(Luhan's POV)
I miss him pero hindi ko pa kayang patawarin sya, siguro ito na ang pag kakataon para sya naman ang mag dusa. Para malaman nya kung gaano kasakit yung pang gagago nya. Mahal ko sya pero hindi sapat yun para mapagaan ang loob ko.
"Luhan..." tawag ni Sehun, ramdam ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko huminga ako ng malalim bago sya harapin.
"What?" i asked in cold tone, tumingala sya at hinawakan ang kamay ko pero iniwas ko yun.
"Huwag mo kong hawakan. Wag mo kong daanin sa paawa effect mo, nasan yung matapang na Sehun na nakilala ko? Bakit hindi mo ko masabihan ng malandi, bakla at kung ano ano pang masasakit na salitang sinasabi mo? Nakokonsensya ka ba? Wala ka non Sehun. Wala." mariing pag kakasabi ko sa kanya.
"Ganan ka na ba talaga? Ikaw na ba ang demonyo sating dalawa?" seryosong tanong nya at tumingin sakin nakipag laban din ako ng tingin
"Oo, para malaman mo kung gaano kasakit yung mga ginawa mo sakin. Kung paano maging tanga para sa isang gagong tao." sabi ko ng hindi man lang kumukurap, umiwas sya ng tingin saka tumungo
"Sorry." bulong nya, tumawa ako ng peke
"Sorry na naman? Hindi ka ba nag sasawa? Dahil ako sawang sawa na. Nakakairita na e! Puro ka sorry pero hindi ko alam kung para san yon!" naiiyak na sabi ko.
Alam kong may nangyari sa kanila ng araw na yon ang gusto ko lang naman linawin ang lahat. Tatanggapin ko yung paliwanag nya pero alam kong may mag babago. Yung tiwala ko.
"Sa oras na malaman ko sa iba yung pang gagago mo sakin ng araw na yun, kalimutan mong may asawa ka." seryosong sambit ko. Napatingin sya sa akin. Tatayo na sana ako pero bigla nyang hinila ang kamay ko at aksidenteng napaupo sa hita nya, niyakap nya ako mula sa likod.
"Nung araw na yun, hindi ako pumasok sa opisina... Pumunta ako kay M-miranda para makipag hiwalay pero hindi ko napigilan yung tukso.. Sorry Luhan..." pag amin nya, napakagat labi ako para mapigilan ang luha ko pero wala akong nagawa. Nanghihina kong inalis ang braso nya
"Tangina. Ang sakit pala, salamat at nilinaw mo yung nasa isip ko... Sehun, mahal na mahal kita at alam mo yun pero nakakawalang gana na ang relasyong to... Lumalaban ako para satin pero ikaw ang unang sumusuko... S-siguro kelangan muna nating bigyan ng space ang isa't isa... Baguhin muna natin ang dapat baguhin, ayokong palalain ang sitwasyong to..." naiiyak na sabi ko at pumunta ng kwarto namin
**
Natulog lang ako mag hapon, ayokong kumain at ayokong makita sya. Tumagilid ako ng higa para mag tulog tulugan, naramdaman kong may tumabi sakin. Niyakap nya ako at hinalikan sa pisngi.
"Kung gusto mo ng space para sa relasyong to pag bibigyan kita pero hindi ibig sabihin non palalayain kita, akin ka pa rin Luhan. Alam kong di sapat ang sorry ko sa dami ng kasalanan ko pero baby hindi kita kayang isuko." sabi nya at hinahaplos ang buhok ko
" chu mo bu dao de ni wu fa yong zai bi wan li
ji shi bi shang yan jing zai ye meng bu dao de
shen mi bu zhi ru he xia bi xie wan ni
de Story ♪""Sorry kung hanggang dun lang yun nakaya kong kantahin, pero masasaulo ko din yun. Mahalaga ka sakin, sa ngayon hindi ko muna makakayang sabihin ang three words na yon pero Hannie balang araw makakaya ko nang panindigan ang salitang yon." dagdag nya at hinalikan ulit ako sa pisngi
**
"Good Morning baby, kumain ka na." nakangiting sabi nya, umiwas ako ng tingin at umupo sa tabi nya. Habang kumakain ako nakatingin lang sya sakin. Hinawakan ko ang mukha nya para iiwas ang tingin sakin pero bigla nyang hinawakan ang kamay ko
"S-sehun!" warning ko sa kanya pero ngumisi lang ang gago. Hinalikan nya ang kamay ko at pinalibot sa bewang nya.
"Tsk! Paano ako makakakain?" iritang tanong ko, hindi ko na lang inalis ang braso ko sa bewang nya sa halip hinigpitan ko pa lalo.
Luhan! Dakila ka talagang tanga!
"Ako mag susubo sa baby ko." ngiti nya at sinubuan ako ng kanin, bawat pag subo ng kanin hinahalikan nya ako sa labi
"SEHUN!" reklamo ko dahil hindi na ako makakain ng ayos, tumawa lang sya at hinalikan ako sa noo
Matapos nya akong pakainin sya na ang nag hugas ng plato. Habang nanunuod kami ng tv nakaakbay lang sya sakin. Bigla na lang may nag doorbell bubuksan ko na sana pero si sya na lang daw.
"MIRANDA?!"
---
Amoy gera na dis! Yahooo. Go Luhaen! Para sa bulge ni Sehun :D
Sorry sa grammatical errors at typos, dear.
BINABASA MO ANG
I'm just his husband (HunHan FF.)
FanfictionHanggang kailan ka mag papakatanga para sa kanya? WARNING : boyxboy, yaoi © HH041220