Nakalagay ang dalawang kamay ng lalaki sa maliit na bewang ni Viel habang siya naman ay nakayakap sa batok ni Mathew.
Kitang kita ko kung pano siya nasasarapan sa paghalik na binibigay sa kanya nung Unggoy.
Naramdaman ko na naman yung sakit sa puso ko.
I don't know what I am feeling right now, all I can say is that it hurts, parang libo-libong patalim ang sumaksak sa puso ko.
My heart feels so heavy that all I want to do is cry.
Bago pa man tumulo ang aking luha, ay may mga kamay ng tumakip sa aking mga mata at niyakap ako.
Napahagulgul na ako sa dibdib ng yumakap sa akin.
I can feel na inaakay niya ako palayo doon kila Ma'am.
Ang sakit sakit sobra.
Nung nakaraan lang ay ang saya saya kung kapiling siya.
Umaasa ako na kahit kaunti ay may nararamdaman din siya akin.
Kasi naman halata din yun sa kung paano niya ako alagaan at protektahan pero mukhang delulu nga talaga ako kasi umasa akong merong meaning ang lahat ng mga ginagawa niya.
Naramdaman ko nalang na may pumahid sa mga luha ko.
Ng iangat ko ang aking mga mata ay nakita ko agad ang nag-aalalang mukha ni Heaven.
"Baby cub.."
Mabilis ko siyang niyakap ulit at umiyak sa kanyang bisig.
Kahit wala akong karapatan kay Ma'am siguro naman ay may karapatan akong umiyak ngayon.
All those hope and chances na nabuo sa isip at puso ko ay naglaho nalang bigla.
Hindi naman siya siguro makikipaghalikan sa lalaking yun kung wala siyang gusto diba?
Siguro nga mahal niya yung Mathew at siguro nag-aalala lang siya sa akin....
...as her student.
Siguro nga.
Ako lang talaga yung umasang merong kami.
BINABASA MO ANG
The Author's Crime
Mystery / ThrillerAKIYAH PRICE M. BUSTON -Dahil sa aksidenteng nasangkutan niya ay nagkaroon ito ng severe trauma na nag dulot ng pagkawala ng kanyang memorya at pagkawala ng kanyang boses( selective mutism). VIANTRISS VIEL T. VALENCIO - isang guro sa isang sikat...