Chapter 42

6.2K 91 0
                                    

Naalimpungatan ako mula sa mahimbing kong pagtulog dahil sa sinag ng araw na tumatama sa balat ko. Kinusot ko ang dalawang mata ko at nag inat dahil alam kong mataas na ang haring araw. Kinapa ko ang katabi ko kung may katabi pa ba ako kaya napabalikwas ako ng bangon dahil expected naman na wala na akong katabi kasi nga tanghali na.Ginulo ko ang buhok ko at tumayo sa higaan namin dahil maliwanag na at maaliwalas ang kwarto kasi bukas na lahat ng pasukan ng liwanag.

Tinungo ko ang bathroom upang maligo. Masiyado akong tinanghali na'ng gising dahil maganda ang tulog ko feeling ko sa nagdaan buwan ngayon lang ako nakatulog ng mabuti.Ngumiti ako at kinapa ang dib-dib ko dahil magaan ang pakiramdam ko. Alam kong hindi umalis ang asawa ko kaya kampante ang puso ko pero subukan niya lang rin talaga ang iwan ako dahil hindi  ako magpapakita sa kaniya iyon na lang ang tanging alas ko sa kaniya. Alam ko naman na ako pa rin ang tinitibok ng puso niya dahil ramdam ko siya kahit hindi niya ako maalala.

Pagkatapos kong maligo at tapos na rin akong magbihis kaya lumabas na ako sa kwarto at daretso sa hagdan pababa. Napangiti ako ng makita ko siyang paakyat na  pero huminto siya at pinamaywangan  ako.

"Goodmorning senyorito," bungad niya at yumuko pa talaga siya sa akin kaya umiling na lang ako dahil lumalabas ang pagka-childish niya.

"Good morning too, love, " sagot ko sa kaniya habang bumababa.Binigyan ko siya ng halik sa labi at niyakap at gumanti naman siya.

"Andito ka na nga lang sa bahay ang bango-bango mo pa," sita niya sa akin habang nakayakap  ng mahigpit. I dunno kong nakakaalala na siya pero sana nga maalala niya na ako para okey na ang lahat. Ay, mali dahil mas mahirap pala kapag naka-alala siya dahil masasaktan siya.

"Sorry, late akong gumising, " Hingi ko ng paumanhin sa kaniya dahil alam kong gigisingin niya na sana ako. Naaalala niya na rin siguro na sasakit ang ulo ko kapag nasubrahan ako ng tulog. My Bella knows that kaya posibleng may na aalala na siya sa akin.

"I prepare your coffee outside, daddy love. Sa garden banda," wika niya kaya kinuha ko ang kamay niya at hawak kamay kaming lumabas at tinungo ang garden area. Umupo ako sa pan isahin upuan at hinila ko siya para makaupo sa kandungan ko. Pinalibot ko ang dalawang kamay ko sa may baywang niya at niyakap siya ng mahigpit at pinatong ko baba ko sa may balikat niya at hinalikan pa ang leeg niya.

"Ang aga mo atang gumising?"tanong ko sa kaniya.

" Sadyang late kana pong gumising," sagot niya sa akin at kinurot ang ilong ko.

Gusto kong magtanong kung na aalala niya na ako pero may takot sa sistema ko baka kasi nagkukunwari lang siya na makakuha ng ebidensya para sa annulment na tinatawag niya kagabi pero bahala na si Batman basta enjoy ko na lang ang ganito kaysa mag isip ako ng kung ano-ano baka ikabaliw ko pa.

"Kumusta pala si Franko?" tanong ko nung maalala ko ang bata.

"Kumain na siya kanina at bumalik na siguro sa kwarto," sagot at umalis sa kandungan ko. Sinundan ko lang siya ng tingin tapos inabot niya ang mug na may kapeng tinimpla niya kaya kinuha ko ito at sinimsim. Tanghaling tapat na pero heto ako at nagkakape pa rin.

"Love?" tawag niya sa akin.

"Mmm?"malimbing na tugon ko.

"Can I ask something?" maalumanay niyang wika at umupo sa edge ng table garden na pabilog sa harapan ko.

"What is it?" tanong ko at binaba ang tasa sa harapan niya rin mismo.

"I want answer for everything," malungkot na sabi niya.

Napalunok ako dahil hindi ko alam kung anong everything ang gusto niyang sagot. Hindi ko rin alam kung saan magsisimula para hindi siya mahirap. Huminga ako ng malalim dahil gusto ko siyang pakinggan para ma balance ko ang dapat gawin lalo na sa situation niya. Ang ganda ng araw pero ganito ang ibubungad niya sa akin. Tumingin siya sa akin kaya nagtitigan kami pero mabilis rin siyang yumuko dahil hindi naman siya mananalo sa titigan because I'm the dominator.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon