Chapter Five

4.9K 100 3
                                    

Kaori

KINABUKASAN ay pictorial na agad ng mga candidates. Ang partner ko ay iyong kaklase ko na academic achiever. There was no problem when we were selecting our male candidate, sa babae lang talaga nagka-problema dahil kaniya-kaniya kaming tulak kung sino ang representative.

"Nandiyan na sa labas iyong handler mo, Kaori."

"Saan kami magm-make up?" tanong ko.

"Dito nalang siguro sa room, nasa labas naman lahat ng kaklase natin naglalaro."

Pumasok ang handler ko kasama iyong assistant niya.

"Aw, ang ganda-ganda mo naman. Nai-imagine ko na agad kung anong babagay na look for you," my handler smiled.

"Sure na ba 'to? Wala ng atrasan?" mahinang tanong ko.

"You'll do good, sweetheart. Halika na, let's start doing your make up."

I nodded. He made me sit in a folding and portable chair. Nang magsimula ito ay tahimik lang ako at sumusunod sa mga pinapagawa niya. Katulad nalang ng tumingin ako sa itaas o sa ibaba. We started at two PM and ended at four. Hindi naman siguro aabutin ng isang oras ang pictorial.

"Hoy ang ganda!"

"Sino ka diyan, Kaori!"

Iilan lang iyan sa salubong ng mga kaklase ko paglabas ko ng room. Umismid lang si Gel at umalis kasama ang mga kaibigan niya. I can't blame her though, I look so confidently pretty right now. My make up is all done and I am currently wearing a white tube and a fitted jeans. May sash ako n suot kung saan nakalagay ang section na nir-represent ko. Nakaayos rin ang buhok ko na katulad ng kay Ariana Grande. Nakasuot rin ako ng heels na five inches. Kaya ko naman since tinuturuan rin ako ni Mommy noon.

Pagpasok namin sa computer room kung saan gaganapin ang pictorial ay natagpuan ko si Mr. De Russo kasama ang mga bodyguard niya na nakaupo sa tabi. Together with him is my professor and the other faculty and staff of the school. Nang dumapo ang tingin nito sa 'kin ay nag-iwas ako ng tingin. I looked at my co-candidates. They look so pretty.

"You look different," my partner said as soon as I sat next to him.

"Alam kong maganda ako, ano ka ba. Maliit na bagay," ani ko.

"Kapal ng mukha mo."

"Alam ko rin 'yan."

Mabait ang handler ko. Inaasikaso niya ako from time to time. Fixing my hair or adding something in my face. Hindi ako mapakali sa upuan ko habang nakaupo. Parang nakakapaso kasi ang tingin ni Mr. De Russo. Naiinggit ba siya sa make up ko?

"Ikaw na ang susunod niyan. Patingin ng ngiti."

Ngumiti ako sa handler ko. Umalis ito sa tabi ko saglit at pagbalik ay hawak niya na ang iilang abubot na susuotin ko.

"Okay, your turn. Smile ka lang, okay? Be confident with the beauty that you are carrying. Ang ganda-ganda mo."

Alam ko po.

Pumunta ako sa harap. They made me sit in a mono block chair and made me lean in the table in front of me. In-adjust rin ng handler ko ang tube na suot ko pababa kaya nakikita na ang cleavage ko. He then made me pose a sexy look. Inviting and seducing.

"Tagilid mo ng kaunti ang katawan mo. Face the camera, Kaori. Katawan lang ang ipaharap mo sa gilid."

I nodded and did what he said. Nakailang shots pa kami at sa wakas ay tapos na. Sinalubong ako ng mga kaklase ko paglabas. They showered me with praises and questions. Naguguluhan tuloy ako kung sino ang uunahing sagutin sa kanila.

Hussein De Russo's ChattelsWhere stories live. Discover now