(Sehun's POV)
Matapos ang gabing yon, naging malamig ang pakikitungo nya sakin. Dalawang araw na kaming hindi nag papansinan, gusto ko man syang pansinin pero natatakot ako.
"Luhan.." tawag ko sa pangalan nya, nasa balcon sya at nakaupo sa couch. Hindi nya ako pinansin nakatingin lang sya sa malayo. Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harap nya para mahawakan ko ang kamay nya.
"I'm sorry.." puno ng pag susumamo kong bulong at hinalikan ang kamay nya.
"Sabi mo babawi ka, hinintay kita Sehun. Pero, paasa ka. Kahapon pumunta ako sa office mo at nalaman ko kay Chanyeol na hindi ka pala pumasok, napakasinungaling mong tao!" sabi nya na hindi nakatingin sakin, puno ng hinanakit ang boses nya nung sinabi nya yon.
"Luhan, let me explai--" hindi na nya ako pinatapos.
"Ayoko ng paniwalaan ang mga sasabihin mo, ayoko na ulit makarinig ng isa pang kasinungalingang sasambitin mo.." puno ng galit nyang pahayag, inalis nya ang kamay ko saka sya tumayo.
"Akala ko nag bago ka na, akala ko sincere ka na sa akin yun pala isa lang kalokohan na dapat hindi ko pinag katiwalaan, yung gabing umuwi ka alam ko na galing ka kena Miranda at nakipag talik ka sa kanya. Gawin ko kaya yan no? Tutal sira na naman tayo pareho." nanggigil na sabi nya at umalis. Napapikit ako.
**
(Luhan's POV)
Ayokong mag tagal habang kausap sya, ayokong mapag sisihan ko sa huli ang mga sasabihin ko sa kanya. Mas gusto ko pang hindi ko muna sya pansinin, dahil gusto ko munang makahinga sa pangyayari.
Sa bahay muna ni Rea ako nakituloy ayos lang sa kanya dahil wala din naman syang kasama. Nung kwinento ko kay Rea yung nangyari samin kulang na lang sumugod ang babaeng to.
"Lu, tulala ka na naman. Sabi mo kanina ayos ka lang, ayos ka lang ba talaga? Yung totoo." pag alala ni Rea, napalunok ako at napatungo. Hinawakan nya ang baba ko at tinapat sa kanya
"Magiging ok din ang lahat. Sa ngayon, kelangan nyo munang harapin ang pag subok na to bilang mag asawa kahit naiirita ako sa asawa mo pero kelangan mo rin pakinggan ang side nya, huwag kang tumulad sa ibang mag asawa na konting pag kakamali lang sumusuko na" advice nya.
"Pero Rea ang sakit e, minsan na nga lang ako mag effort mawawala pa." pag rereklamo ko, ngumiti sya ng tipid sakin
"Alam kong masakit pero hindi ka dapat mag padala ng dahil lang dun, Luhan kilala kita supot ka pa lang kasama mo na ako. At yung Luhan na kilala ko hindi alam ang suko, kaya ka nga tumagal ka sa kanya na kahit sabihin kong lumayo ka hindi ka nakikinig kasi matapang ka. Sasayangin mo ba ang dalawang taon na yon para lang sa kasalanang ginawa nya? Alam kong kaya mo Luhan." nakangiting sabi nya, napangiti ako at di ko napigilan ang yakapin sya.
"Salamat Rea, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka sa tabi ko." sabi ko, niyakap nya din ako.
"Malakas ka sakin e." natatawang sabi nya.
"Lu may sasabihin ako." seryosong sabi nya at bumitaw sa yakap. Tiningnan ko sya at kinabahan ako sa tingin nya.
"A-ano yun? Buntis ka ba?" sinubukan kong pagaanin ang sitwasyon kahit na sobrang kaba ko na. Binatukan nya ako at tumawa ng peke
"A-alis ako, pupunta kami ni Clark sa Korea. Nakahanap na sya ng trabaho dun at mag m-migrate na kami." napakagat ako ng labi para hindi ako mapaiyak.
"Paano ako? Ang sabi mo hindi mo ako iiwan! Rea naman, alam mong ikaw lang yung taong nakakaintindi sakin! Pwede naman sya na lang ang pumunta dun ah! Bakit isasama ka pa?!" naiiyak na sambit ko, niyakap nya ako ng sobrang higpit.
"I'm sorry, may fb, skype, line, naman eh." sabi nya na naiiyak din.
"Pero mas maganda kung ikaw pa rin yung nandito! Yung nahahawakan kita, yung nakakausap kita." iyak lang ako ng iyak, napakaiyakin ko talaga ang manly manly ko tas mas daig ko pa ang babae. Kumalas sya sa yakap
"Manly ka. Ok? Kahit mas maganda ka pa sakin, manly ka. Huwag ka ngang umiyak! Hindi pa ako mamamatay!" nakangiting sabi nya.
Naputol ang pag uusap namin ng may tumawag kay Rea. Pinakita nya sakin kung sino ang tumatawag, nagulat na lang ako ng si Sese yon, umiling ako sa kanya tanda ng huwag nya sabihin kung nasan ako. Niloudspeaker nya
"Hello."
"Rea, andyan ba si Luhan? Please! Ilang araw na sya hindi umuuwi. Gusto ko syang makausap, namimiss ko na yung asawa ko."
"Pero, wala dito si Lu. Bigyan mo muna sya ng spa--"
"Space?! Tangina. Tatlong araw na syang wala dito sa bahay sapat na naman siguro yun para umuwi na sya.. R-rea please s-sabihin mo sakin kung nasan sya"
"I'm sorry Sehun, pero hindi ko talaga alam kung nasan si Luhan."
Binaba na ni Rea ang tawag at sinuri nya ako.
"Luhan, hindi lang ikaw ang nahihirapan pati rin sya. Kung kaya mo na syang kausapin umuwi ka na pero kung kelangan mo pa ng panahon at oras para makapag isip dito ka muna." payo nya pero umiling ako, gusto ko ng umuwi gusto ko ng makita ang asawa ko.
"Uuwi na ako, miss ko na si Sehun" sabi ko na kinangiti nya, hinawakan nya ang pisngi ko
"Kaya mo yan. Fighting!" nakangiting sabi nya, napa ngiti din ako at niyakap ko sya.
**
Pag balik ko sa bahay ang baho ng sala namin, pagpasok ko nakita kong nakaupo si Sehun sa couch habang nakatingala. Naimulat nya ang mata nya at napatingin sakin. Niyakap nya ako ng sobrang higpit.
"L-Luhan, sorry." Ramdam ko ang sinseridad sa boses nya, hindi ko sya niyakap gusto ko muna syang pahirapan. Gusto ko syang subukan kung ano ang makakaya nyang gawin para bumalik sakin
Humiwalay sya at hinawakan nya ang pisngi ko, napatingin ako sa mata nya na namumula at pati ang ilong nya. Inalis ko ang kamay nya sa pisngi ko at malamig ko syang tiningnan.
"Hindi porke't bumalik ako ok na tayo. Mag ipon ka ng lakas para maipaliwanag sakin ang nangyari ng gabing yon, wag kang puro sorry hindi mo na ako madadala ulit dyan." malamig na pahayag ko, napatungo sya. Tumalikod ako at iniwan syang mag isa.
**
Sorry sa grammatical errors at typos.
![](https://img.wattpad.com/cover/41132020-288-k38644.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm just his husband (HunHan FF.)
FanfictionHanggang kailan ka mag papakatanga para sa kanya? WARNING : boyxboy, yaoi © HH041220