Samuel's pov
Gusto kong tawanan si Tristan dahil sa itsura nya na yon, muhkang ito ang naging parusa nya sa kapatid ko
"Uwu wawa naman si Tristan muhkang papahirapan sya ni Kurt ah" bulong ni Jade
"Hayaan mo na muhka namang kakayanin nya eh" sagot ko dito
"Wee kakayanin ba yong namumula na yong pisngi dahil sa sili" natatawang ani nya, natawa na rin ako
"Yan ubos mo na, oh ito" binigay ni Kurt ang malamig na tubig kay Tristan, mabilis naman itong ininom ng isa
"Ahh" natawa naman kami sa reaction nya
"Kuya kain na tayo" aya nya sa akin
"Mag luluto lang ako saglit" tumango naman sya sabay upo sa may sofa
"Sh*t sakit ng muhka ko dahil sa sandok na yon" inis na bulong ni Tristan pero tinawanan lang namin sya
"Nehhh Luhan pakisuyo naman oh" napatingin kami kay Kurt
"Hmm ano naman yong ipapakisuyo mo?" tanong ni Luhan
"Kunin mo yong apple" utos nya rito, tumango si Luhan at pumunta sa kusina
Pag balik ay binigay nya na ito kay Kurt, Hiniwa muna ito ni Kurt bago ito..... Eh? Bat sinawsaw nya na naman sa alamang?
"Bro alam mo di ko alam kung bat ginaganyan nya yong pag kain nya" bulong ni Jade
"May magagawa ba tayo eh sa buntis yan" sagot ko sa kanya
"Sabagay buntis nga pala sya" sang ayon nya
"Mag luluto lang ako" tumango nalang si Jade bago pumunta ako sa kusina
Nag luto ako ng eggball, niluto ko na rin pati ang kikyam na gusto nya. Nag minudo, adobo, at sinigang na rin ako. Niluto ko ang isda o prinito lang ito at pag katapos ay hinain na namin ni Jerome ang mga pag kain
Pumunta na ako sa may sala para tawagin sila para kumain pero napanganga ako sa nakita ko.
'Promise parang mamatay na mga kaibigan ko. Gawin ba namang punching bag ni Kurt'
"GUYS KAKAIN NA" agaw pansin ko sa kanila kaya napatingin naman sila sa akin
Gusto kong matawa dahil sa laki ng black eye nila pero yong kay Jade ang mas nalala para na syang Panda dahil sa dalawang black eye nya
"WAHHH SAMUEL AYAW KO NA BAKA MAPATAY NA AKO NI KURT" sigaw nya
"A-ayaw mo na sa akin?*Sob*" nataranta ang mga lalaki dahil sa narinig nila
"G*GO KA JADE DI KO NA NGA PINAIYAK PAPAIYAKIN MO PA" sigaw ni Tristan sabay batok dito
"Hmm punta nalang ako sa kwarto ko kuya, busog pa pala ako hehe" pilit ngiting sambit nya sabay akyat nya sa taas
"F*ck" mura ni Tristan, sabay tingin ng masama kay Jade
"Kanina ka pa Jade ah" malamig na ani nya
"S-sorry di ko naman aakalain ganon nalang magiging asta nya eh" pag hihingi nya ng sorry
"Ako nalang ang aakyat sa taas, mag hintay nalang kayo sa dinning room" tumango naman silang lahat
Ako naman ay umakyat na sa taas para puntahan ang kapatid kong iyakin at antukin hayst
Pag bukas ko ay naka subsob sya sa may unan habang umiiyak at himihikbi kaya nilapitan ko na sya
"Bunso" tawag ko sa kanya
"Psst mahal kong bunso" tawag ko ulit sa kanya, lumingon naman sya sa akin habang pinupunasan ang luha nya
"Kuya masama na ba ako sa mga kaibigan mo?" tanong nya sa akin
"Bakit mo naman nasabi?" tanong ko sa kanya habang hinahaplos ang buhok nya
"Palagi ko nalang sila pinapahirapan, palagi ko na rin silang tinatakot" sagot nya sa akin
"Alam naman namin na sensitive ang pag bubuntis mo, moodly mo rin at isa pa di lang naman sila ang nag hihirap pati ako. Kaya kakayanin ko pa yan kung ano ang mas mahirap na gagawin o ipapagawa mo" paliwanag ko sa kanya
"Halika na hwag ka nang umiyak dyan" dagdag ko pa bago punasan ang luha nya
"Bat ba kasi ang sensitive ng mga buntis" inis na asik nya kaya natawa ako
"Halika na bunso kakain na tayo, bawal kang malipasan baka pati si baby malipasan rin ng gutom" saad ko sa kanya
Sabay na kaming lumabas at bumaba ng kwarto papuntang dinning room
"Sorry Kurt" yan ang bungad sa aming dalawa
"Hmm sorry rin Jade" balik na pang hihingi ng sorry ni Kurt sa kanya
"Nehh halika na preggy kain na tayo" inalalayan namin si Kurt na umupo
"Ok ka lang?" tanong ni Tristan sa kanya, tumango naman sya
Kumain kaming lahat na salo-salo, tawanan, asaran, kwentuhan ang namayani sa dinning room
Continue
BINABASA MO ANG
Pregnant by my Possessive Crush(Season 2)-Series 1- *Complete*
FanfictionD I S C L A I M E R ⚠️ : THIS IS WORK OF FICTION. Names, characters, places, business, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manners. Any resemblance to actual person, living or dead, or actua...