Mabilis niyang pinaharurot ang motor matapos matanggap ang masamang balita patungkol kay Shy. Kauuwi lang niya mula sa isang misyon nang tumawag sa kaniya ang landlady nitong si Aling Sonia at sinabi ang nangyari sa dalaga. Kaagad niyang ipinarada ang motor sa parking lot nang makarating sa ospital at agad na tinakbo ang hallway kung saan naroon ang silid nito.
Naabutan niya naman ang doktor na kalalabas lang mula sa silid nito. "Doc, how is she?", agad niyang usisa. "I'm Miss Asuncion's closest friend.", pakilala niya nang makita ang pagkunot ng noo nito.
Nagliwanag naman agad ang mukha nito. "Oh, well! She badly needed to rest. According to our findings, she is suffering physical and emotional stress.", anito at agad siyang tinapik sa balikat bilang paalam.
Huminga siya nang malalim bago pinihit ang doorknob pabukas. Nakita niyang nakatingin lang ito sa kawalan. Tila hindi namamalayan ang pagdating niya. Nilapitan niya ito at umupo sa tabi nito. Saka naman nito nagawang lumingon sa kaniya.
"Have you called them?", usisa niya pa rin kahit nahihinuha na niya ang sagot. Hindi naman ito sumagot. "Why didn't you even bother to call your mom?", aniya. Pinipilit pa ring magpakahinahon. Ngunit hindi pa rin ito nagsasalita. She left him with no choice.
Akma niya pa lang dudukutin ang aparato sa bulsa nang pigilan siya nito sa kamay. "Huwag!", anito at napayuko. "Please, Blake! Please don't tell them!", mangiyak-ngiyak nitong pakiusap. "I'm sure pagagalitan niya ako. Ganoon din sina Kuya Ice at Kuya L."
Napasimangot siya. "And do you think, natutuwa pa ako sa mga pinaggagagawa mo?", aniya at napailing na lamang. "This is my fault. I loved you so much to the extent that I spoiled you too much!".
Maluha-luha naman itong humarap sa kaniya. "No. Hindi mo naman kasalanan. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Pinili ko ito. Ginusto ko. Kaya please lang, huwag ka nang magalit."
Blake sighed a relief. Nilapitan niya na ito at niyakap. "Fine. I'm not really mad", aniya at pinunasan ang luha nito sa magkabilang pisngi. " But please, have much time to take care of yourself. I'm hoping that you will stop teaching dances and other night jobs.", utos niya. Inaasahang pakikinggan siya nito.
"P-pero-"
"No buts, Shaniah Yazmien! I'm warning you! Kapag ipinilit mo ang gusto mo, mapipilitan na rin akong sabihin kina Tita Belle at Tito Isaiah ang mga pinagkakaabalahan mo.", he firmly said.
Ayaw niya sana itong gawin sa dalaga ngunit kung kinakailangan ay wala siyang ibang pagpipilian.
Sumisinghot-singhot itong tumango bago siya niyakap. "Okay!", pagpayag nito.
Ngunit kailangan niya ng assurance. "Promise me!"
"Promise!", sa tono nito ay halata namang napipilitan lang din ito.
"Alright. It's a good thing, approved na ang hiningi kong leave starting tomorrow kaya whether you like it or not, lagi akong nakamasid sa bawat kilos mo even when I'm not around with you."
Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito sa kaniya. "Okay. That's good to hear but please, lalabas na ako bukas, ayoko dito."
Natawa naman siya. "Okay! We're leaving early tomorrow morning."
Inalalayan niya na itong mahiga sa kama. "Please,dito ka lang sa tabi ko.", anito matapos siyang bigyan ng espasyo sa tabi nito. Kaagad naman siyang tumalima at kinumutan ito. "Nagtalo kami ni Russel kanina and I think narinig ni Renee ang mga sinabi niya.", maya-maya ay pagkukwento nito.
"Is there really something happening between them?", kunwa ay usisa niya.
"Oo! Halatang-halata naman di ba?", inaantok nitong tugon.
Hinaplos niya ang likod nito at hinalikan sa noo. "Oo na! Sleep tight!", aniya at natulog na rin sa tabi nito.
*************************************************************************************
Magaan na magaan ang gising ni Shy. Isang linggo na nang magsimula ang leave ni Blake kaya naman isang linggo na rin siyang bantay sarado dito. But she cares nevertheless. Nilingon niya ang binatang katabi sa pagtulog. Oo. Katabi niya sa pagtulog. Hindi niya na nga maalala kung kailan nagsimula siyang makampante dito. Comfort. Security. Iyon ang nararamdaman niya whenever she was with him.
Maya-maya pa'y naramdaman niya ang paghapit nito sa baywang niya. Hindi niya alam kung anong nagtulak sa kaiya na titigan ang mukha nito. Mula sa noo, mata, ilong at maging ang mga labi nito. Nang biglang muling nagbalik sa alaala niya ang kissing scene nina Jacque at Aries. Napalunok siya at nag-iinit ang pisngi. Hindi pa niya naranasan ang mahalikan dahil hindi pa siya nagkakanobyo.
Lumipad ang paningin niya nang magmulat ito at nasalubong ang bughaw nitong mga mata. Tila inaakit siya ng mga matang iyon at wari ay hindi siya makakilos. Ngunit tila natauhan siya nang may maramdaman kakaiba sa pagitan nila. Para bang matutuyuan siya ng laway at kakapusin ng hininga nang sa may gahibla na lang ang pagitan ng kanilang mga labi. Napapikit na siya sa antisipasyon nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone.
Kaagad naman silang naghiwalay at bumalikwas ng bangon. Dinampot niya ang cellphone sa ibabaw ng bedside table samantalang dumiretso ng banyo si Blake.
"Hello!", bati niya nang hindi binabasa ang pangalan ng caller.
"Don't you miss me? At hindi mo na ako binibisita dito sa office?", agad niyang nakilala ang boses ni Trixie.
"Sorry naman. Don't worry. I have nothing to do so I can visit you.", aniya. Nakalimutan na ang tensiyon sa pagitan nila ni Blake.
"Himala na hindi ka busy ngayon!", sarkastiko nitong saad. "Huhulaan ko. I bet Mr. Blue Guard is with you!", anito. She rolled her eyes upon hearing what Trixie used to called to Blake.
"Oo na. Together we will visit you there.", aniya at kaagad na tinapos ang tinawag. Siya namang paglabas ni Blake mula sa banyo.
"May lakad ka ba?", usisa kaagad nito.
Hindi naman siya agad nakahuma nang makita ang ayos nito. Tuwalya lang ang takip sa parteng ibaba ng katawan nito.
"Shy, eyes up here."
Ibinaling niya ang tingin sa mukha nito at nakitang nakangisi ito. Namula ang pisngi niya nang matanto ang ikinilos kaya naman nag-iwas siya ng tingin.
"Come with me. We're gonna visit Trixie."
Naramdaman niya ang pagkilos nito. Tanda na nagbibihis na ito. Sa tanang buhay na magkasama sila, ngayon lang siya naasiwa sa sitwasyon nilang dalawa.
"That's good. Makapamasyal na rin tayo.", anito at nilapitan siya. "Hindi ka pa ba maghahanda?", bulong nito.
Kaagad naman siyang lumayo dito at tumayo na. Kumaripas siya ng takbo patungong banyo. Bago pa niya tuluyang maisara ang pinto ay narinig pa niya ang baritonong halakhak nito. Tinampal naman niya ang sarili. Hindi na normal ang nararamdaman at ikinikilos niya sa harapan ng binata. Hindi na rin niya tiyak kung ano na lang ang iniisip nito tungkol sa kaniya.
"Shy!", tawag ni Blake mula sa labas. "Trixie called asking what time are we gonna go there?"
Nang marinig ang pangalan ni Trixie ay mabilis niyang inayos ang sarili. "Sabihin mo papunta na tayo.", aniya at kaagad na naligo na. Pilit na iwinawaksi ang nararamdaman.
---itutuloy---
Thank you for reading...
Feel free to vote and share the link..@mjfreesia
BINABASA MO ANG
SWEET BLUE KISS (Bouquets and Garters Series Book Eight)
Romance"Bakit mo ba ako ipinamimigay? When you can have me all you want. Buong-buo at sayong-sayo lang! Mahal kita noon pa man at hindi na iyon magbabago. Kahit magpapila ka pa diyan ng mga beauty queens at sexy stars na singhaba ng San Juanico Bridge, ika...