Humahangos siyang tumatakbo sa pasilyo ng ospital. Hindi pa man siya nakakababa ng kotse ni Russel ay natanggap niya ang balitang iyon mula sa mga kapatid. Kaya heto at hanggang sa ospital ay kasama niya ang binata.
"Kuya Isaac!", hiningal niyang bulalas pagkarating na pagkarating sa silid ng ama.
Kaagad naman siyang nilingon ng kapatid. "Okay na siya, bunso! Overfatigue lang daw!"
Humakbang siya palapit sa ama habang pinakakalma ang sarili. Nang makaupo sa tabi ng ama ay siya namang pagpasok ng mag-inang Laarni at Lyndon. Kaya naman muli siyang tumayo at nagmano sa ginang.
"Mabuti naman, Shy at nakarating ka!", anito at agad siyang hinila palapit sa kama ng asawa nito. "Ewan ko ba dito sa papa mo, hindi nakikinig sa amin ng mga kuya mo!', palatak nito habang iiling-iling. "Pagsabihan mo nga iyan! Tutal naman ay sa'yo lang naman siya natatakot."
Napangiti naman siya sa tinuran nito. "Hayaan mo po, Tita! At sasabunin ko sa sermon si Papa! Iyong hindi na kailangang banlawan pa!", biro niya.
Nagtawanan naman ang mga kapatid. "Masyado daw kasi kaming mabait samantalang si bunso, parang tigre!", pang-aasar ni Lyndon.
Napasimangot naman siya sa narinig. "May sinasabi ka ba Kuya L?", taas-kilay niyang angal dito.
Maya-maya pa'y nagmulat ng mata ang ama at nakangiti itong lumingon sa kaniya. "Anak, namiss kita! Hindi mo na ako binibisita!", pagmamaktol nito.
Pinamaywangan niya ito. "Naku, Papa! Paano kita bibisitahin? Puro trabaho ang hinaharap mo, hindi naman ako!", panenermon niya rito. "Tulad niyan!", iminuwestra niya ang kalagayan nito. "Na-overfatigue ka na!"
"I promise, Shy, it won't happen again. Mamamasyal tayo ng tita mo at ng mga kuya mo once bumisita ka sa bahay."
Pinagtaasan niya ito ng kilay. "Make it sure, Papa. Tita Laarni is our witness here. Ganoon din sina Kuya Ice at Kuya L.", nilingon niya ang madrasta. "Tita, i-report niyo na lang po sa akin once na hindi tumupad si Papa sa promise niya."
"Yes, I will my dear!", kiming tugon nito. Halata ang pinipigil na tawa.
Bumuntung-hininga siya at kaagad itong niyakap. "Please, Papa, ingatan niyo naman po ang sarili niyo!", naluluhang pakiusap niya.
"Hala ka! Papa! Pinaiyak mo si bunso! Totoong galit na iyan!", palatak naman ni Isaac na kaagad na tinampal ng ina sa braso. Ewan niya nga ba. Naiiyak na lamang siya kapag nagagalit siya.
Hinaplos nito ang likod niya habang yakap-yakap siya. "I will, Shy! I promise!", anito nang tila may maalala. "Nasaan nga pala ang boyfriend mo?"
Mabilis naman siyang napabalikwas at sinimangutan ito. "Pati ba naman ikaw, Pa?"
Napahagalpak naman ng tawa ang mga kaptid. "Sino ba sa dalawa ang tinutukoy mo, Dad?", her brother Lyndon smirked as he was asking. "Si Pinsan o yung isa pa?"
Binalingan niya ng masamang tingin ang kapatid. "Wala akong boyfriend at wala pa sa isip ko ang bagay na iyan!", singhal niya rito.
"Tigil-tigilan niyo na nga ang kapatid niyo!", awat naman ni Laarni sa mga anak.
Inilibot na lamang niya ang paningin sa silid na iyon nang maalala si Russel. "Lalabas na lang po muna ako!", paalam niya sa mga ito.
Nakita niya ito sa isang upuan malapit sa isang silid. Akma niya sana itong lalapitan nang makitang kausap nito si Renee kaya sa halip ay bumalik na siya sa silid ng ama.
Kinabukasan din ay nadischarge na ang kaniyang ama kaya naman ay nabigyan na niya ng panahon ang kanyang dance tutorial class.
Senswal niyang hinagod ng kanang braso ang kaliwa niyang kamay bilang final step ng sayaw na itinuturo niya sa mga high school students ng alma mater niyang Xavier University. Agad namang nagpalakpakan ang mga manonood ng pag-eensayo nilang iyon. Naroon siya ngayon sa compound village kung saan nakatira ang mga ito.
BINABASA MO ANG
SWEET BLUE KISS (Bouquets and Garters Series Book Eight)
Romance"Bakit mo ba ako ipinamimigay? When you can have me all you want. Buong-buo at sayong-sayo lang! Mahal kita noon pa man at hindi na iyon magbabago. Kahit magpapila ka pa diyan ng mga beauty queens at sexy stars na singhaba ng San Juanico Bridge, ika...