Chapter 3

3 1 0
                                    

Kinabukasan nga ay binisita niya ang mga anak-anakan sa ampunan. Laking tuwa ng mga ito nang makita siya, gayon din ang mag-inang Eva at Ava. 

"Good morning po, Sister Eva!", bati niya matapos magmano. 

"Kaawaan ka ng Diyos, Shy!", sagot nito. 

Nilingon niya naman ang anak nito. "Hi, Ava!", bati niya. "Lalo ka yatang gumaganda ngayon!"

Agad namang namula ang pisngi nito. "Matagal na akong maganda, Shy!", sakay nito sa biro niya.

Tumawa ang ina. "Paano kasi, may manliligaw na.", pambubuking ng ina.

Noong una niyang makilala ang mag-ina ay naranasan niyang maiyak at matawa sa mga karanasang ibinahagi ng mga ito sa kaniya. Naiyak siya dahil biktima pala ng karahasan ang ginang at si Ava ang naging bunga. Ngunit sa kabila ng nangyari sa ginang ay hindi siya nawalan ng pag-asa at itinuring pa ring biyaya ang anak. At dahil batid ni Ava ang naranasan ng ina ay ganoon na lamang ang pagmamahal at paghanga sa ina. Natatawa naman siya sa mga pangalan ng mga ito. Si Sister Eva ay Maria Eva ang tunay na pangalan samantalang ang anak nito ay Ave Mariah. 

Naagaw ang pansin nila nang masilapitan sa kanila ang mga bata. 

"Ate Shy, Ate Shy! Salamat po sa mga pasalubong mo sa amin noong isang araw.", saad ng walong taong gulang na si Britney. 

"Oo nga po, Ate Shy! Ang ganda-ganda po ng dress kop!", wika naman ni Camille, anim na taong gulang.

"Ate Shy, ang sarap naman ng hamburger! Sana po pizza naman sa sunod.", paalala naman ng matabang si Dexter, isang siyam na taong gulang. 

"Ako, Ate Shy, iingatan ko po iyong toy airplane ko!", sambit naman ng pitong taong gulang na si Glenn.

Pinalakpakan niya ang mga bata. "Mabuti naman at nagustuhan niyo!"

"Ate Shy, Nasaan po si Kuya Blake?", usisa ng pinakamatanda sa lahat, si Francis, sampung taong gulang. 

"Abala iyon sa trabaho.", matipid niyang tugon. "Hayaan niyo at sasabihin kong namimiss niyo na siya. Tiyak na namimiss na rin kayo niyon. Malay niyo bigla na lang iyon sumulpot dito."

"Yehey!", sabay-sabay na nagpalakpakan ang mga ito.

"Sana po turuan niyo kami ni Kuya Blake ng bagong sayaw.", request naman ng walong taong gulang na si Harry.

"Siyempre naman!", mabilis niyang tugon nang may mapuna. "Nasaan na po si... Jairus?"

"Sinundo na ng nanay niya kahapon.", sagot ni Sis. Eva."Ilang buwan na pala siyang hinahanap."

Nagkibit-balikat na lamang siya. Ang mahalaga ay naroon na ito sa tunay niyang pamilya.  Palaboy-laboy ang batang si Jairus nang matagpuan niya. Nawala daw ito sa palengke dahil umalis ito sa tabi ng ina habang namimili ng gulay. Kaya naman sa awa niya ay isinama niya ito sa ampunan at agad na nakasundo dahil sa hilig nila pareho sa pagkanta. Bagama't masaya siya na kasama na ito ng nanay nito ay tiyak na mamimiss niya ang batang iyon. 

Nabaling ang atensiyon nilang lahat nang may pumaradang kotse sa tapat ng gate nila at bumaba mula roon ang isang lalaki na sa tantiya niya ay nasa midfifty's ang edad. Lumapit agad ito sa kanila hindi pa man nila ito iniimbitahan. 

"Magandang araw! Ako pala si Martin Roque.", pagpapakilala nito. Hindi niya nagugustuhan ang kakaibang angas nito. He smells danger at tama nga ang hinala niya nang sabihin agad nito ang pakay. "I just want to remind you that you have to prepare packing  your things. Malapit ko nang bawiin ang lupang kinatitirikan ng ampunang ito.", iyon lang at walang pasubaling iniwanan sila. Ni hindi man lamang sila binigyan ng pagkakataon na maipagtanggol ang mga  sarili. 

SWEET BLUE KISS (Bouquets and Garters Series Book Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon