Para sa mga taong nag hintay ng update ko. Thank you bibeh :*
(Luhan's POV)
Nagising akong wala na si Sehun sa tabi ko, agad akong bumangon at pumunta sa baba. Napatingin ako sa kanyang nakaboxer short at apron lang. Pinagmasdan ko syang mag prito ng itlog at hotdog bawat pag tilamsik ng mantika agad syang tumatakbo palayo, gustong gusto ko syang tawanan pero baka ma beastmode na naman sya.
"Aish! Bakit mo ba kasi to ginagawa Sehun?!" rinig kong reklamo nya habang nilalagay ang pinrito nyang itlog at hotdog sa plato.
"Tsk. Yung totoo, bakit ang itim ng hotdog? Baka sumakit ang tyan ni Luhan dito ah? Maitapon na nga lang." bago nya pa maituloy yung sinabi nya agad ko syang niyakap mula sa likod.
"Wag ka ngang manggugulat Lu! Papatayin mo ako eh!" natawa na lang ako sa sabi nya at humiwalay. Napatingin ako sa hotdog na pinrito nya. Hotdog ba talaga yun o uling?
"Bakit mo kasi itatapon yan?! Akin na nga!" inagaw ko ang plato sa kanya at nilagay sa ibabaw ng lamesa. Nag hain kaming dalawa tsaka kumain.
"Lu, please lang. Ayokong madala ka sa hospital dahil sa uling na hotdog na yan." inagaw ni Sehun yung plato pero agad ko syang sinamaan ng tingin.
"Ang o.a mo ha! Tsaka ayokong palampasin to, ang isang Sehun Oh nag luto para sakin?!" natatawang pang aasar ko, nag pout sya at umiwas ng tingin.
"Minsan na nga lang mag effort tatawanan pa." nakapout na sabi nya, ngumisi ako at ginulo ang buhok nya.
"Aww, nag tatampo na ba ang baby ko?" pangaasar ko ulit, padabog syang umalis at iniwan nya akong tumatawa. Nag tampo nga ang kufal, mamaya na sya. Kakain muna ako. Pag katapos kong kumain agad akong pumunta sa kwarto kung nasan si baby Thehun na nakahiga sa kama.
"Sehunnie.." tawag ko sa kanya, tumingin sya sakin at inirapan ako. Natawa ako at umibabaw sa kanya.
"L-luhan anong ginagawa mo?!" gulat na sambit nya, ngumisi lang ako at hinalikan sya sa noo.
"Good Morning baby." bati ko sa kanya "I love you." dagdag ko at hinalikan ang labi nya. Naramdaman kong ngumiti sya sa labi ko at pinagpalit ang pwesto namin.
"Ikaw talaga agang aga binubuhay mo si jr." nakangising sabi nya, umirap ako at kinawit ang braso ko sa batok nya.
"Good Morning Mrs. Oh" hinalikan nya ang pisngi ko "Mas maganda ka pa sa umaga." dagdag nya at mas nilapit pa ang katawan sakin.
"Ramdam mo?" bulong nya sa tenga ko, tumango lang ako. Hinalikan ko sya sa labi at niyakap pa ng mas mahigpit.
"Horny bastard." bulong ko sa kanya, tumawa sya at humiwalay sakin.
"Maligo ka na. May trabaho ka pa Mr. Oh." paalala ko at bumangon, inayos ko gamit nya pero bigla na lang nya akong niyakap mula sa likod.
"Pwede ba kitang dalhin sa office? Gusto ko ng may lumalandi sakin eh." mapangakit na sabi nya, lumalandi sa kanya? E di tawagin nya si Miranda.
"Alam mo namang ayoko sa ganong lugar di ba? Tsaka Mr. Oh, ayokong madistract ka ng dahil sakin." pag mamayabang ko, narinig ko pa ang mapang akit na tawa nya.
**
"Tawagan mo na lang ako kapag may problema ha?" inayos ko ang suit nya saka ako tumango.
"Mag ingat ka." nakangiting sabi ko, tumango sya at hinalikan ako sa noo.
"Ikaw din, huwag kang mag papasok ng hindi mo kilala dito sa bahay. Kung sakaling mag gagala ka i-double check mo ang bahay kung lock na. At Mrs. Oh, please lang dumating ka sa tamang oras kapag gagala ka hindi yung mas nauuna pa ako sa'yo. Pinalampas ko lang yung kagabi at hindi na yun mauulit." litanya nya, tumango lang ako kahit hindi ko naiintindihan ang sinasabi nya. Niyakap nya ako saka sya sumakay ng kotse.
