ah... basta

40 3 1
                                    

Ito'y isang eksena sa buhay ko noong grade 4 ako.

***flashback

Sa paaralan namin...

Tapos na kaming i-check ang aming mga papel, at isa-isa na itong ibinabalik sa amin.

Naiinip na ako, at wala akong magawa dito sa kinauupuan ko, habang ang katabi ko namang itago na lang natin sa pangalang Harvest (dahil Ani ang kanyang apelyido, hahaha itinago pa talaga di ba?) ay naka ubob lang ang ulo sa mesa.

At dahil, bagot na bagot na ako, tapos hawak hawak ko pa rin ang aking test paper, at habang tinitingnan si Harvest a.k.a. Ani, ay may naisip na naman akong kalokohan.

Well, ito lang naman yun, binabasa ko ang questions at ang choices, at yuyuko ako para ibulong sa tenga niya ang sagot. Ilang beses ko yung nagawa ng paulit-ulit, tapos si ate Joena na nasa kabilang side ko lang naman nakaupo ay naaalibadbaran sa kalokohang ginagawa ko. Kaya itinulak niya ako papunta sa direksyon ni Harvest a.k.a. Ani. At ang galing ng timing kasi biglang itinaas ni Harvest a.k.a. Ani ang kanyang ulo. Kaya ang nangyari, yung labi ko sa baba niya, habang ang labi niya, sa ibaba ng ilong ko (yung daanan ng sipon, hahaha, kaya grabe yung pandidiri niya) kaya hindi yun kiss, ok?

Ah... basta, di yun kiss... (ok, di ko ba nabanggit na lalaki si Harvest a.k.a. Ani? Pwes, ngayon alam niyo na).

Diary KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon