 0 0
                                    

To Have or Not To Have


Do you really need to have a "the other half", in order to feel the true happiness?


No. I don't think so.


     How funny is it? Naka-graduate na ako ng college, eh until now NBSB pa rin ako. It's not that nalulungkot ako  'cause I don't have one, but actually the people that surrounds me, ask me, "Why I don't have a boyfriend?" " Di ka ba na-iinggit kay ganito/ganyan na may BOYFRIEND?". And somehow, nahihiya akong sabihing yung reasons ko.


     Kasi, I have my priorities. Hindi naman kasi porke't tapos na akong mag-aral eh maligaya na ang buhay ko. Sa totoo lang kasi after college eh, "Welcome to the REAL WORLD" ka na. Tapos na akong mag-aral, so dapat kargo ko na yung sarili ko, I should know how to handle myself and to strive hard in order to survive. In short I should responsible of myself.


     Buti sana kung pagkatapos kong mamili ng kompanyang gusto kong pagtrabahuan, eh magsisimula na akong magtrabaho, edi masaya? Unfortunately, hindi ganun kadali ang buhay. Kasi kailangan pa gumawa ng resume here, and there, comply ng requirements, tapos interview. At bibihira lang ang kompanyang isang beses ka lang iinterviewhin. Ang saya sana kung after ng ilang interviews eh tanggap ka na, kaya lang pano kung sinabihan ka ng, "Thank you. And, we'll call you.", then, might as well, wag ka nang umasa at maghanap ka na lang ng iba.


     HA HA HA! Kaiyak s'ya beh.


     So, mabalik tayo dun sa "Kung bakit hanggang ngayon eh wala pa rin akong LOVELIFE?". Simple lang, when it comes to looks, eh hindi pa kasi talaga ako marunong mag-ayos, masisisi n'yo ba ako, kung mababa ang self-confidence ko? Kung di ko maiwasang ma-insecure sa mga nag-gagandahang dilag sa tabi-tabi? Besides, hindi pa kasi ako/family ko financially stable. Ni hindi ko nga afford bumili ng bagong phone, accessories, new clothes, make-ups ang sarili ko, (though di s'ya basic needs, but as a career woman kailangan ko yung mga iyon) makapundar pa kaya para sa future? At melon pa isa, hindi pa ako mentally and emotionally matured para sa isang relasyon. Sa madaling salita, "I'm not yet ready.".


     Ang pinupunto ko lang naman is, kahit naman NBSB ako eh, masaya naman ako sa buhay ko. Mahal naman ako ng mga magulang ko, mga kapatid including my friends. I know they are my treasure, that I couldn't exchange for anything, kasi hindi ko naman mabibili saan mang palengke, tiangge o mall. Yung sayang naibibigay nila ay hindi naman pwedeng ipambayad ng utang eh, sapat naman itong inspirasyon para magpatuloy ako sa buhay at wag sumuko.


P. S. Linawin ko lang title ha? Hindi naman ako naguguluhan kung dapat na ba talaga akong mag-boyfriend o hindi, ang gusto ko lang sabihin is, "My happiness shouldn't depend on the other person.", hindi porke't single ako ay malungkot ako, at di dahil taken ka, kaya masaya ka. And I chose to be like this. (nuks!) Buhay mo yan, hawak mo yan, nasa sa'yo kung paano mo dadalhin ang buhay mo. Maraming ka mang pinagdaraanan ngayon, daanan mo lang. Lilipas din yan.


Appreciate little things that you have.

Accept who you are, and what you have.

In that way, you'll be happy. 😁

Diary KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon