Hindi naman mapakali sa kaniyang higaan si Prinsesa Lyra. Tila ba may kung anong pwersa ang bumabagabag sa kaniyang isipan.
"Lyra...ikaw lang ang nagtataglay ng kakayahan na magligtas " aniya ng isang boses sa kaniyang isipan.
Mabibilis na mga flash ang nagpakita sa isipan ni Lyra. Tila ba ang barrier na pumoprotekta sa Secret Stone ay unti unting nababasag. Kaagad na napabalikwas si Lyra ng dahil sa kaniyang mga nakita.
"Nasa panganib ang Secret Stone as if nagpapakita sa akin ang Goddess. Kailangang mailigtas ko ito "
Mabilis na nagbihis si Lyra at tinignan kung meron bang nakabantay sa kaniyang kwarto. Nasigurado na niya na walang mga bantay ay mabilis siyang tumakbo papunta sa mga balloon na umaakyat ng bundok.
" Hephep prinsesa saan po kayo pupunta? Malalim na po ang gabi at bukas na ang iyong biyahe " pagharang ni Eldrian
" Eldrian inuutusan kitang umalis sa daraanan ko. May kailangan akong gawin "
" Na-ah inatasan ako ng hari na bantayan ka.....kahit na mas gusto ko na manguna sa pagsugpo sa mga orc" bulong nito sa sarili
Nagulat nalang si Eldrian ng makita na napalipad na ni Lyra ang balloon kaya wala na itong nagawa kundi ang sumunod dito gamit ang panang may lubid.
" Akala ko hindi ka sasama eh " natatawang saad ni Lyra
Samantala sa isla ng Everwood humarap kay Gorrthak ang kaniyang alagad nasi Krukar.
" Lord Gorrthak matagumpay na nakarating ang ating mga alagad sa mga kalapit na isla at meron akong magandang balita sa inyo " aniya ni Krukar
" Hmm?.."
" May mga nakatirang Yeti sa mga nagyeyelong bundok na kung tawagin ay Iceveil Peak at sila ay umaanib sa atin "
" Magaling simulan ninyo ang pag atake sa Enchantia, Sylph at Eldara ng maredirect natin ang kanilang pwersa papalayo sa Secret Stone " aniya ni Gorrthak
Unti unti namang pumatak ang snow sa balloon nina Lyra senyales na papalapit na sila sa Iceveil Peak.
" Sir Eldrian naranasan mo na bang gampanan ang isang bagay na pinakagusto mo? " Tanong ni Lyra
" Mula noon gustong gusto ko talaga maging isa sa mga bayani ng Sylvanor tulad ng aking Ama. Bata palang kami noon at palagi ako nakikinig sa kaniyang mga kwento at syempre suportado siya sa lahat ng aking gusto kahit mapanganib man dahil naniniwala siya na makakaya ko " tugon naman ni Eldrian
" Hmm..buti kapa " maikling tugon ni Lyra habang nakatanaw sa malayo
Sa hindi kalayuan ay biglang tinamaan ng isang malaking snowball ang balloon at kaagad naman itong bumulusok. Mabilis naman itong napigilan ni Eldrian gamit ang kaniyang mga lubid na kaniyang ipinana sa mga malapit na pine trees.
" Prinsesa! Ayos kalang ba?! Inambush tayo! "
" Ayos lang ako....sa likod!"
" Graaawwwrrr!!!"
Tumilapon sina Eldrian dahil sa isa nanamang snowball. Kaagad na nagsilundagan ang mga goblin mula sa snowball.
" Mweeheheheh!! Patayin sila! Fresh meat! " Halakhak ng isang Goblin
Kaagad na inilabas ni Eldrian ang kaniyang espada at nilabanan ang mga Goblin. Maliliksi kung ihahalintulad sa mga Orc kung kumilos ang mga goblin.
"Prinsesa tumakbo ka sa mga bato at magtago ayya!!"
" Hindi! " Inilabas ni Lyra ang kaniyang mga dagger at tinulungan si Eldrian.
Napakalinis ng mga galaw ni Lyra. Isa isa niyang napatumba ang mga Goblin na umaatake sa likod ni Eldrian. Mula sa kadiliman ay lumabas ang isang Yeti. Nilalang na binabalot ng kulay puting balahibo.
" Graaawwrr "
" Yeti?! " Gulat na sigaw ni Eldrian
Isang suntok ng Yeti ay kaya ng wasakin ang isang malaking tipak ng bato. Mga suntok at kalmot ang pinakawalan ng Yeti sa dalawang elves. Sa likod nito ay may mga sulo na mabilis na tumatakbo papunta sa kanilang pwesto. Isa pala itong grupo ng mga Orc.
" Mga Orc prinsesa! Nakarating nakapasok na sila sa Enchantia "
Nabahala naman si Lyra dahil baka ito ang dahilan kung bakit siya tinatawag ng Secret Stone. Nagkaideya naman si Eldrian na patamaan ng mga palaso ang isang kumpol ng yelo upang ito ay gumuho.
" Kumapit ka sa akin prinsesa "
Gamit ang lubid ay mabilis na nagswing papaakyat ng bundok sina Eldrian at Lyra samantalang tinabunan ng isang avalanche ang mga Orc ngunit nakaligtas ang iba sa kanila dahil sa napigilan ng Yeti ang rumaragasang avalanche.
Dumating na nga ang dalawa sa isang sira na outpost sa tuktok ng Iceveil Peak.
" Prinsesa sira na ang mga Outpost ano pa ang gagawin natin dito? "
" Kailangan natin mailigtas ang Secret Stone sa mga Orc iyon ang gusto nilang makuha "
Magsasalita pa sana si Eldrian pero napansin nito na tila ba nagyeyelo ang kanilang tinatayuan. Bago paman sila makakilos.
" Huwag na kayong magtangka pang kumilos....."
May mga palaso na gawa sa yelo ang nakatutok sa kanilang dalawa.
" Frostglade Elves... " aniya ni Eldrian
" Ano kaya ang business ng isang Bramblethorn dito sa tuktok ng Iceveil Peak? kasama ang prinsesa ng mga Elysians na si Prinsesa Lyra " sagot naman ng isang elf na may kulay asul na buhok.
" Fendromir.... " maikling tugon ni Lyra
YOU ARE READING
The Secret Stone
FantasyIn the continent of Almithara there are 17 continents each with different environment, people and stories. Sylvanor an archipelago in the Southeastern part of Almithara. Home to many mystical creatures. A goddess created a race known as the Elves...