Zhea's pov
Naalimpungatan ako ng gumalaw ang kamay nya at pag tingin ko ay dahan-dahan naman syang dumilat
Mabilis akong tumawag ng doctor kaya mabilis rin namin syang pinuntahan. Pero pag bukas ng pinto ganon nalang ang gulat ko ng makita si Rose Marie na yakap si Samuel habang umiiyak at sinasambit ang 'daddy' na matagal nya nang banggitin sa kanyang ama
"Hmm Excuse me ma'am pwedeng paki kuha muna ang bata sa tabi ng pasente?" pakiusap ng doctor
"Nahh it's ok kahit di na doc" biglang sabat ni Samuel habang ang anak nya ay nasa may leeg nya pa rin ito
"Ok sir, Hmm btw how's your feel?" tanong ni doc sa kanya
"Medyo masakit lang katawan ko at medyo kumikirot ang sugat ko pero ok lang naman na ako ngayon" sagot nya sa personal doctor nya
"Ganon ba, ms. Zhea bibigyan nalang namin sya ng mga gamot at gamot sa sugat nya. Ang mga kakainit nya na muna ay ang mga masusustansyang pag kain" bilin ng doctor sa akin, tumango naman ako bago sya nag paalam na aalis na dahil may pasente pa daw sya
"Guys sabihan lang namin sila Kurt na gising na ang kuya nya, iwan muna namin kayo" tumango nalang kami kila Jerico bago sila tuluyan umalis
Namayani ang silid ni Samuel ng katahimikan ng mag salita muli si Rose Marie
"Daddy" narinig ko pa ang munting hikbi ng anak ko, napaluha nalang ako ng mas humigpit ang kapit nya sa leeg ni Samuel
"Shhh stop cry my princess, daddy's here now" malambing na pag papatahan ni Samuel sa kanya habang hinihimas ang ulo nito
Napatakip nalang ako ng bibig para pigilan ang mga hikbing gustong kumawala sa bibig ko, napatingin sya sa gawi ko pero napayuko rin ng mag tama ang mga mata namin
"Rose punta ka muna kila tito Kurt mo, mag uusap lang kami ng mommy mo" tumango si Rose sa kanya at hinalikan ang ama sa pisngi ganon din si Samuel sa noo naman ng anak nya
Ng lumabas na si Rose Marie ay tumingin naman sya sa gawi ko at sinenyasan na lumapit sa kanya, kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya hanggang sa tuluyan na akong nakalapit sa kanya
Nagulanta nalang ako ng biglang hapitin nya ang bewang ko kaya napahawak na ako sa balikat nya
"Thank you" umawang ang labi ko sa sinabi nya sa akin
"Thank you? Salamat talaga? Samuel inilayo ko sayo ang anak mo ng walong taon pero salamat lang ang isasagot mo?" tanong ko sa kanya ng di makapaniwala sa sinabi nya
"Galit ako, oo dahil sa pag layo mo sa kanya ng walong taon. Di mo sinabi sa akin na may anak na tayo kung noon pa sana na sinabi mo edi sana inayos pa natin ang problema noon" sagot nya sa akin at tumingin sa mga mata ko
"Sorry natakot lang ako na kapag nalaman mo ilalayo mo sya sa akin pasensya na naging selfish ako sayo. Pinag kaitan ko kayo ng anak mo na mag kita" pag hihingi ko ng sorry sa kanya at muling nag landas ang mga luha sa mga mata ko
"Yon lang ba? Yon ang naging dahilan mo sa akin para lang ilayo sa akin si Rose Marie ng walong taon? Noon simula nong may nangyari sa atin sa condo mo noon, umalis ka nalang ng walang paalam sa akin miski pag papaliwanag man lang kung bat ka nakipag hiwalay di ka nag paliwanag" mahabang saad nya sa akin
"Ngayon sabihin mo, anong dahilan mo bat ka nakipag hiwalay sa akin?" tanong nya sa seryosong tono ng boses
"Ng mga panahon na yon, sa akin na ipapasa ni lolo ang posisyon nya bilang mafia. Noon din balak akong ipakasal sa iba kaso nabuntis ako at yon ay si Rose Marie" sagot ko sa kanya napakunot naman ang noo nya na akala mo parang di nagustuhan ang sinagot ko sa kanya
"Ipapakasal ka? Kanino?" tanong nya
"Kay Jason noong panahon na yon, pero nong nabuntis ako nagalit naman sa akin si lolo dahil sa may nangyari sa atin non. Salamat kay lola dahil kahit papano natanggap rin ni lolo ang anak mo, natin" sagot ko sa kanya
"Ano ngang dahilan bakit ka nakipag hiwalay sa akin?" tanong nya muli sa akin
"Kapag di kita hiniwalayan tatangkain kang patayin ni lolo non" napayuko nalang ako sa sinagot nya, narinig ko ang tawa nya kaya napa angat ako ng tingin
"Ng dahil don, kaya mas pinili mong lumayo habang dala ang anak natin. Zhea galit ako ng sa mismong bibig mo pa galing iyon nong umuwi ako ng mansion nila Tristan. Bakit? Bakit mo inilihim sa akin? For almost f*cking 4 years na mag kasama tayo sa iisang bubong noon sa America di mo agad sinabi sa akin? BAKIT!!!" napapikit nalang ako dahil sa sigaw nya sa akin habang tinatanong nya yon sa akin
"Sorry, s-sorry Samuel. I'm really sorry" paulit-ulit na pang hihingi ko ng tawad sa kanya
"Zhea mas pinilit kong hwag magalit sayo kahit sobrang sakit ng ginawa mo sa akin, malaking sugat ang iniwan mo sa akin noon pero mas malaking sugat sa puso ko ng inilihim mo ang pag bubuntis mo" nakita ko nang nag sisimulang mag landas ang mga luha nya sa kanyang mata
"Gusto ko man sabihin sayo pero nangunahan ako ng takot nong naisip o naalala ko ang pag babanta ni lolo sa akin" sagot ko sa kanya
Pagak na natawa sya at napakuyom ang kamay nya dahil sa mga sagot ko sa kanya
"Gusto kong makausap ang lolo mo, gusto kong malaman ang totoo galing sa kanya" seryosong banggit nya
"Nasa coma pa rin si lolo hanggang ngayon dahil sa nangyaring drahedyang naganap 6 years ago" napakunot ang noo nya ng yon ang sinagot ko sa kanya
"Bakit? Anong nangyari noon?" tanong nya sa akin
"Si Jason yong taong ipapakasal sa akin, tinangka nyang patayin ako non lalo na ang dinadala kong bata. Buti kamo di natuloy ang kasal namin noon dahil habol nya lang naman sa amin ay pera at ari-arian" mapakuyom ako ng kamay dahil naalala ko na naman ang nangyaring pag baril nya kay lolo
"That f*cking b*astard!!!" galaiting sigaw nya
"Sorry ulit Samuel, kung tinago ko sayo si Rose Marie ayos lang na ikamuhi mo ako dahil sa mga kasalanan ko sayo noon" pahinang sambit ko sa kanya
"Galit man ako sayo pero hindi pa rin makakatumbas ang pag mamahal ko sayo, mahal pa rin kita Zhea hanggang ngayon. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng buong-buo kahit na malaking sakit ang iniwan mo sa akin" naiyak ako ng sabihin nya iyon sa akin habang hawak ang mga kamay ko
"Kahit naman ako, mahal pa rin kita Samuel hindi iyon mag babago kahit na nag kalayo tayo noon" nakita ko ang gulat sa mga mata nya pero kalaunan at ngumiti sya sa akin at inabot ang noo ko para halikan
"Ang daya sila mommy oh, TITO KURT ANG DAYA NILA MOMMY HUHUHU WAHHH!!!" nagulat kami at napatingin sa anak ko na umiiyak habang hawak ni Kurt ang kamay nya
"Halika nga na dito hwag na mag tampo ang prinsesa namin" dali-dali namang pumunta sa gawi namin si Rose Marie kaya binuhat ng ama nya ito at pinaupo sa may kandungan nya
"Hayy salamat naman at ok na kayo" bungad ni Kurt sa amin
"Anyari don sa isa?" turo ko kay Tristan na nakasimangot
"Ayon mutik na makagawa ng kung ano sa room nya HAHAHAHA nabitin ang mokong" nag tawanan kami sa sinagot ni Jerome at nakita naming namula ang muhka ni Kurt dahil siguro sa hiya
Sana nga ayos na ang buhay namin para naman maging masaya na kaming lahat
Continue
BINABASA MO ANG
Pregnant by my Possessive Crush(Season 2)-Series 1- *Complete*
FanficD I S C L A I M E R ⚠️ : THIS IS WORK OF FICTION. Names, characters, places, business, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manners. Any resemblance to actual person, living or dead, or actua...