Hallelujah, praise the Lord!

7 0 0
                                    

Oh, napakabanal ba ng title? Haha, ito ay isang pangyayari noong ako'y musmos pa lamang.

Linggo ng umaga, nasa simbahan kami. Kasama ko noon si kuya, at si mama. Syempre, kami lang tatlo, at wala ng iba pa.
Dahil bata pa naman kami noon ni kuya, kaya madali lang kaming mabagot. Kaya kapag nagsisimba kami, ay madalas talaga kaming lumabas ng simbahan, para makipaglaro sa iba pang mga bata.

Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, ay may nangyaring kakaiba nitong araw na ito.

Nagpaalam kami kay mama, lalabas lang kasi nababagot na kami. Pag-alis namin sa upuan nagtatawanan na kami ni kuya. Tapos nung nasa bungad na kami ng simbahan, may sinabi ako.

"Hallelujah! Praise the Lord.", yan ang eksaktong sinabi ko.

Tapos may biglang bumagsak mula sa itaas, at lumanding sa noo ni kuya. Yun pala ay ipot ng kalapati. Pagkakita ko sa mukha ni kuya ay tawa na ako ng tawa.

Kaya naisipan naming wag na lang tumuloy sa paglabas, at balikan si mama. Binigyan ni mama si kuya ng pamunas, at iniwan na lang ito sa upuan ng simbahan.

Diary KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon