Chapter 23. ❤️

182 9 1
                                    

Sharlene POV

"Uhhmm Jai, pupunta kong mall after class. Bibili lang ako ng regalo para kila mommy at daddy anniversary na kasi nila sa Sunday eh." Sabi ko kay Jai habang naglalakad kami sa hallway.

"Sige, hintayin moko mga 5pm sasamahan na kita. May practice pa muna kasi kaming varsity eh. Hintayin moko?"

"Osige. Sa tambayan nalang kita hihintayin mainit kasi sa gym eh."

"Sure. Text nalang." Nakangiting sagot nya. At nagpaalalam na napupunta na sya sa gym.

Habang hinihintay ko si Jai nagbabasa nalang ako sa wattpad ganun naman ginagawa ko talaga lagi pag wala akong magawa eh. Masyado na kong nalilibang kakabasa na hindi ko namamalayan na dumidilim na pala. Tumingin ako sa orasan sa phone ko at nagulat ako na mag aalasais na pala. Taeeee, asan na ba si Jai? Akala ko ba 5pm 6 na oh. Tinatawagan ko sya pero puro ring lang. Walang sumasagot. Tinry ko ding itext sya pero hindi naman sya nagrereply. Ano kayang nangyare duon? Shemay naman oh. Hindi pa naman ako nagpasundo sa driver. Okay! Uuwi nalang ako, magtataxi nalang ako.

*kruuuu kruuuu*

Hala, ano yun? Promise natatakot na ko. Waaaaah! Takot pa man din ako sa dilim. Ayoko talagang naglalakad mag isa pag madilim feeling ko may nakatingin sakin. Huhu. Bat ba kasi walang kailaw ilaw dito sa SPAUP sa gabi na, masabihan nga sila mommy. Yaman yaman ng mga San Pedro at Aquino tapos walang pambili ng ilaw? Shemay yun. Nakalabas nako ng school at nagaabang nako ng taxi pero nakaka 20 mins na wala pareng dumadaa hanggang sa may mga grupo ng lalaki na lumapit sakin. Mga siguro ka age sila ni Kuya.

"Hi Miss, mukhang mag isa kalang ha? Ang ganda ganda mo pa naman, baka kung mapano ka. Gusto mo sumabay kanalang samin?" Tanong ni Boy number 1. Hindi ko sya kilala eh. Itsura palang nya mukhang hindi sya gagawa ng tama eh. Lord help meeeee! Huhu. Pleaaaase! Wag mokong pabayaan lord. Huhuhu.

"No Thanks! I can manage myself." Lakas loob na sagot ko. Kinakabahan na talaga ko. Putek! Kasing Jairus na yun eh, iniwan ako. Taeeee!

"Naks! English spokening si Miss Ganda. Yan ang gusto ko sa isang babae." Sabi ni Boy 2 Quizon este Boy number 2 pala.

Hindi ko pinansin yung sinabi nya at lumayo nalang at nagpatuloy sa paghahanap ng taxi. Bat ba walang dumadaan na taxi dito? Ano ba naman yan! Sasabihin ko nga kila mommy na ilipat yung school sa paradahan ng taxi para pag ganitong pangyayare makakasakay ako agad.

"Miss naman, pakipot ka pa eh. Sumama kanalang samin." WTF. Nandito paren sila? Bat nila ko sinusundan? Huhu. Looooord! Magpadala ka nga ng Night in Shining Armor ko pleaaaase.

"Nigh in shining armor kapang nalalaman dyan miss ganda. Di na uso yun." Mind reader pala tong isang to eh. Nagulat nalang ako ng binuhat ako ni Boy number 5.

"Waaaah! Bitawan nyo ko. Mga pangit kayo. Ang babaho nyo naman. Let me go! Argggghhhhh!" Pagwawala ko sabay hampas sakanya. Kaso ang laki nyang tao, hindi ako makawala eh. Hinahawakan na nya ang pwet ko. Sheeet! Manyak! Rarapin bako neto? Huhu. Lord. Heeeelp!

"Miss, hindi ka naman namin sasaktan eh. Basta sumama kanalang."

"Ayoko! Ang pangit mo ibaba mo ko. Go away! Shooo." Sabi sabay hampas sakanya.

Binaba nya ko sa may gilid ng kalsada sa may puno na may mga damuhan. Akala ko okay na, pero nakita kong naghubad ng tshirt si Boy number 1 at nakapalibot lang yung 4 nyang kasama. Naglalakad ako ng paatras pero sumusunod paren sya. Naiiyak nako! Wala ba talagang tutulong sakin? Mika Alexa Nash Sophia Kobi Francis Paul Jairus, tulungan nyoko. Pleaaaase! I need you guys. Sana kahit sa isip lang. Naririnig nyo ko. Ngayon ko lang napansin na hindi dala mga gamit ko, naiwan duon nung binuhat ako nung mga manyak na to.

Love Will Find A Way. (JAILENE) ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon