Chapter 4-Dino

2.5K 95 20
                                    



Almost 7pm na ng makauwi ako sa bahay. Dumeretso agad ako sa kusina.
I put the ice bags na binigay ni Ma'am sa freezer.

Di parin maalis ang ngiti sa mga labi ko. Ganito ba talaga ang epekto pag nakita mo na ang love of your life? Oo, love of my life. Mahal ko na ata si Ma'am. Charizz lang uy.

Crush ko palang si Ma'am, yan ang alam ko. Malay ko ba sa lablab na yan.

Di pa kasi ako nakakaranas ma inlove eh kaya I can't differentiate love from just a crush. Basta ang alam ko.

I have this urge to be with her all the time. Gusto kong mapalapit sa kanya. I want to know her more. And even wala na ako sa school siya parin ang naiisip ko. No one invaded my mind like what she's doing right now.

Kumuha ako ng kanin sa rice cooker at umupo sa dining table. Kakain na ako kasi baka si Ma'am pa makain ko sa sobrang gutom.

Well, sanay na akong kumain mag isa sa gabi. Siguro mga 5 years old palang ako nung last family dinner namin together at di na naulit iyon. Kasi naman hindi umuuwi si Daddy dito sa bahay. Lagi nalang siyang subsub sa trabaho. Tsaka ayaw niya akong kasabay kumain kasi naman nawawalan daw siya ng gana sa tuwing nakikita niya ang pagmumukha ko. Si Mommy naman gabi yung work,1pm siya aalis ng bahay tas 12 na ng umaga siya nakakauwi pero my mom will always make sure na makakasabay siya ng breakfast sa akin and even lunch ng time na di pa ako pumapasok ng school.

Sinilip kung ano ang ulam. Sinigang na baboy! Kumalam bigla yung sikmura ko.

Mabilis akong nag sandok ng ulam at nilagay sa kanin ko, sumubo ako ng isang kutsara. Ay shit! kanamit! Sumubo ako uli pero this time nilagyan ko muna ng magic sarap bago sinubo. Ay shit! Katam-is!

I was enjoying my dinner ng may narinig akong sigawan sa may living room.

Tinigil ko ang pagsubo at dahan dahang sumilip. Hindi ko man makita ang mga mukha nila dahil sa nakapatay ang ilaw doon, pero I know that it's my parents. They are fighting.

Again.

Napabuntong hininga nalang ako. At mabilis na niligpit yung pinagkainan kong di pa naubos. Nawalan na ako ng gana.

Kahit na di ko marinig kong ano ang kanilang pinag-aawayan ay alam kung ako rin lang ang dahilan. Lagi naman eh.

Parang feeling ko pinanganak nalang ako sa mundong ito para magkaroon sila ng problema.

Simula't sapol alam ko ng di ako mahal ng Daddy ko. Alam ko yun, kasi lagi niya yung sinasabi at pinaparamdam. At lagi naman nagagalit sa kanya ang mommy ko because of his cold treatment towards me.

Mabilis kung kinuha ang bag ko at dahan dahang pumunta sa hagdan para umakyat nalang sa kuwarto. Siguro matutulog nalang ako para may energy bukas.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kuwarto ko ng marinig ko ang sigaw ng aking Mommy.







Sinira ko ang pinto at mabilis na sumampa sa aking kama.
Kinuha ko si Dino sa ilalim ng aking unan. At buong higpit na niyakap ito. It's my stuff toy dinosaur na binigay ni Tita El nung time na di ako tumigil sa kakaiyak kasi nga I was afraid to go out ng bahay. Hindi naman ganun kalaki si Dino, one feet size lang siya actually.

She said na kapag natakot ako, or kung nakakafeel ako ng sobrang galit or kung nafufrustrate ako, basta anything na overwhelming feelings ay yakapin ko lang daw si Dino at paniguradong marerelax ako. And effective siya all the time.
I also grab the thing na tinali ko sa kamay ni Dino at nilagay ito sa bunganga ko. I suck it really hard while crying. Kinuha ko ulit ang pacifier sa bunganga ko and put some magic sarap na nasa side table ko and suck it again and again. If someone sees me sa ganitong kalagayan, iisipin nila na baliw na ako. Eh sino ba naman ang matanda na gumagamit pa ng pacifier? Well, I have my reason.

The Author's Crime Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon