Chapter 36

5.9K 91 0
                                    

Tamad akong bumangon kahit matagal na akong gising o mas magandang sabihin hindi ako nakatulog kagabi kahit gusto ko ng matulog.

"Sino ba naman kasing nagsabing antayin kong tumawag si Sebastian?" bulaslas ko. Umasa lang ako sa wala hindi man lang siya tumawag sa akin. Parang sinasadya niya atang wag akong guluhin kaya bahala rin siya hindi ko din siya guguluhin.

"Pagod na agad. Gano'n lang?" tanong ko.

"Anak?" tawag sa akin ni papang dahil pumasok siya sa kwarto ko. Hndi ako sumagot dahil magtatampo pa ako sa kaniya. Sa kanila ni Sebastian dahil magkakampi silang lahat.

"May bisita ka," inporma niya kaya mabilis akong bumangon at ngumiti.

"Andiyan si Drew. Pinasok na kita rito sa kwarto mo dahil kanina pa siya andiyan sa labas," inporma niya kaya nawala ang magandang ngiti ko at na palitan ito ng busangot at na walan ako ng gana.

"Akala ko si Noah na?" seryosong tanong ko.

"Hindi naman bisita si Noah sa bahay, Anya. Papasok na papasok iyon dito sa kwarto mo kapag dumating siya, " sagot niya at kaya kumamot ako sa batok ko at sumimangot ako.

"Oo nga pala," bulaslas ko dahil sinabi pala sa akin ni Drew na pupuntahan niya ako dito sa bahay. Nahiya naman na din ako sa tatay ko kaya nag-ayos muna ako bago ako lumabas kahit nakapantulog pa ako.

Nakita ko siya naka upo sa may sofa namelin kaya umupo din ako sa harapan niya. Wala si mamang dahil siguradong nasa palengke siya. Si papang naman nagbabantay ng mini store namin dahil diyan lang kami kumukuha ng pan araw-araw namin  no'n pero ngayon provided lahat ni Noah.

Ayaw ko pang bumalik sa trabaho ko dahil natatakot pa ako baka may hindi ako maalala at baka magkamali ako sa profession ko at mahirap na rin dahil si Noah na din ang nag dicision na wag muna ako mag trabaho at magpagaling muna raw ako at magpahinga.

"Kanina ka pa?" tanong ko.

"Parang stress na stress ka?" ngiting sagot niya din  kaya umangat ang tingin ko para magtama ang mga mata namin.

"Okey lang ako," mahinang sagot ko din at tipid na ngumiti.

"Ano pa lang atin, Drew?" tanong ko.

"Bawal na bang dumalaw dito bilang isang kaibigan?" malungkot niyang tanong sa akin.

"Wala naman akong sinasabing bawal eh, " sagot ko din pero pinagbabawalan na rin ako.

"Baka gusto mong magrelax at maglakad-lakad malapit sa dagat?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot dahil nagdadalawang isip ako.

"Punta tayo ng Pagudpud para mawala ang stress mo. Game?" ngiting pag-aanyaya niya. Malapit lang naman dito sa amin ang Pagudpud kaya tumayo ako at nagpaalam muna sa kaniya para makapagbihis ako. Gusto ko rin naman ang peaceful life iyong walang nagdidikta, walang nagbabawal.

Lumabas kami ni Drew at tinungo ang Pagudpud Sea tama naman kasi siya kailangan kong marelax ang sarili ko dahil hindi lang ang pagpilit na maalala ang lahat ang trabaho ko dahil wala naman nangyayari mas lalo pang sumasakit ang ulo ko kapag pinilit ko.

Hindi muna ako bumaba sa sasakyan niya dahil nahagip ng paningin ko ang isang familiar na sasakyan sa unahan malayo sa amin. Nagtatakang tumingin sa akin si Drew at tumingin din kung saan ako nakatingin. Nakita kung lumabas si Noah sa sasakyan niya at umikot ito papuntang passenger seat bago binuksan ang pinto ng sasakyan at inalalayan niya ang isang babaeng para makababa.

May kirot sa akin dib-dib. Iyong parang hindi ako makahinga dahil sa pagsikip ng dib-dib ko. Kumurap ako at  napalunok ng tatlong beses. Kaya pala hindi siya tumawag sa akin dahil may kinakabisihan siya. Parehas lang naman pala kami, sabi ng isip ko. Tumingin ako dahil mahuhulog na ang luha ko.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon