Third person's pov
Sige sa pakikipag laban sila Zhea sa nga tauhan nila Clarisa habang sila Luhan ay hinahanap pa rin kung nasaan si Kristine
"Kanina pa tayo paikot-ikot pero di pa rin natin sila mahanap" nag aalalang sambit ni Riah
"Tito dala mo ba laptop mo?" tanong ni Kristan
"Oo, bakit?" balik tanong ni Jerome sa kanya
"Baka suot ni Kristine yong kwintas na niregalo ni daddy kanina sa kanya, baka may nilagay sya na device sa kwintas ni Kristine" sagot ni Kristine
"Bakit di natin naisip ito?" patanong na ani ni Lucas kaya binatukan sya ng kapatid nyang si Kylie
"Nag tanong ka ba? Diba hindi" singhal ni Kylie sa kanya na syang ikinatawa naman nila
"Luhan ikaw na mag detect ng location ni Kristine" ibinigay ni Jerome ang hawak nyang laptop
Mabilis naman ang pag tatype ni Luhan sa laptop hanggang sa makita nya ang location ni Kristine
"Malapit lang sya dito" agad na sagot ni Luhan
"Hali na kayo para mapuntahan na natin sila Kurt" tumakbo na sila para mabilisan ang pag punta nila pero habang papalapit ay di nila inaasahan na may bantay pala ito
"Mag tago kayo para di mahuli" mahinang senyas ni Danica na syang ikinatango naman nila, habang sila Kristan ay buhat ni Daniela at Kylie
"Kalagan sya!! Utos ni ma'am Lorien na dalhin ang bata don" narinig nila na sabi ng isang tauhan
"Kami ang papasok ni Jerome sa loob habang kayo dito lang, kapag may bantay alam nyo na ang gagawin" tumango muli sila sa sinabi ni Luhan bago sila pumasok ni Jerome
Narinig pa nila ang putukan sa loob kaya kinabahan sila na baka madamay si Kristine sa loob
Habang sila Lucas at Riah ay nag mamasid sa mag kabilaang daan. Pag labas ay buhat na ni Jerome si Kristine
"Kuya's" bungad agad ni Kristine habang walang humpay na umiiyak
"Shhh tahan na, hali na po kayo puntahan na natin si dada" baling ni Cristian
Mabilis lang din ang lakad nila na may masamang takbo pero nag iingat pa rin sila sa bawat galaw nila
"Teka diba sinabi ni Tristan na hahanapin nya si Samuel?" tanong ni Danica
"Oo nga" sagot ni Daniela
"Sana lang walang mangyari sa dalawa" sumang-ayon nalang sila at pinag dasal na ok lang sana sila Tristan
Habang si Tristan ay hinahanap pa rin nya si Samuel ng marinig nya ang sigaw sa di kalayuan kaya dali-dali nya itong pinuntahan at nakita si Samuel na nakikipag laban sa mga kalaban nila
May isang tao na tinutukan sa di kalayuan si Samuel ng akmang ipuputok ang baril ng mabilis nya itong binato ng isang weapon na syang ikinadaig ng kalaban nya at mabilis na pinutukan na sapol sa ulo nito
Lumingon si Samuel sa kanya at bumalik din sa harapan nya
"Bakit ka nandito? Akala ko ba ililigtas mo ang kapatid ko?" tanong ni Samuel sa kanya
"Sira ka ba? Mag isa ka nalang na nakikipag laban habang ang mga kasama natin nakahandusay na" tinignan nya ang mga tauhan nila
"Nahanap na namin si Marie kaso hawak ni Clarisa habang si Kristine hinahanap nila Luhan" dagdag nya pa
Sa di nila inaasahan ay biglang lumitaw si Alvin na may ngisi sa labi na syang ikinatiklop ng kamay ni Tristan
"Matalino ka talaga Tristan kaya ikaw ang tinaguriang Gangster King eh, dahil sa husay mo. Pero dalawa nalang kayo habang kami marami pa" nakangising saad ni Alvin sa kanya
"Talaga lang ah" sakristong sagot nya kay Alvin
"Paano kaya kung paulanan ka namin ng bala? O kayong dalawa para masaya?" sakrastimo ring tanong ni Alvin
"Baka dahil sa sinabi mo ikaw pa ang mauna sa hukay" walang kabuhay-buhay na sagot ni Tristan sa kanya
"Tignan natin" sinenyasan nya ang mga tauhan na sugurin sila Tristan na syang ikina alerto naman nila ito
May mga sandata ito habang sila naman ay patalim lang ang gamit. Sa leeg, puso, noo ni Tristan pinapatama ang kotsilyo nya sa mga taong sumusugod sa kanya
"Napaka brutal mo talagang pumatay eh noh" natatawang saad ni Alvin sa kanya
"Mas brutal kung ulo mo na ang puputulin ko" sakristong ani ni Tristan at muling sinugod ang mga kalaban nila sa kanila
Habang sila Kurt naman ay walang humpay na nakikipag laban parin
"Paano ba yan Kurt, kawawa mga kasama mo oh. Anim sila habang kami marami" nakangising ani ni Lorien sa kanya pero pinukulan nya lang ito ng masamang tingin
"Talaga ba?" malamig na sagot ni Kurt sa kanya
"Hwag na hwag mo akong titignan ng masama!!" sinampal ni Lorien si Kurt na sya naman ikinatumba ni Kurt pero isang tawa lang ang sagot nito sa kanya
"Mag pakasaya ka lang Lorien, PAG AKO NAKAWALA DITO ULO MO AGAD ANG TATAGALIN KO!!!" sigaw ni Kurt sa kanya, tumawa lang sila ni Clarisa sa sinabi nito
"Ikaw? Makakawala? Asa ka b*tch at kung ulo ko ang tatanggalin mo baka ikaw ang unahin ko" nakangiting saad ni Lorien sa kanya pero wala pa rin syang pinakita na kahit anong emosyon dito
"MA'AM LORIEN SI KRISTINE NAKUHA NG MGA KALABAN!!!" biglang sulpot ng tauhan nila
"ANO!!! MGA G*GO!!!" nanggagalaiting sigaw ni Lorien at nag lakad ito papaalis para tignan sa kabaling kwarto kung wala na nga si Kristine
Continue
☆☆☆☆☆☆☆☆
Lalagyan ko ng Part para di sayang ang ibang chapter bali huling chapter na siguro na may part ang chapter 90
BINABASA MO ANG
Pregnant by my Possessive Crush(Season 2)-Series 1- *Complete*
FanfictionD I S C L A I M E R ⚠️ : THIS IS WORK OF FICTION. Names, characters, places, business, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manners. Any resemblance to actual person, living or dead, or actua...