Sa kanlurang bahagi ng Everwood ay mapayapang namumuhay ang mga taong puno o mas kilala bilang sa tawag na mga Ent. Si Willowheart ay isa sa mga Ent na naninirahan sa isla ng Everwood.
Tila ba nagising ito dahil sa malalakas na mga pagsabog. Napansin din ni Willowheart na nagsisipulasan ang mga hayop sa kaniyang paanan at ang pagliparan ng mga ibon. Doon niya na pansin ang mga usok na nanggagaling sa timog ng Everwood.
" Urnnn.... "
Pagdaing ng kagubatan sa pandinig ni Willowheart. May kakayahang makipag usap ang mga Ent sa kahit anong uri ng kahoy o halaman. Pero tila ba may kung anong pwersa ang pumipigil na gumalaw o umahon manlang sa lupa ang mga ugat ni Willowheart.
Samantala lumilikas naman ang mga Bramblethorns paalis ng Everwood dahil sa mga nangyayari. Sa tulong ng mga Elysians ay mas mabilis silang nakakalikas.
Mabilis na naglalakad ang magkapatid na Elowen at Eldrian upang harapin si Haring Aldrius. Kaagad naman silang pinagbuksan ng mga royal guards. Tumambad sa kanila si Haring Aldrius na nakikipag usap sa High Sorcerer.
" Kamahalan kung ipagpa umanhin ninyo meron kaming impormasyon na isisiwalat " aniya ni Elowen habang nakaluhod
Sinenyasan ni Aldrius ang High Sorcerer na maari na itong umalis. Sa isang iglap ay naglaho nalang ito na parang bula.
" Anong impormasyon ang iyong maibibigay Sir Elowen " aniya ni Aldrius
" Mga nilalang na galing sa ibayong dagat ang umaatake sa ating bansa Kamahalan. Mga nilalang na nagtataglay ng itim na mahika at lakas. Sila ay kung tatawagin ay mga Orc " aniya ni Elowen
" Orc?..." Tila ba nagulat itong si Haring Aldrius sa kaniyang narinig
Biglang naalala nito ang mga sinaunang kasulatan mula pa sa panahon ng creation. Nilikha ng diyosang si Aelora ang mga elf upang maging mga tagapagbantay ng Sylvanor. Ang dahilan kung bakit niya ito nagawa ay dahil sa isang nilalang na may kulay puting balat nakung tawagin ay Orc.
" Dumating na ang panahon na ikinakabahala ng ating tagapaglikha, dumating na sa ating bansa ang mga nilalang na sisira sa ating kapayapaan " aniya ng Hari
Biglaan namang pumasok si prinsesa Lyra upang makisali sa usapan.
" Amang hari ano po ang maitutulong ko sa suliraning ito? Marahil magagamit kona ang aking mga kaalaman sa pamamahala " pakiusap ni Lyra
" Ikinalulungkot ko anak hindi kita pupwedeng isali sa problemang ito bukas na bukas at ipapadala na kita sa Saphirus mas importante ang iyong kaligtasan at hinaharap "
" P-pero "
" Elowen at Eldrian inaatasan ko kayong maging royal escorts ng aking anak na si prinsesa Lyra "
Nagkatinginan naman ang magkapatid dahil sa naging desisyon ng hari. Habang nainis naman itong si Eldrian sapagkat imbes na mamuno ito sa pagpuksa sa mga Orc ay naging isang escort pa siya.
Sa kabilang dako patuloy naman ang pagpuputol ng mga Orc sa mga naglalakihang puno ng kahoy. Halos nakalbo na ang paligid ng kanilang kuta. Ginagawa nila itong mga armas at panggatong sa mga naglalakihang mga metal furnaces.
Natagpuan na ng mga tauhan ni Gorrthak ang bangkay ng kapatid nitong pinupuluputan ng mga baging. May mga nakaukit na mga runes sa buto ng bangkay.
" Ang kapatid kaunting panahon nalang at muli tayo ay maghahari " mga katagang binitiwan ni Gorrthak sa bangkay ng kapatid nito
" Lord Gorrthak halos kompleto na ang paghahanda ngunit base sa ating ancient Orc book ang mga Duskborns ay maaring ma revive kapag ginamit ang enerhiya ng lugar ng kung saan sila namatay sa tulong ng mga kadugo nila. At base sa aming pagsasaliksik ang bagay na makapagbibigay sa atin ng sapat na enerhiya ay matatagpuan sa tuktok ng mga nagyeyelong bukid na iyan " itinuro ng Shaman ang Enchantia
Ang mga Duskborns ay mga uri ng Orc na merong mapuputlang mga balat. Dito napapabilang si Gorrthak at ang kaniyang kapatid. Ang uring ito ay mas mataas kesa sa mga ordinaryong Orc sapagkat triple ang kanilang lakas kapag sumasapit ang gabi. Ngunit madali din silang mapaso ng malalakas na liwanag.
" Gayundin ihanda ang mga Grunt at Goblins upang bugawin ang mga natitirang nilalang sa islang ito, at ipatawag si General Krukar " utos ni Gorrthak sa kaniyang mga alagad
Kaagad na tinanaw ni Gorrthak ang itinatayong portal na gawa sa naglalakihang Crystal galing sa isla ng Eldara. Pinaluhod sa harap ni Gorrthak ang limang Umbrall elves. Halos sugatan ang mga ito.
" Tch...pagbabayaran ninyo ito mga Orc hindi magtatagal at kayo ay lilipulin ng aming mga kasamahan " sumbat ng isang elf na kilala sa tawag na Ezanrel.
" Ang mga buhay ninyo ay pawang mga walang silbe....magiging alay lang kayo para sa aking kapatid pero sige hahayaan kitang mabuhay upang masilayan mo kung ano ang magagawa ng mga kalahi mo " sagot naman ni Gorrthak
Kaagad namang tinalian si Ezanrel at ikinulong habang walang habas namang pinag pyestahan ng mga Goblin ang iba pa nitong mga kasamahan. Halos maduwal naman sa awa si Ezanrel sa mga sinapit ng kaniyang mga kasamahan.
YOU ARE READING
The Secret Stone
FantasyIn the continent of Almithara there are 17 continents each with different environment, people and stories. Sylvanor an archipelago in the Southeastern part of Almithara. Home to many mystical creatures. A goddess created a race known as the Elves...