Epilogue 1

9K 106 0
                                    

Anya Belle’s POV

In God’s perfect time, He never delayed. My husband is always right; don’t rush things. Dahil kapag para sa iyo, para sa iyo talaga.

Nang iminulat ko ang aking mga mata, puting kisame ang bumungad sa akin. This isn’t our room, I know.

“How are you?” may pag-aalalang tanong sa akin ni Levi. Nasa ospital ako, dahil sa nakita kong dextrose na nakakabit sa kaliwa kong kamay.

Naguluhan ako. Ano ba’ng nangyari? Ang huling naaalala ko, nawalan ako ng malay.

“Thank you, love. Thanks for everything,” masayang wika pa ni Levi sa akin.

“Ano’ng ibig mong sabihin?” Salubong na ang mga kilay ko.

“We will be having another baby, love. We did it! You’re four-weeks pregnant,” mangiyak-ngiyak na sagot niya.

Napatulala ako sa narinig. Ni wala akong maapuhap na sabihin.

“Are you alright? Hindi ka ba masaya sa balitang iyon?” may kalungkutang tanong niya.

Umiling ako. “Of course not! I am very much happy right now.” Mahigpit ko siyang niyakap.

“Thank you, love. Promise I will always be here with you all the time. Aalagaan ko kayo nang husto ng magiging anak natin.” Tumango naman ako.

Pagkalabas namin ng ospital, tinupad nga ni Levi ang sinabi niya. Hindi muna siya nagtrabaho. He prioritized us more than anything.

Isang umaga, nalabasan ko siyang nakabihis ng casual attire. Alam kong hindi siya pupunta ng law firm sa suot niyang iyon kaya tinaasan ko siya ng kilay. “May lakad ka?”

Tumango siya. “I’ll come with you.” Kinuha niya ang isang malinis na tuwalya at siyang ipinantuyo sa buhok ko.

Nailing na lang ako. “Ano namang gagawin mo roon?” Nakikini-kinita ko na kasi na para akong may alagang nakabuntot sa akin sa opisina.

“I’ll take care of you and the baby.” Hinaplos pa niya ang tiyan ko.

“Huwag na. Ayos naman kaming pareho ni baby.”

Pero mariin siyang umiling, kaya wala akong nagawa pa. Kasama ko siyang pumasok sa opisina.

Abala ako sa planong ipinapagawa sa akin ni Engr. Adam, dahil kailangan daw niya iyon mamaya. Subalit, dahil nasa tabi ko si Levi, na mas magaling pa sa akin, ramdam kong hindi ko matatapos ang ginagawa ko.

“Love. . .” sita ko sa kaniya sabay kamot sa ulo. Tiningnan ko siya nang masama. Hindi kasi ito magkandatuto sa pagpupunas sa likod ko na wala namang pawis.

“What?” patay-malisyang tanong niya. Naupo siya sa lamesa ko at ang noo ko naman ang pinunasan.

“Hindi matatapos ang trabaho ko kapag ganiyan ka,” reklamo ko na ipinagkibit niya lang ng mga balikat. Tumayo siya sa may likod ko, kaya itinuloy ko na ang aking ginagawa.

“Bukas papalagyan ko ng isang aircon ang office mo. Mahirap na, baka mainitan kayong pareho ni baby,” anito.

“Tigilan mo nga ako, Levi. Gagastos ko lang,” sagot ko.

Hindi ito umimik, kaya ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Pero sa gulat ko, kinuha niya ang lapis sa kamay ko.

“Noah Lev!” inis na sita ko sa kaniya. “Akala ko ba nag-usap na tayo?” Kapag ganito ito nang ganito, wala talaga akong matatapos. Nakakahiya naman sa kapatid niya.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon