Epilogue 2

10.7K 174 30
                                    

Noah Lev’s POV

Few years later. . .

Time flies so fast, but good memories always last forever. Wala kaming ibang ginawa kundi busugin ng pagmamahal ang binuo naming tahanan ni Belle. I am completely contented and happy with what I have. A beautiful home and family. Parang kailan lang noong ikasal kami. And now, we have three wonderful children.

Marcus Levi is an attorney now. Ylev Belle Marieh is an engineer, like her mother. While my youngest is still studying, taken up BS Chemistry. As per her dream, she wanted to create perfume that will lasts forever in human history.

Bawat isa sa kanila ay may kaniya-kaniyang buhay na nais tahakin. At hindi ko naman sila pinakikialaman sa bagay na iyon. Kahit sa kanilang buhay pag-ibig ay hinahayaan ko sila, basta hindi sila inaagrabyado.

They knew that I have only one role in our family. And that is, being their father.

Well, hindi naman ako mahigpit sa kanila. Kapareho lang naman iyon ng ginagawa ko sa mommy nila. Because I know most of the things. Ika nga, papunta pa lang sila, pabalik na ako. Ayoko rin naman sa bandang huli ay magsisisi sila. Higit sa lahat, ayoko silang makitang nasasaktan.

Kagaya na lang ni Bella Marieh. She came home crying one time. But even though she’s a grown up woman, she used to sit on my lap as what they always do.

“Daddy.” Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ko. “I am not a whore or cheap or freak, nor even a mistress,” humihikbing dagdag niya. 

“Then why are you always at the engineering firm?” mahinahong tanong ko sa kaniya. Gusto kong ipaintindi sa kaniya kung ano ang consequences ng ginagawa niya.

Huminga siya nang malalim. “I’m just in love, Dad,” deretsong sagot niya.

Of course, I know that. Walang nakalalagpas sa radar ko. She’s in love with Engr. Alvarez.

Masuyo kong hinaplos ang buhok niya. “You’re still young, Bella. Are you sure you can handle heartaches?” Ang natitipuhan kasi niya ay may ibang kasintahan. At si Bella ang nagpapapansin sa lalaki. Kaya nga gusto kong kausapin ang Alvarez na iyon, pinipigilan lang ako ng aking asawa.

“I know myself, Dad. Kaya kong i-handle ang sarili ko.”

“Can you just focus on your study first?” masuyo pa ring tanong ko

Hinawakan niya ang mukha ko saka ngumiti na. She really looks like her mother. Para silang magkambal.

“I am doing that already. I promise, hindi ko kayo ipahihiya.” Halatang maayos na ang pakiramdam niya.

“Like Ate Belle? Like Kuya Levi?” I asked.

“Like you all,” masiglang sagot niya saka ko niyakap.

“Alright. But don’t hurt yourself too much.”

Hindi na siya nakasagot dahil pumasok doon sina Marcus, Ylev Belle at ang aking asawa. Naabutan nila kami sa ganoong anyo. “Bunso, nagpapa-baby ka naman kay Daddy,” ani Marcus.

“Akala ko pagagalitan niyo siya, Daddy,” ani Ylev Belle.

“No. You all know that I won’t do that. Kinausap ko siya nang maayos. And she already promised me that she will finish her studies and pursue her dreams,” wika ko sabay ngiti.

“One year and half na lang Dad, and Bella will leave us to make her name,” ani Marcus.

Tumayo si Bella, samantalang naupo sa tabi ko si Belle. I gave her sweet kiss na ikinakilig naman ng tatlo.

“Nakikita ko talaga si Mr. Alvarez kay Daddy,” kilig na kilig na wika ni Bella. Napalingon kaming lahat sa kaniya. Nagniningning na ang mga mata niya.

“I like John Nigel to be part of the family,” sabi ko. Ang tinutukoy ko ay si Alvarez. Iyon ang pangalan nito.

Tumingin sa akin ang aking asawa at ngumiti. “Me too,” sang-ayon niya.

“Count me in. Mabait siya at masipag. Saka, kita mo ang determinasyon sa kaniya,” ani Belle.

Si Marcus lang ang hindi nagsalita, kaya nilingon ito ni Bella. “Ikaw, Kuya?” kabadong tanong niya sa kapatid.

He smirked to Bella kaya mabilis itong nag-iwas ng tingin.

“You don’t like Alvarez?” kunot-noong tanong ko kay Marcus. Pihikan kasi ito.

“If she loves Bella, walang problema sa akin, Daddy,” ani Marcus pagkaraan ng ilang saglit.

Napangiti ako. We like Alvarez, and we support Bella.

“Thank you all. Masaya akong suportado ninyo ako. Basta magtatapos muna ako,” masayang wika ni Bella.

Tumatango-tango ang aking asawa. “Do what you love, anak. Lagi lang kaming naririto para sa ’yo.”

“Thanks, Mommy. I love you,” sagot naman niya sabay halik sa pisngi ng ina.

Ito ang isa pang itinanim ko sa kanila. That we are part of one team. We always talked as one. Kapag may alitan, pinag-uusapan naming lahat iyon. And we listened to each others opinions. We settled arguments. And I always told them to love each other. That’s all that matter.

“Alright! Group hug na,” ani Ylev Belle na naupo sa kandungan ko at siya naman ang humalik sa aking pisngi.

Pero hindi nakaligtas sa pandama ko ang nais niya. “Nagmamadali ka yata,” puna ko sa kaniya.

Napakamot siya sa ulo. “May pupuntahan kasi kami ngayon ni Franko, Daddy,” aniya.

Napailing na lang ako at inihatid siya sa pinto ng bahay. “Okay, honey, take care,” bilin ko sa kaniya. Hinalikan ko siya sa noo.

Tumango ito. “Thanks, Dad. Bye, everyone!” Nagmamadali siyang tumalikod kaya napangiti na lang ako.

Walang problema sa akin kung sino man ang mamahalin ng mga anak ko. Ylev Belle is happy right now with Franko. Ang lalaki ko naman aloof sa babae. While Bella, well, kakausapin ko na lang si Nigel. Sisiguraduhin kong malinaw ang lahat sa pagitan naming dalawa.

Bumalik akong muli sa loob. Nilapitan ko si Belle at niyakap nang mahigpit.

“I love you,” madamdaming bulong ko.

Matamis siyang ngumiti at hinarap ako. “I love you too.”  She looked at my eyes intently. Naniningning ang mga mata niya sa kasiyahan. Then, she claimed my lips

Belle and I, this is our journey to forever.

---WAKAS---

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon