H1

10 1 0
                                    

*****

                           *JIKO POV*

    Nagising ako ng humahangos dahil sa aking napanaginipan pawis na pawis ako at nanginginig sa hindi malamang dahilan.

"Napanaginipan ko nanamn" bulong ko sa aking sarili, ngunit hindi ko nalang ito pinansin sa halip ay bumangon na lamang ako at dumiretso sa banyo at nag hilamos ng muka.

Gusto ko nalang kalimutan ang nakaraan.

Bumalik ako sa aking maliit na kama at tinupi ang kumot at inayos ang kobre nito lumabas ako ng kwarto at nag tungo sa maliit kong kusina.kung tatangungin nyo bakit maliit ay dahil naka tira ako sa isang maliit na apartment sakto para sa isang tao lang,tinungo ko ang cabinet kung saan naka kabit ang mga iniistock kong pagkain na ang laman ay puro delata at mga cup noodles. Kumuha ako ng isang cup noodles at binuksan ito kinuha ko ang termus na may laman na mainit na tubig saka linagay sa cup noodles tinkpan ko ito saglit at pag katapos ay kinain kona rin iyan ang almusal ko ngayong umaga,pag ka tapos kumain ay bumalik ako sa kwarto at pumasok sa banyo para maligo.

Lumipas ang ilang minuto ay natapos akong maligo nag tapis ako ng twalya at lumabas ng banyo dumiretso ako sa durabox kung saan naka kabit ang mga damit ko kumuha ko ng isang itim na t-shirt at maong na pantalon.

Sinuot ko ang pantalon pag katapos ay napa titig ako sa tattoo ko sa tiyan sa may bandang tagiliran. Napa buntong hininga nalamang ako at sinuot ang pang itaas ko.

Kinuha ko ang sapatos ko na may katagalan narin ngunit wala akong paki alam hanggat may silbi pa ito mananatili ito saakin.

Napatigil ako"silbi" ako? ano nga bang silbi ko sa mundong ito tumingin ako sa maliit na salamin na nakasabit sa may pader pinag masdan ko ang aking muka. Napititig ako sa mga sarili kong mata, walang emosyon, malamig ang matang ito na tila ba wala nang Buhay. Ang mga matang ito. Ito ang...nakasaksi...sa..lahat

Flashback.....
 
   "Wag!!!itigil nyo yan!!!huwag!!maawa kayo....maawa kayo..wag sya.."sigaw ko.

   "ALYPOS!tulungan moko! Huhuhu tama na ta..ma..na..Parang..awa..nyo na."sigaw ng taong unang unang tumanggap saakin at tinuring akong isang pamilya na tinuring akong isang tao at Hindi hayop o robot na kinokontrol at pinahihirapan.
 
   "WALANG KWENTA"sigaw ng isang lalaki at saka linabas ang baril nito, nanlaki ang aking mga mata ng mapagtano kung anong balak gawin nito Hindi ako nakagalaw sa kinalalagyan ko at tinitigan ang lalaking walang kahit anong alinlangan sa balak nitong gawin.

  *BANG..BANG..BANG..*

"WAG!!!!"sigaw ko ngunit huli na ang lahat.

End of flash back.....

Umiling ako at iwinaksi ko ang nasa aking isipan at inalis ang paningin sa salamin,tinuloy ko nalang ang pag suot ko sa aking sapatos at saka tumayo at kinuha ang itim na jacket na naka sabit sa likod ng pintuan ng kwarto ko sinuot ko ito bago lumabas ng apartment ni lock ko ang pinto at saka dumiretso na, palabas na sana ako ng tawagin ako ng babaeng may katandaang na.

"Huy! Ineng! Majiko tama ba?"tinignan kolang ito saka tinanguan ng kaunti para sumagot, ngumiti naman ito at saka lumapit saakin, nakapa mulsa ko naman itong binalingan ng tingin naka yuko rin ako dahil mas matangkad ako sakanya.

Heartless Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon