Chapter 12

1.2K 33 3
                                    

(Luhan's POV)

"LUHAAAAAN!!!" kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa at agad ni-lock ang pinto ng bahay.

"Ang tagal mo." inis na sabi nya nung makalabas ako. Umirap ako sa kanya at papasok na sana ako ng kotse pero bigla nya akong pinigilan.

"Mag palit ka nga! Bakit ka nakasando? Tapos wag ka nga mag short, mag pantalon ka. Basta lampas hanggang tuhod!" kunot noong sabi nya, napatingin ako sa suot ko. Wala namang masama sa suot ko ah.

"Gago ka ba? Beach ang pupuntahan natin! Bobo mo" inirapan ko sya at pumasok na sa loob, rinig ko pa ang mura nya pero hindi ko binigyan ng pansin.

Tahimik lang sya habang nag dadrive, nakatuon lang ang mata nya sa daan habang nakakunot ang noo. Napalunok ako, kapag ganyang itsura nya ay galit na sya. Pumikit ako ng mariin saka hinaplos ang braso nya.

"Sehunnie.." malambing na tawag ko, hindi sya lumingon o umimik man lang.

"Gusto mo bumalik tayo?" kinagat ko ang labi ko, tahimik lang sya at hindi pinansin ang tanong ko.

"Sorry na." nakapout na sabi ko, tumingin sya sakin at umirap. Napangiti ako.

"Wag na wag kang lalayo sakin pag nakarating tayo doon." mariin na sambit nya, tumango lang ako at ngumiti sa kanya.

"Wala namang masama sa soot ko ah." simpleng sando lang naman to at khaki shorts.

"Alam ko pero madaming titingin sa'yo, mapa babae o lalaki napapatingin sa'yo eh." umirap sya. "Ang hirap ng may gwapong asawa." bulong nya kaya namula at napatahimik ako.

Ngumiti ako at hinalikan sya sa pisngi, namula ang mukha nya at napangiti.

"Bati na tayo?" nakangising tanong ko, kinuha nya ang kamay ko at hinalikan ang likod nito.

"Oo na."

**

Pinarada nya ang kotse at napatingin agad ako sa mapayapang dagat, nakakaenganyong maligo lalo na at sobrang linaw ng tubig.

"Sehunnie! Tara na!" excited na sabi ko, lumabas ako at ganon rin sya. Kinuha nya ang maleta namin sa likod ng kotse.

"Wait lang misis." tumawa sya at hinila ang maleta, hinapit nya ang bewang ko at pumasok sa resort hanggang dito ay tanaw pa din ang asul na dagat.

"Room for one." malamig na sambit nya sa babaeng nasa front desk, ngumiti ang babae at malagkit na tumingin kay Sehun. Hindi ko na lang sya pinansin, niyakap ko ang bewang ni Sehun.

Napasimangot ang babaeng nasa front desk at binigay ang susi namin, habang nag lalakad ay yumuko si Sehun para mabulungan ako.

"Ang sarap mong pag selosin." hinalikan nya pa ang likod ng tenga ko, kinurot ko ang tagiliran nya.

"Aray!" reklamo nya at hinawakan ang parteng katawang nakurit ko. Nang makarating sa kwarto ay bumungad ang modernong gawa doon mula sa gamit at kulay.

Lumapit ako sa veranda at tanaw na tanaw dito ang mapayapang dagat, maya maya ay may yumakap mula sa likod ko.

"Nagustuhan mo ba?" ngumiti lang ako sa kanya at hinawakan ang kamay nyang nakayakap sakin.

"Ilang araw tayo dito Sehunnie?" tanong ko, napipikit ako ng halikan nya ang likod ng aking tenga.

"Kahit ilang araw ang gusto mo." ngumiti sya at hinalikan batok ko.

"Misis, gusto kitang angkinin." humarap ako sa kanya at hinalikan ang kanyang labi.

"I love you, Sehunnie." ngumiti sya at hinalikan ang noo ko.