"Bye baby!" kumaway ako saka nag flying kiss, tumawa naman sya at nag flying kiss din sakin.
Pag alis ni Sehun agad akong nakipag skype kay Rea, itong babaeng to umalis ng walang pasabi. Hindi ko tuloy alam kung saan sya nag punta. Bestfriend pa!
"Hi Luhan!"
"Yo Rea!"
Nag kwentuhan lang kami tungkol sa mga bagay bagay, katulad ni Sehun, Xiumin pati si Miranda hindi namin pinalampas buong araw lang kami nag video call.
Gabi na dito nung nag paalam sya dahil may pupuntahan daw sila ni Clark, napatingin ako sa wall clock at nakita kong alas otso na pala. Maya maya narinig ko ang pag busina palatandaan na nandito na si Sehun.
Nagulat na lamang ako ng biglang si Chanyeol ang lumabas mula sa driver seat. Kasunod noon ang pag bukas nya ng pinto sa passenger seat kung saan nandoon si Sehun.
"Hyung, itong asawa mo hindi pumasok ng tanghali sa office tapos nalaman kong nasa bar lang pala." sumbong ni Chanyeol sakin agad akong lumapit at kinuha ang asawa ko.
"Wala kaya ako hic sa bar! Nasa puso hic kaya ako ni Luhan!" piningot ko ang tenga ni Sehun saka tumingin kay Chanyeol.
"Ako na ang bahala sa kanya, umuwi ka na. Salamat nga pala sa pag hatid sa tarantado kong asawa tsaka mag ingat ka." nakangiting sabi ko kay Chanyeol tumawa sya at tumango. Pag kalabas nya ng gate may tiempong dumaan na taxi. Inalalayan kn si Sehun sa loob saka sinipa ang pinto para mag sara. Inihiga ko muna sya sa couch at kumuha ng maligamgam na tubig at tuyong trapo.
"At ikaw naman na kupal ka ano naman ang problema mo ha?!" sermon ko sa kanya, ngumisi sya at kumaway sakin na parang tanga.
"Hello I am Baymax, your personal healthcare companion!" nasapo ko ang noo ko dahil sa kalokohan nya. Lasing na nga ang dami pang alam sa buhay
"Luhan.." napatigil ako sa boses nya, naging malungkot ito at anytime para na syang iiyak. Lumapit ako at umupo sa konting espasyo sa tabi nya saka ko sya pinunasan.
"Wala na sya." nakikinig lang ako sa sinasabi nya. "Wala na si Miranda, umalis na sya. Pumunta na sya ng ibang bansa." dagdag nya, napatigil ako hindi ko alam kung malulungkot ako o matutuwa, matutuwa dahil sa wakas pwede na ulit kaming mag simula ni Sehun o malulungkot dahil kahit anong gawin ko si Miranda pa din ang hanap nya.
"Mahal na mahal ko sya hyung. Hindi dapat ako nag kakaganito pero hindi ko maiwasan, hyung ang sakit." parang nawala ang kalasingan nya, para syang batang inagawan ng candy kung makapag sumbong sakin. Bumangon sya at niyakap ako narinig ko pa ang pag hikbi nya sa balikat ko, imbes na magalit ako at saktan sya wala akong nagawa kundi ang yakapin sya pabalik. Dahil kelangan nya ngayon ng taong nasa tabi nya. Kelangan nya ng bestfriend at ako yun. Humiwalay sya ng yakap sakin at hinawakan ang pisngi ko.
"Mag sisimula tayong dalawa ulit, kakalimutan na natin ang lahat ng to. Gagawa ulit ng bagong memories." nakangiting sabi nya at hinalikan ang noo ko. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya.
"I cannot deactivate until you say you are satisfied with your care." Pakyu ka. Seryoso na eh!
**
Happy Birthday sa manly'ng nag ngangalang Luhan 🎈🎉 Nadagdagan na naman ng isang taon ang edad mo pero heto kami hndi nbbwsan ang pagmamahal namin sa'yo. Hahaha! Charot! Pero realtalk Lu, mag pakasal na kayo ni Sehun bago pa namin sya agawin sa'yo 😂😂 I love you, wo ai ni, saranghae ❤😘 #happyluhanday
BINABASA MO ANG
I'm just his husband (HunHan FF.)
FanfikceHanggang kailan ka mag papakatanga para sa kanya? WARNING : boyxboy, yaoi © HH041220