Isang gabi natulog ako, well malamang matutulog ako, alangan namang hindi pa, alas dose na kaya. Ilang minuto na lang mag aala una na.
At kinabukasan nagising ako, alangan namang matulog ako habang buhay di ba? Baliw lang?
Ok, another boring day for me. Well, gusto mo malaman kung bakit? Dami ko kasing ginagawa, iisa-isahin ko.
1. Babangon sa higaan, at kukunin ang cellphone sa may ulonan ko, di ko na ililigpit pinaghigaan ko, no.
2. Maglalakad, papuntang pinto para lumabas ng kuwarto. Kasi mabibingi na yata ako sa lakas ng sigaw ni mama, kakatawag niya sa pangalan ko.
3. Tapos, pupunta sa sala, para umupo lang. Sarap ng buhay ko no?
4. Tatayo at pupuntang banyo, wag niyo ng itanong kung ano gagawin ko.
5. Malamang lalabas ng banyo, ayoko namang tumira doon no.
6. Nakapaghain na sila mama ng pagkain, at ako na lang hinihintay nila. At, malamang kakain, duh, ayoko mamatay sa gutom no.
7. Magliligpit sila, oo sila, dahil buhay prinsesa ako sa bahay namin.
8. Uupo at haharap sa computer namin. Gusto niyo malaman kung anong gagawin ko? Well, mag fafacebook lang naman, at dahil boring, kasi wala kwenta yung mga oL friends ko, kaya mag gagames na lang ako, My Shops at Suburbia. (naglalaro ba kayo nito? padalhan ko kayo ng request?) mohohoho
9. Malamang kakain, alas dose na kaya ng tanghali.
10. Uupo na naman, at ipagpapatuloy ang naudlot naming date ni pc (personal computer).
11. Tatayo, pinapalayas na kasi ako ni papa, sa harap ng computer, may appointment pa daw kasi siya. (heh, ang sabihin mo maglalaro ka lang ng Zuma at Plants vs. Zombies).
12. Kaya kukunin ko na lang si Andie (phone ko) sa bulsa ko. Dito na lang ako mag fafacebook.
13. Hapunan na. Yun lang.
14. Tatayo at papasok sa kwarto para tumambay.
15. Alas dose na, kaya matutulog na ako.
Oh, di ba? Dami kong ginawa no? Napaka hectic ng schedule ko. Masyado akong busy, nakakapagod talaga. Note the sarcasm here.