Sa ngayon, kunteto ako kung ano ang meron samin ni Sehun. Kung mahal nya pa si Miranda ayos lang sakin dahil alam kong matutunan nya akong mahalin.

Hapon ng mapagpasyahan naming mamasyal, kapag dumadaan kami ay agad silang napapalingon samin. Hindi ko alam kung nandidiri sila o kinikilig sa aming dalawa ni Sehun.

"Ang daming tumitingin sa'yo, naiinis ako." bulong nya pero inirapan ko lang, ano pang kinaiinis nya e nandito na ako sa tabi nya.

"Manonood tayo mamaya ng sunset?" tanong ko para maiwala yung kinaiinisan nya, nakakunot pa rin ang noo nya at tumingin sakin.

"Gusto mo ba?" tumango lang ako bilang sagot, ngumiti sya at hinalikan ang labi ko agad akong namula sa ginawa nya.  Hinampas ko ang braso nya pero tumawa lang sya.

Binitawan nya ang kamay ko at hinapit ang aking bewang, nilapit nya ang mukha nya saking tainga.

"You're mine baby." bulong nya at hinalikan ang pisngi ko, ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi.

Alam ko Sehun, alam na alam ko.

**

Hapon na at umupo kaming dalawa, kinuha ko ang aking DSLR at agad pinicturan ang papalubog na araw. Nasa likod ko si Sehun at nakaupo ako sa pagitan ng hita nya habang nakasandal ako sa kanyang dibdib.

Tahimik naming pinapanood ang kulay kahel na langit at pinagdarasal ko na sana hindi na matapos ang araw na to, alam kong marami pang oras at panahon para makasama ko pa si Sehun pero ngayon gusto ko munang tumigil ang oras dahil alam kong pag katapos nito problema na naman.

Bumaling ako sa kanya laking gulat ko pa ng makitang titig na titig sya sakin, ngumiti ako sa kanya at bigla nya na lang akong hinalikan. Lumayo ako para mapicturan sya, hindi ko na sya hinintay ngumiti para makakuha ng magandang shots.

Tumalikod ako sa kanya at tiningnan ang mga shots nya, ang gwapo nya kahit stolen. May humawak sa bewang ko at napangiti ako kung sino yun.

"Tara na, mag gagabi na." tumango ako sa sinabi nya, inakbayan nya ako habang nag lalakad kami.

"Kain na tayo." pumunta kami sa isang open air na restaurant, umupo kaming dalawa kung saan tanaw ko ang dagat habang si Sehun naman ay nasa tapat ko. May waiter na lumapit samin at inabot ang menu.

Umorder lang ako ng juice at tuna sandwich, hindi ako makaramdam ng gutom eh. Sinamaan ako ng tingin ni Sehun.

"Bakit hindi ka kumain ng kanin?" malamig na tanong nya, ngumuso ako at umiwas ng tingin.

"Busog pa ako eh." huminga sya ng malalim saka tumahimik, matapos lamang ng ilang minutong pag hihintay dumating ang order naming dalawa.

Kanin at pork steak yung sa kanya, kumagat ako sa sandwich na hawak ko at tahimik lang kaming kumakain. Nagulat na lang ako ng bigla nyang tinapat ang kutsara nya sa bibig ko.

"Kumain ka, ayokong yan lang ang kinakain mo." mariing sabi nya, hindi na ako nag reklamo at sinunod na lang ang gusto nya.

Matapos kumain ay nag take out pa sya para sakin, para handa na daw kung sakaling magutom ako. Ngumiti na lang ako sa mga ginagawa nya at hindi na lang umimik.

Pag pasok namin sa hallway ng resort ay dumiretso agad kami sa kwarto para mag pahinga, naligo muna ako at saka nag tooth brush pag katapos tapusin ang dapat kong gawin ay humiga agad ako sa kama at ramdam ko ang pagod dahil sa nangyari mag hapon. Lumipas ang ilang minuto ay nakatulog ako ng hindi ko namamalayan.

**

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm just his husband (HunHan FF.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon