Chapter Eleven

4.2K 75 2
                                    

Kaori

Days went by so fast. Finals na namin. Nalalanta tuwing uuwi ng bahay dahil sa dami ng projects at test, may oral at examination pa. I won't last long for real.

"Bakit nakahiga ka lang diyan?! Kaori, finals niyo na!" sigaw ni Kady.

"Oo nga eh," matamlay kong sagot.

Kapag naka-graduate na ako, ib-block ko na silang lahat sa social media. Magpapakalayo-layo ako at mamumuhay mag-isa. Joke lang.

Sumasakit ang ulo ko kaka-memorize. I am not fond of memorization. And will never be. Imagine memorizing ten back to back words written in a bond paper! Ang hirap.

But I chose this course. No one pushed me. Kaya feel ko deserve ko talaga 'to. Sabado ngayon at wala akong klase. Bukas wala rin. Plano kong magliwaliw ngayon bitbit ang bond paper ko.

"Labas muna ako, Keyds. Baka ma-memorize ko 'to lahat kapag nagliwaliw ako sa labas."

"Mawawala ka sa focus. Maingay ang paligid mo hindi ka makakapag-memorize ng maayos niyan."

"Babye!"

Nagtatakbo ako palabas ng apartment. Maaliwalas ang panahon. Hindi masyadong mainit at malakas ang hangin. Nakakakalma. Pero nag-iinit ang ulo ko kasi wala si Hussein sa tabi ko.

He's too busy with work. Wala naman akong reklamo kasi trabaho 'yon pero sana naman bigyan niya rin ako ng time. Kahit update lang from time to time. Ayos naman na 'yon.

Pumasok ako sa isang antique book cafe. Wala masyadong tao. Ganda ng ambiance.

"Do you speak english, Ma'am?"

Nagulat ako dahil do'n. Mukha bang hindi?

"Nagtatagalog din po," natatawang sagot ko.

Mukhang nagulat ito sa sagot ko. Yes, it wasn't really visible since I'm a full blooded Japanese. My white as snow complexion and cat eyes is the proof.

"O-order po ba kayo?"

"Sige."

She handed me the menu. I ordered one chocolate crepe cake, two large Dairy Milk, and a chocolate ice cream. Mabuti nalang at may check up ako sa dentist ko once every month. I like sweets and it definitely is not healthy for my teeth.

Habang naghihintay sa order ko at tinititigang ang reviewer ko ay tumunog ang cellphone ko. Nag-vibrate pala.

"No need to check up on me every now and then, Kady." I hissed.

"Hindi ka na bata para i-check ko pa. Hindi ko alam na feeler ka rin pala. Nandito ang boyfriend mo, hinahanap ka."

"Pasabi i-track niya nalang cellphone ko. Bye!"

Binabaan ko si Kady. Alam ko naga-alburuto na naman 'yon sa inis. Bahala siya.

Bigla ay nakaramdam ako ng pangungulila sa mga magulang ko. Ang tagal na no'ng huling nakita ko sila. Wala ni isa sa kanila ang nakakaalam na may boyfriend ako. Hindi ko sinabi kahit kanino. Matagal rin bago nalaman ni Kady na boyfriend ko si Hussein. My mom constantly checks on me. I am vocal with everything, but I can't tell them yet. Kinakabahan kasi ako sa magiging reaksyon nila.

"I'm sorry. I've been busy with the business and hardly have time for you."

"Why are you here? Akala ko ba ay busy ka pa?" mahinahong tanong ko.

Umupo siya sa harap ko. May bitbit na paper bag. Kulay itim at kumikinang pa. Saan niya ba nabili 'yan? 'Tsaka anong laman?

"I missed you so bad," he bluntly answered. "And I'd be damned if I won't see you."

Hussein De Russo's ChattelsWhere stories live. Discover now