H2

8 1 1
                                    

*JIKO POV*

     
      Alasais na ng hapon nang magising ako bumangon nako at dumiretso sa banyo para mag hilamos ng muka at mag mumog pag ka tapos ay gumayak na ulit ako para makapasok nako mamaya sa bar.

Lumabas ako ng apartment Saka ito ni lock,8pm pa naman ang pasok ko kaya didiretso muna akong 7/11 para duon nalang kumain ng hapunan,nag lakad na ulit akong papuntang kanto at saka pumara ng jeep,ng makita kona ang 7/11 ay pumara nako saka dumiretso ng pasok sa loob.

Hmm mag cup noodles nalang siguro ako wala naman akong ibang kakainin bukod don,kaya yun nalang ang napag desisyonan kong kainin kumuha ako ng isa at saka ito binayaran.

Pag katapos kong kumain ay tumambay muna ko saglit dahil maaga pa naman,nag pa lipas pako ng ilang minuto at ng umabot na ng 7:30 ay napag desisyonan konang umalis at dumiretso sa bar.

Nang makarating ako ay sa back door ulit ako dumaan at Hindi sa main entrance dahil panigurado mahihirapan akong pumasok dahil sa Dami ng tao, sikat kasi ang bar na ito kaya hindi nauubusan ng customer ang ilan pa nga sa mga customer dito ay mga kilalang tao o kaya naman ay artista at mga mayayaman.

Nang makapasok ako ay dumiretso ako sa may bar counter at nakita ko doon yung bartender na si mark,nakita kolang sa name tag nya na nakakabit sa may bandang dibdib nya nalaman ko ang pangalan nya, nginitian naman nya ko at binati.

"Uyy jiko pinapatawag ka nga pala ni boss manager kanina kapa hanap e, andun sya sa office nya" Saad nya.

"Ah sige salamat "Sabi ko naman, at pumunta na sa opisina nung manager namin.Pag ka pasok ko ay nakita ko itong naka upo sa couch nito at umiinom ng alak.

"Pinatawag nyo raw ho ako"pag agaw pansin ko naman dito liningon naman ako nito at sumenyas na umupo ako, sinunod ko naman ang gusto nito at umupo ako sa mismong tapat nya.inalok naman ako nito ng alak pero tumanggi ako.

Huminga ito ng malalim at nag simulang mag salita.

"Jiko this is my last warning,iwasan mong patulan ang mga customer natin,and please be patient."Saad nito at saka ako tinignan ng diretso sa mata, napatawa naman sya mahina at saka umiling iling.

"Hays jiko your eyes,ang lakas maka insulto ng tinginan mo,kaya siguro napipikon ang mga tao kapag na tripan ka nila at Hindi lang yon napaka tipid mo pa kung mag salita kaya Lalo silang naaasar and last jiko you're not a man you're a woman so stop fighting like a brave man, kapag napikon ka napapatulog mo Kasi sila ng wala sa oras and because of that nababawasan ang bayad nila saatin dahil sa pasa nila sa muka and of course tayo din ang lugi dahil ang bar din ang nagbabayad sa mga damage"panenermon nito.

tss e kung hindi lang ako nababastusan sa mga hayup nyang customer ay Hindi ko naman sila papatulan,at isa pa mahaba ang pasensya ko sa lahat ng bagay maliban nalang sa salitang "bastos" ayaw na ayaw kong nakaka kita ng mga babaeng binabastos .

Lalo na pag dating sa mga parte ng katawan nito, ayaw na ayaw kong nakakakita ng babaeng inaapi,namumuo ang galit sa puso ko at hindi ko na mapigilan ang sarili ko non.

ayoko sa sarili ko kapag nakaramdam ako ng galit kaya hanggat maari ayoko ng may taong malapit saakin,ayokong may nadadamay kaya ilalayo at itatago ko palagi ang sarili ko at iiwas sa mga taong alam kong magiging kahinaan ko.

Binalingan ko naman ng tingin ang manger.

"susubukan ko ho"sabi ko at nag pa alam na.

Lumabas naman ako ng opisina at nag simula ng mag trabaho at hanggat maaari ay Hindi ko pinapansin o nag bibigay atensyon sa paligid ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heartless Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon