Chapter 15- Suyuin si Ma'am

3K 87 134
                                    

Mabilis na dumaan ang mga araw at next week ay pasukan na pero yung tampo ni Ma’am di parin lumipas. 

Tangina naman. 

Ang hirap naman kapag nagtampo si Ma’am inabot talaga ng isang buwan.

Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko. Like inlulutuan ko siya everyday ng breakfast at dinner niya pero di man lang niya kinain.

I tried my best to talk to her pero di ko siya mahagilap. 

Di ko rin siya maabutan sa kanyang condo at feeling ko ay di na siya doon umuuwi eh. Tinext ko narin at tinawagan pero di ako sinasagot. 

I even chatted her sa lahat ng kanyang social media pero kahit seen man lang ay wala akong napala, naka online naman siya.

I even bought my savings ng mga bulaklak at sari saring gifts na mamahalin kasi baka di tanggapin ni Ma’am pag mumurahin lang pero di niya naman ito tinanggap .

Nakikita ko nalang na tinapon niya na sa labas ng building doon sa may garbage dumpster. 

Konti nalang tuloy ang savings ko haayyys. Pero di rin naman sayang kasi basta si Ma’am ay walang masasayang. Lahat worth it.

At yung nga, nahihirapan din naman akong ibigay sa kanya ang full attention ko kasi busy narin ako sa practice ng banda kasama sila Tobs.

Nag umpisa na kasi akong mag train kasama sila last last week pero hindi pa naman ako nakasama sa kanilang magperform sa public. Mamayang gabi ang first gig ko. Sa isang resto bar daw kami mag peperform mamaya.

So yun, hindi ko na alam talaga anong gagawin ko para pansinin ako ulit ni Ma’am. I even tried to go to her house pero pinagbawalan naman ako ni Ulan kasi malapit lang yun sa bahay namin dati at baka daw makita ako ni Daddy kaya wala akong magawa kundi ang sumunod nalang.

At dahil sa desperado nga ako ay lumuhod ako kay Ulan kahit labag sa loob ko para lang sabihin niya sa akin kung saan ang kompanya ni Ma’am Viel. Kaya heto ako nasa harap ng kompanya ng isang Viantriss Viel Valencio

“Wow.. ang laki!” 

 Hindi mawala wala ang kinang at pagkamangha sa aking mga mata habang nakatanga sa napakatayog na building ni Ma’am. Sobrang laki nito at napakalawak. Hula ko mga 80 floors ito at nasa humigit kumulang 10,000 sqm ang haba!

Nakakamangha!!

Maslalo akong nainlab kay Ma’am. Imagine owning this huge company at a young age ay nakakamangha talaga.

Ihhhhhh!!!! Excited narin akong maging mayaman!!!

Masyayaman pa ako kay Ma’am in the future at masmalaki pa ang buidling na ipapatayo ko dito pero syempre kahit na matalo si Ma’am sa akin sa payamanan ay mamahalin ko parin siya at hindi papalitan! Hehee

Humakbang na ako papalapit sa napakalaking entrance door ng building habang hawak ang isang lunch bag na may lamangpagkain na niluto ko pa para kay Ma’am.

Syempre maaga akong gumising para iprepare lang to noh!

Ginawa ko ito ng may pagmamahal.

Kaya sisiguraduhin ko na this time, makakain na ni Ma’am ang luto ko.

Tumigil muna ako sa nakaparking na kotse at tiningnan ang sarili sa side mirror.

Pinasadahan ko ng aking kamay ang aking buhok na medyo humahaba narin.

“Hmmm shoulder length na ang buhok ko. Papagupit ko ba or as ease lang?” habang nag iisip ng pwede kong gawin sa buhok ko ay biglang bumukas ang pinto sa driver seat ng sasakyan sa harap.

The Author's Crime Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon