Chapter 58

258 12 0
                                    

Tristan's pov

Sa dalawang linggo ko dito sa may Quizon City ay puro pag hihirap ang nadanas ko kay Kurt

Maayadong makulit, minsan masungit at minsan naman galit kaya nga hinahabaan ko nalang ang pasensya ko kahit na naiirita na rin ako minsan

Sabagay buntis nga pala sya kaya ganon nalang ang nagiging mood nya

Katulad ngayon nanggigising ng tulog

"Uyy Tristan" alog nya sa akin

"Hmm" tanging sagot ko

"Bilhan mo naman ako oh" alog nya muli sa akin

"Hmm ng ano naman yon?" antok na tanong ko sa kanya

"Rambutan pati na rin ubas" sagot nya sa akin

Napabalikwas naman ako ng bangon at napatingin sa orasan na ganon nalang ang pag laglag ng panga ko ng makita ang oras

'Seryoso? 3am palang ng padaling araw?'

"Mamaya na muna Kurt tignan mo yong oras oh, 3 am palang ng madaling araw wala pang bukas na tindahan ngayon" sabi ko sa kanya at muling nahiga sa higaan

Pero sa kasamaang palad hinulog nya ako sa kama kaya biglang nanakit ang balakang ko at pw*tan ko rin

"DOON KA SA SALA MATULOG DI DITO!!!" sigaw nya sa akin

"Aray ko naman, ang sakit non ah" angal ko

"Hmmp" sagot nya hayy

"Baby sorry na" malambing na pag sosorry ko sa kanya

"Bahala ka sa buhay mo" galit na sagot nya sa akin

"Baby sorry na nga po eh, at isa pa wala pang bukas na tindaan. Nalamig pa sa labas" paliwanag ko sa kanya

"May paraan Tristan kung gugustuhin mo hmmp" usal nya

"Hayy fine bibili ako basta hwag ka nang mag tampo huh" sukong sabi ko

"Kapag di mo binili sa sala ka talaga matutulog" pananakot nya sa akin

"Opo bibili na nga po ako" malambing na sagot ko sa kanya, ngumiti naman sya sa akin kaya hinalikan ko nalang ang noo nya bago tumayo

Naka boxer lang ako na natutulog ngayon at sa kwarto na rin ako ni Kurt natutulog ngayon para kahit papano naalagaan ko rin sya

Nag suot na ako ng pantalon, t-shirt at jacket bago bumaba. Iniwan ko naman syang nakapikit don sa kwarto

Pag baba ko ay naabutan ko si Jerome na nasa sala

"Oh bat gising ka pa?" tanong ko sa kanya

"Di ako makatulog eh" sagot nya sa akin

"Bakit ikaw?" balik na tanong nya

"May pinapabili si Kurt sa akin eh" sagot ko sa kanya, kumuha ako ng tubig sa ref kasi nauuhaw na ako

"Ibang klase rin yang si Kurt hirap siguro sa mga buntis ang sesensitive kasi nila" natatawang sambit nya

"Samahan mo ako para may silbi ka" angil ko, tumawa lang mokong bago umakyat sa taas kasi kukuha raw ng jacket

Ng lumabas kami ay sumakay agad kami sa kotse

"Nga pala kamuzta naman company mo bro? Di mo na naasikaso" tanong nya

"Nakikisuyo nalang ako kay dad, minsan naman si Luhan ang nag papatakbo sa company" sagot ko sa kanya

"Pag katapos bang manganak ni Kurt anong balak mo?" tanong nya muli

"Hmm pakasalanan sya" deretsong sagot ko sa kanya

"Pero alam mong delekado pa ngayon diba?" nag aalalang sabi nya

"Habang di ko pa aayos ang gulo hanggang sa papel muna kami. Mag paayos ka nalang kay Attorny ng marriage contrac" sagot ko sa kanya

"Sige bro ako nalang mag aasikaso non" tumango nalang ako sa kanya

Binili na namin ang kaylangan ni Kurt buti may bukas pang nag titinda ng prutas kaya di rin kami nahirapang bumili ng rambutan at ubas

"Punta naman tayo sa 7/11 may bibilhin ako don eh" aya ni Jerome tumango nalang ako at pinuntahan na namin ang 7/11

Pag kauwi namin ay mabilis ko ring inayos ang pag kain ni Kurt

Nag timpla na rin ako ng gatas nya at nag luto ng pag kain nya gutumin pa naman yon

Kumuha ako ng apat na rambutan at ubas bago dinala sa taas

Pag bukas ko ng pinto nakita ko syang nilalaro ang cellphone ko ganyan yan kapag bored

"Bakit ngayon ka lang?" tanong nya sa akin habang di niaalis ang mata sa cellphone ko

"Sorry may dinaanan pa kasi kami ni Jerome, btw kumain ka na para makatulog ka rin ulit" nilagay ko muna sa lamesa dito sa kwarto bago ko kunin ang mini table at nilagay sa may harap ni Kurt. Pag katapos ay binigay ko na rin ang pag kain nya

"Bukas may check up ka diba?" tanong ko sa kanya

"Oo mga 9:00 am pa naman iyon" sagot nya

"Samahan na kita bukas" presenta ako, tumango nalang sya at kumain

Pag katapos nyang kumain ay pinasandal ko muna sya sa head bourd para bumaba rin ang kinain nya. Nilabas ko na ang pinag kainan nya at hinugasan na rin bago umakyat sa taas inantok na rin kasi ako

Pag bukas ko ng pinto nakita ko na syang tulog kaya lumapit na rin ako sa higaan di ko na inabalang tanggalin ang pantalon at t-shirt ko nakakatamad na eh

Nahiga na ako sa tabi nya at niyakap sya ng patalikod inayos ko muna ang kumot bago pumikit hanggang sa lamunin na ako ng antok

Continue

Pregnant by my Possessive Crush(Season 2)-Series 1- *Complete*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon