Ilang minuto na akong nakatayo dito sa labas ng condo unit ni Ma'am.
Ilang minuto narin akong nag dodoorbell pero wala paring bumubukas.
Sabi ni Ulan nandito daw si Ma'am. Nagkasalubong kasi sila kanina sa elevator.
Di man lang sinabi sa akin kanina na nagkita pala sila ni Ma'am edi sana kanina pa ako nakapunta dito. Marami na sana kaming nagawang baby ni Ma'am. HOI!
Eme lang.
Pero seryoso ako, nangangalay na tung kamay ko kakahawak ng tupperware, ang init pa naman. Ang bobo naman kasi ni Aki ba't di nilagay sa paper bag eh! Magdusa ka!
Walang akong tigil sa pag doorbell habang minamasdan ang paligid. Nasa pinakataas na floor kasi yung unit ni Ma'am at nag iisang pinto lang din ang nandito. So it means unit ni Ma'am ang buong floor na to? Ang gara ah! Pwede ng sugar mommy hehehe
Ang yaman siguro ni Ma'am.
Imagine, sakop ng condo mo ang buong floor ng isa sa biggest and tallest condominium in metro manila. Siguro ay sila Ma'am ang may ari ng building na to. Kasi naman, ito ay pag-aari ng Valencio group of companies which is ang isa sa pinaka maimpluwensiya at mayamang angkan sa Asia. paano ko nalaman? Ang laki naman kasi ng sign board sa harap ng building nato. Nakalagay, Valencio Tower.
Nalaman ko lang ito lately kasi nag start na akong mag-aral about businesses. And syempre dapat kilalanin ko rin ang mga posibleng kakompetensiya ko in the future. Charot! Hahaha
Apaka expensive din ang pinaka simpleng unit dito. Siguro kahit magtrabaho ako sa cafe forever ay di ko parin mabayaran ang downpayment dito.
Habang nag mumuni muni ay di ko napansin na nakabukas na pala ang pinto at may nakatayong tao.
Nagulat ako at nabitawan ang porridge na naging dahilan ng pagkahapdi ng balat ko sa braso. Binitawan ko narin ang isa pang tupperware na may lamang prutas at patalon talon ako sa sakit habang hawak hawak ang braso ko. Gagu ang hapdi!!
"What the fuck Buston!! You are so freaking stupid!" mabilis niya akong hinila papasok at hindi niya na nagawang isara ang pinto kasi kinalakad niya na ako sa kusina.
She opened the faucet at tinapat doon ang kamay kung napaso.
Binitawan niya ang aking kamay at pumunta sa ref.
Pinatay ko ang faucet at sumunod sa kanya.
"GO BACK THERE AND SOAKED YOUR FUCKING HAND WITH THE FUCKING WATER OR ELSE I'LL JUST CUT IT OFF! YOU FUCKING STUPID!"
Bigla akong kinabahan sa pag sigaw ni Ma'am. Namumula na siya sa galit.
Sumunod naman ako agad sa kanya at binabad sa tubig ang aking kamay. Mahirap na, baka hindi lang kamay ko putulin niya eh.
Di naman malala yung paso ko. Di naman kasi sobrang init talaga nung porridge. Ang oa lang talaga ni Ma'am.
Napansin ko lang na kahit ang simple ng damit ni Ma'am ay napakaganda niya parin. Naka white tshirt lang kasi siya na hanggang hita niya at naka messy bun yung buhok niya na nakapagpadagdag ng kagandahan niya. Hindi ko maiwasang tingnan ang mga hita nito. Nakaexpose kasi at hindi niya man lang napansin kasi busy ito kakahanap ng kung ano sa ref. Ang kinis naman, sarap kagatin.
Pinilig ko ang aking ulo. Heto na naman ako eh. Ang manyak talaga! Gusto ko man pigilan ang iniisip at ginagawa ko pero hindi ko mapigilan lalo na pag si Ma'am na ang usapan. Pag dating kay Ma'am ay napakaimpulsive ko masiyado. Nakakasira ng porma haayys.
Ng mahanap niya na ang kanyang hinahanap sa ref niya ay agad naman siyang humarap sa akin. At dahil bastos ang mata ko ay dumeretso ang tingin ko sa kanyang hinaharap.
BINABASA MO ANG
The Author's Crime
Mystery / ThrillerAKIYAH PRICE M. BUSTON -Dahil sa aksidenteng nasangkutan niya ay nagkaroon ito ng severe trauma na nag dulot ng pagkawala ng kanyang memorya at pagkawala ng kanyang boses( selective mutism). VIANTRISS VIEL T. VALENCIO - isang guro sa isang sikat...