Chapter 2

2 1 0
                                    

Kinabukasan ay labis na ikinabahala ni Shy ang pagkakaroon ng lagnat ni Blake. Kaya sa halip na asikasuhin ang sarili para maihatid ang mga pasalubong sa Little Angels' Orphanage ay ang binata ang inasikaso niya. Naabutan sila ni Russel sa ganoong tagpo. Naroon silang dalawa sa likod-bahay at kasalukuyang binebendahan ng panibago ang braso ni Blake.

Nagfistbump ang mga ito nang makalapit ang bagong dating. "Mukhang napuruhan ka ah!", puna ni Russel.

Blake just shrugged. "Malayo sa bituka!"

Nagpanting ang tainga niya sa narinig. "Anong malayo sa bituka?", angal niya habang nakapamaywang sa harap ng mga ito. "Nilalagnat ka na nga diyan, sasabihin mong malayo sa bituka?", panenermon pa niya.

Ngunit lalo lang siyang nanggalaiti nang pagtawanan siya ng mga ito. "Mainit na naman ang ulo mo. Mabuti pa, mag-ayos ka na at pupunta ka pa sa orphanage.", pagtataboy nito sa kaniya.

Umismid lang siya at binalingan si Russel. "Russ, pwede bang ikaw na muna ang bahala sa mga pasalubong ng mga bata?", pakiusap niya. "Baka kasi magkalat ang isang ito dito sa apartment ko." Laking tuwa niya nang tumango ito. "Salamat, Russel!"

Lihim na napabuntunghininga si Blake.Natitiyak niyang inaasahan nito na makakasama si Shy patungong Little Angels'. Ilang beses na nga ba niyang pinayuhan ito na magtira ng para sa sarili. Hindi ibig sabihin na hindi niya kayang magsakripisyo para sa dalaga kundi malaki din ang responsibilidad na nakaatang sa kaniyang mga balikat.  

Umiwas ito ng tingin sa kaniya at sa halip ay binalingan si Shy. "Lahat ba ng kahon na naroroon sa sala?", paniniguro nito.

"Ah! Oo!", maiksing tugon nito. " Iyong unang kahon, mga pagkain na nakalagay na sa styrofoam. Ang pangalawa, mga laruan at ang pangatlo ay mga damit."

Tumango ito. "Ako na ang bahala tutal dala ko naman ang kotse ko."

"Mabuti naman kung ganoon.", anito at pansamantala silang iniwan.

"Why are you like that?", pigil-hiningang usisa niya. "Paano natin malalaman kung sino ang mas matimbang sa atin kay Shy kung hindi mo alam kung paano siya tanggihan? Magpamiss ka rin paminsan-minsan!", palatak niya.

"I already did! Nakakalimutan mo yatang abala rin ako sa kompanya.", katwiran nito na alam niyang gawa-gawa lang nito.

Umingos lang siya. "Pwes! Kulang pa. Kung hindi nga lang dito sa sugat ko, nunca na magpakita ako sa kanya!", pag-amin niya.

Nanlaki ang mata nito. "You mean-"

Tumango siya sa iniisip nito. "New strategy Red!". Gusto lang naman niyang malaman kung naiisip din siya nito kapag wala siya sa tabi nito.

Bumuntung-hininga lang ito. "Kung nagagawa mo siyang tiisin, ako? Hindi ko kaya!", mahinahong saad nito.

"Except naman siyempre kung emergency!", buwelta niya. "Minsan ko nang ibinaling sa iba ang atensiyon ko but I failed. Siya pa rin ang nakikita ko. I feel so pathetic. Nakakabading!", palatak niya.

"Walang hiya, Blue! Nakakahiya ka nang kasama!", pambubuska nito at napagpasyahang tumayo na. "Magpagaling ka na at ako naman ang aaligid sa kanya habang abala kang magpamiss!"

"Good luck na lang sa atin. Sakaling may magustuhan siya liban sa atin, dadaan muna sa bangkay natin ang lalaking iyon.", tiim-bagang na sambit niya.

"Sino ba ang lalaking pinag-uusapan niyo?", natahimik silang pareho sa pagsulpot ni Shy.

Si Russel ang unang nakabawi. "Nothing! I'll go ahead. Ihahatid ko na ang mga package. Babalik pa ako sa opisina.", paalam nito.

Nang makaalis si Russel ay pinainom niya ng antibiotic si Blake. "Hindi siya mailayo ni Trixie sa'yo.", anito matapos.

SWEET BLUE KISS (Bouquets and Garters Series Book Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon