WARNING: Bad words.
**
(Luhan's POV)
"Putangina mong bakla ka! Wala kang pakinabang! Papatayin mo ba ako dahil dyan sa tanginang luto mo?!" hinila ni Sehun ang buhok ko, napasigaw na lang ako sa sakit. Bigla nya ako akong sinuntok sa may tyan
"Sehunnie.. Nasasaktan ako..." daing ko, lalo nyang hinila ang buhok ko at dinala sa kusina
"Tangina mo! Dapat lang yan sa'yo, manggagamit ka! Dapat sa'yo pinapatay e! Wala kang kwenta! At pwede ba, wag mo akong tawaging Sehunnie?! Si Miranda lang ang pwedeng tumawag sakin nyan!" asik nya sakin, pero yun ang tawag ko sa'yo noon pa.
"Sehun, please.. Ipagluluto na lang kita.. Please, nasasaktan na ako.." umiiyak na sabi ko, tinulak nya ako sa pader napaungol na lang ako dahil sa sakit.
"Nang dahil sa'yo nawala lahat, napaka makasarili mong tao! Ang landi landi mo! Lahat na lang pinatos mong bakla ka! Kung inaasahan mong mamahalin kita, wala nang pag-asa Luhan! Wala." madiin na pag kakasabi nya at mariin nya akong hinalikan, nararamdaman kong dumudugo ang labi ko sa tindi ng halik nya.
Pag katapos nun iniwan nya ako na parang basahan.
**
"LUHAEN!" rinig kong sigaw ni Rea, inayos ko ang sarili ko. Nakatulog na pala ako sa sahig kakaiyak.
Nung pag kabukas ko ng pinto niyakap nya agad ako, napaiyak na lang ako habang yakap yakap sya.
"Shit Luhan! Anong nangyari sa'yo?! Yung labi mo! Tangina. Nasan ang hayop na babang yun?!" galit na sambit nya at kumalas sa yakap ko.
Hindi na lang ako umimik at umupo sa sofa, tumabi sya sakin at niyakap ulit ako.
"Luhan, minsan ka ng nag pakatanga kaya pwede ba tama na? Dalawang taon na Luhan at simula ng dalawang taong yun puro sakit at pag hihirap na lang ang nararanasan mo. Hindi ka ba nag sasawa? Hindi mo ba naisip yung sarili mo? Yung kaligayahan mo? Minsan sa buhay ng tao, kelangan tanggapin ang mga hindi na talagang pwedeng mangyari. Kung pinaramdam mo namang minahal mo sya noon, panahon naman siguro para makaranas ka ng saya ngayon?" advice nya habang nakayakap sakin
"Pero ayokong sumuko, gusto kong patunayan kung gaano ko sya kamahal." umiiyak na sabi ko
"Luhan, napatunayan mo na! At kung iniisip mong pag mamahal pa rin yang ginagawa mo pwes hindi na, isa ka ng dakilang tanga! Sabihin na nating mahal ka na nya pero ano? Siguro nasa kabaong ka na pag nangyari yun" hinawakan nya ang mukha ko at tinapat sa kanya
"You deserved to be happy my dear bestfriend. Ayokong nasasaktan ang bestfriend ko dahil lang sa walang kwentang tao, Luhan maganda ka na gwapo ka pa, 2 in 1 ka kaya! Wag mong sayangin ang oras mo sa kanya maraming pwedeng mag mahal sa'yo at hindi sya deserving sa pag mamahal mo." sabi nya, niyakap ko sya ng sobrang higpit. Nag papasalamat na lang ako dahil may bestfriend akong pangalan ay Rea Kim.
**
Alas dos na ng madaling araw, wala pa rin si Sehun. Maya maya narinig ko yung pag bukas ng gate agad agad akong tumakbo papunta sa pinto para buksan.
Pag bukas ko bumungad ang lasing na si Sehun, inakay ko sya papuntang kwarto namin mabuti at hindi sya nag pupumiglas. Nang maihiga ko sya bumaba ulit ako para kumuha ng basang tuwalya.
Pagkatapos kumuha ako ng damit at short nya, hinubaran ko sya at pinunasan ang katawan nya, napatingin ako sa mukha nya at napangiti ako ng mapait.
"Paano ba yan Sehun? Hindi ko alam ang salitang suko e" nakangiting sabi ko. Nagulat na lang ako ng hinila nya ang batok ko at nahalikan ako sa labi.
"I love you..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Miranda"**
Nyehehehe! Gusto mo bang patayin si Sehun? Mag comment lang ng pakyu Oh Sehun. XD
06-01-15 // 10:25 PM
HH041220
BINABASA MO ANG
I'm just his husband (HunHan FF.)
FanfictionHanggang kailan ka mag papakatanga para sa kanya? WARNING : boyxboy, yaoi © HH041220