Chapter 2: Foreign Invaders

7 1 0
                                    

Sa isla ng Enchantia nakatayo ang Magintree o ang palasyo ng mga Elysians o mas kilala bilang mga High Elves. Sila ay mayroong kulay puting buhok at nakasuot ng mga kasuotan na sumisimbolo sa kalangitan.

Si haring Aldrius Lightweaver kasama ang kaniyang anak na babae na si prinsesa Lyra Lightweaver ay kasalukuyang tutungo sa floating islands ng Enchantia.

" Father, sa tingin niyo matatanggap kaya ako sa isang sikat na Academy ng Almithara? " tanong ni Lyra sa kaniyang ama

" I'm sure you will, hindi maipagkakaila ang iyong potential anak. At alam ko mas mageexcel kapa kesa dito sa atin " nakangiting sagot ni Aldrius

Yumakap ng mahigpit si Lyra sa kaniyang ama dahil kahit kailan ay napakasupportive nito sa kaniya. Sila ay nakasakay sa isang flying ship na pinapalipad gamit ang mga crystal na makukuha sa isla ng Eldara. Balak ipakita ni Aldrius sa kaniyang anak ang makapangyarihang Secret Stone. Naniniwala kasi ito na mabibigyan ng blessing ang kaniyang anak kapag bumisita sila dito bago ito umalis.

Dumating na ang kanilang flying ship sa mga nagyeyelong bundok at lumapag malapit sa isang outpost ng mga Sorcerer. Kaagad naman silang sinalubong ng isa sa mga sorcerer. Nakasuot ito ng orange at brown robe.

" Maligayang pagdating mahal na hari at mahal na prinsesa. Napadalaw po kayo? " bati ng sorcerer

" Kailangan naming pumunta sa Shrine ni Aelora may mahalagang bagay kaming gagawin " sagot ni Aldrius

" Bago po iyan kamahalan naway hayaan niyo kaming ma examine muna kayo bago namin kayo dalhin doon " aniya ng Sorcerer

" You may will " pagsang ayon ni Aldrius

Sa isang kumpas ng kamay ng Sorcerer ay lumitaw ang mga runes sa katawan nina Aldrius at Lyra na nagliliwanag ng kulay orange.

" Maligayang paglalakbay mahal na hari " sabay pagyuko nito

Gamit ang mga kamay ng Sorcerer ay gumawa ito ng isang portal sa likuran nina Aldrius. Ngunit bago paman sila makapasok ay bigla namang sumabog ang outpost malapit sa kanila.

" Boom!!"

Nagsiliparan ang mga tipak ng bato at yelo sa paligid. Tumilapon naman sina Haring Aldrius, Lyra at ang Sorcerer.

" Lyra! Anak ayos kalang ba?! " Pag aalala ni Aldrius

" A-ayos lang ako....teka meron pang mga kasunod " sabay turo ni Lyra sa iba pang mga nag aapoy na bato na papunta sa kanila.

" Entros Protekta! " sigaw ng Sorcerer

Lumitaw ang isang magic shield upang ma protektahan ang hari at prinsesa. Isa isang tinamaan ng mga fireball ang iba't ibang mga outpost. Kasabay nito ay ang pagkahulog ng mga malalaking tipak ng bato at yelo sa iba't ibang bahagi ng Sylvanor.

Dahil sa kapal ng mga ulap ay naikukubli nito ang mga paparating na fireball at kanilang vision sa karagatan na pumapalibot sa Sylvanor.

Ilang oras bago mangyari ang pag atake sa mga outpost ng Enchantia. Ay may isang hukbo ng mga naglalakihang barko ang kasalukuyang tinatahak ang direksyon ng Sylvanor Archipelago.

Lulan ng mga barko ay ang napakaraming mga Orc o mga nilalang na nagtataglay ng kulay berdeng balat, matatalas na mga ngipin at deformed na pangangatawan. Samantala sa loob ng isang kwarto ay nakaupo ang isang Orc na naiiba sa iba dahil meron itong maputlang balat at matikas na pangangatawan. Nakahawak ito sa isang compass habang nakatingin sa lumang mapa.

" Sylvanor? So dito ka napadpad aking kapatid. Hindi ko sasayangin ang iyong paghihirap. " Aniya ng Orc

Lumabas ito sa kwarto ng marinig nitong visible na ang Sylvanor. Gamit ang magic ng kanilang mga Shaman mga individual na gumagamit ng Hex magic. Gumawa ang mga ito ng mga salamin na nagpapakita ng sitwasyon ng Sylvanor.

" Hmmmm...Pasabugin ninyo ang mga Outpost na nakatayo sa itaas ng bundok na iyan" saad ng Orc

" Masusunod po lord Gorrthak " sagot ng isang Orc Shaman

Sa pagkumpas ng mga Orc Shaman sa kani kanilang mga baston ay lumitaw ang mga makakapal na ulap at ipinadala ang mga ito sa Sylvanor.

" Steady the mortars! Ngayong araw na ito magsisimula ang aking pagtupad sa huking misyon ng aking kapatid " itinaas ni Gorrthak ang kaniyang kamay upang sensyasan ang mga tao nito.

Sa pagkumpas ng kamay ni Gorrthak ay siya naman ang pagpasabog ng mga mortar na nagpadala ng mga naglalakihang fireballs sa isla ng Enchantia. Mabilis naman na sumampa sa dalampasigan ng Everwood ang iba pang barko ng hukbo ni Gorrthak.

Dito na at dumating ang mga Orc sa mumunting village ng Pinetri. Inilabas naman ni Eldrian ang kaniyang espada upang kaharapin ang mga Orc.

" Grawwwr...sumuko na kayo sa amin at sisiguraduhin naming walang masasakatan grrrkk " usal ng isang Orc

" Kung ano man kayo mabuti pa at umalis na kayo sa lupa ng Sylvanor sapagkat buhay at dugo ang kapalit ng sinomang lumupastangan dito " tugon ni Eldrian

" Graaahhahahaha!! " Tawanan ng mga Orc sa sinabi ni Eldrian

Sa isang kisap mata ay kaagad na pinatay ni Eldrian ang isang Orc gamit ang kaniyang espada. Natigilan naman ang ibang kasamahan nito.

" Graaahh!! " Sigaw ng mga Orc

Nakipagtagisan ng espada si Eldrian sa kaniyang mga kalaban. Habang pinagsusunog ang mga kabahayan at pinagpapatay ng ibang orc ang mga tumatakas na mga Bramblethorns.

Tila walang katapusan ang mga dumadating na mga Orc at hirap na hirap ng makipaglaban si Eldrian. Nakikita niya rin na unti unti ng nalilipol ng mga Orc ang iba pa niyang kasamahan na tumutulong sa kaniya.

" Mukhang dito na magtatapos ang aking buhay sa ngalan ni Aelora! Akoy nakahandang mamatay para sa Sylvanor!! " Sigaw ni Eldrian.

" Thump!! " marahan na pag-uga ng lupa.

Sa hindi kalayuan ay may isang nasusunog na bahay at bigla itong ipinatumba ng isang dambuhalang nilalang. May hawig ito sa isang Orc ngunit meron itong mahahaba at malalaking mga pangil meron din itong hawak na napakalaking armas na gawa sa buto ng tao. Ito ay tinatawag na Ogre.

Gamit ang kaniyang palaso ay tinira ito ni Eldrian ngunit tila ba wala itong naramdaman kahit na tinamaan ito sa dibdib at tiyan. Isang malakas na hampas ng armas nito ay sapat na upang malibing ang sino mang tamaan nito.

" Atras mga kasama! " Sigaw ni Eldrian sa mga natitira nitong kasama

Maliksi namang tumalon sa likod ng Ogre si Eldrian at sinaksak ito sa likod ngunit bigla siya nitong nadakip at akma na sanang pipisain.

" Hands Off! " Sigaw ni Elowen

Kinontrol ni Elowen ang lupang kinatatayuan ng Ogre at pinalubog niya ito sa ilalim ng lupa. Kaagad namang nakatakas si Eldrian sa tulong ng kapatid nito. Sa isang iglap ay tanging mga Orc nalang ang natira sa kanilang lugar.

" Matagumpay ang ating pagdating Lord Gorrthak " aniya ng isang malaking orc

" Mahusay, simulan ang pagtotroso marami pa tayong paghahandang gagawin "

Halos 25% na ng Everwood ang napasakamay ni Gorrthak. Libo libong mga punong kahoy at halaman ang kanilang pinutol at sinira. Upang bumuo ng isang bayan.

The Secret StoneWhere stories live. Discover now