Chapter 9: Sleep Over.

1.7K 30 1
                                    

Sharlene's POV


Ilang weeks nadin simula ng nagbora kami at ngayon pasukan nanaman. Back to normal agaaaain. At isa pa, okay na kami ni Jai, okay na ang lahat sa amin bestfriends na ulit kami. Kaso, hindi pa talaga alam ng barkada yung meron samin ni Jai ewan ko nga kung bakit hindi namin sinasabi eh, mga kaibigan naman namin yun. Hahaha.


"SHARLENEEEE! Bilisan mo nga dyan sa banyo. Abay maliligo din ako. Nagdedaydream kana naman habang naliligo eh." Si Kuya yun. Jusko! Naghihimitok na naman. Naliligo kasi ko.


"Shattap Kuya! Eto na, maghintay ka ah. Pleaaase!"


After 10 minutes tapos na ko maligo. Asusual paglabas ko binungangaan na naman ako. Pagkatapos ko magayos nagpahatid narin ako kay Mang Ariel sa school. Naglalakad nako papunta sa room ko ng biglang may tumawag sakin...



"SHARLENE!" Paglingon ko...















Si Nash pala.





Oo, Si Nash. Kala nyo si Jai noh. Pssshh. Asa. Haha. Pero, okay na ulit kami nun noh. Tsaka Close na kami nyan ni Nash. Naging close kami nung nasa boracay kami. Ang gwapo nya talaga eh. Cuuute cute. Grabeee! Alam naaa! Hahaha. Jooooke laaang! :) Pero, parang may kakaiba sa kanya ngayon eh. Parang malungkot sya. Ano kaya nangyare dito?



"Oh, Nash. Kamusta? Ano ngyare? Bakit parang malungkot ka ata?"


"Nagaway na naman kami ni Alexa, Shar eh. Alam mo kahit hindi na kami nagaaway parin kami." Sabi nya ng nakayuko. Haaaay!



"Wag ka magalala, magkakaayos din kayo. Cheer up na! Wag ng malungkot. Papangit ka nya sige ka. " Nakita ko naman nguniti na siya. Buti naman! :)


"Mahal mo pa ba si Alexa, Nash?" Tanong ko sakanya. Nakita ko namang napatigil sya.


"H-huh? E-ewan ko. Magulo pa eh. Siguro, konti kasi hindi naman agad agad mawawala yun diba?" Sabi nya. Sabagay. Tama naman sya ehh.

Maya maya nakarating narin kami ni Nash sa room namin. Mukhang late na ata kami kasi parang may sinasagutan.


"Nash! Patay! Late na ata tayo. Nagsasagot na sila oh." Bulong ko kay Nash.



"Oo nga. Pero maaga pa naman oh. 10 mins pa bago mag 7." Sabay turo sa relo nya.


"Mr. Aguas and Ms. San Pedro, you may take your sit. Di pa kayo late, sadyang maaga lang akong dumating at may pinapasagutan lang ako." Sabi ni Ms. Betty at umupo narin kami ni Nash. Dun ako umupo sa tabi ni Jairus at si Nash naman sa tabi ni Alexa ganun kasi seating arrangement namin eh.




"Ano yan? Ano yung sinasagutan nyo?" Bulong ko kay Jairus.



"Survey lang. Nagpapasurvey ang theatre club eh. Oh eto yung sayo." Inabot nya sakin yung papel ng survey at nagsagot nako. Maya maya dinismiss na kami ni Ms.Betty, half day lang kasi dahil may biglang meeting para daw sa intrams ng school.



"Guuuuys! Tutal wala din naman tayong pasok bukas. Overnight nalang tayo sa isa satin." Alexa. Wala kaming pasok bukas kasi may party yung mga teacher, ewan ko ba sa mga yun. Pabayaan!



"Good Idea! Teka saan naman tayo magoovernight?" Tanong ni Andrei. Lahat naman kami tahimik, wala ni isa ang nagsasalita.


"Ahhh. Alam ko na! Sainyo na lang Shar." Suggest ni Sofia. Samin? Waaag. Bat samin? Huhu.



"H-huh? Bat samin? Next time nalang uy. Sa iba nalang." Ayoko talaga. Baka mamaya ehhh, malaman pa nila yung samin ni Jai dati. Juskoo!


"Eh bakit naman? Sainyo nalang kami hindi pa nakakapunta eh. Sge na, dali na! Wag ng KJ ha." Alexa. Haaay! Jusko! Aangal ako. Ayoko talaga.


"Next time. Promise! Wag lang ngayon. Pleaaaase!" Pagmamakaawa ko. Subalit di naman ata umepekto.



"Ahhh basta! Wala ng pero pero. Bye na muna. Kita kita nalang mamaya kila Shar ng 4pm ah. Sunduin mo nalang pala kami Shar sa may JSA Mall, malapit kayo dun diba? Di namin papunta sainyo eh. Maligaw pa kami. Sge byeee! Text text nalang." Sabi ni Sofia. At yun! Nagsiuwian na sila. Aynako! Hayaan mo na nga bahala na mamaya. Malulurit mga kaibigan ko eh.



Paguwi ko sa bahay. Naligo muna ko, nanlalagkit ako eh. Tapos inayos ko kwarto ko. At nagpaluto ako ng food kila yaya. Gutumin mga kaibigan ko eh, mahirap magutom mga yun lalo na si Kobi at Phia.


Mga 3:45 pinapunta ko na si Mang Ariel sa JSA Mall, pinasundo ko na sila. Hindi nako sumama, wala tinatamad ako eh. Si Mika, dun nalang din pumunta sa Mall para daw exciting at sabay sabay na daw. Bruha yun eh. Hahaha.



"SHARLENEEEEE!" Sabay sabay nilang sabi. Jusko! Nandto na pala sila. Ang ingaaaay!



"Grabe Shar! Ang ganda ng bahay nyo. Ang laki laki pa. Ansaya." Alexa.



"Wow ah. Para namang ang liliit ng mga bahay nyo noh." Ang ooa kasi. Haha. Malalaki din kaya mga bahay nila noh.


"Oo nga. Pero, mala palasyo tong inyo eh." Sabay tingin ni Nash sa paligid.



"T-teka, Shar? Parang kilala ko tong batang to na kasama mo sa isang picture dito." Sabay turo ni Alexa dun sa picture frame. Patay naaa! Nakita nya yung picture namin ni Jai. May picture dun kasi sa sala na kasama ko si Mika tas meron naman kasama ko si Jai tapos may isa yung kaming tatlo nung mga bata pa kami.


"H-huh? Hindi ah. Baka kamukha lang. Di mo yan kilala." Pagtatanggi ko. Napatingin naman ako kay Jai, nag mouth nalang sya na pabayaan ko nalang daw.


"Hindi eh. Parang kilala ko talaga to. Hindi ako nagkakamali. Alam ko malapit satin to eh." Aish! Ang kulit naman netong babaeng to.


"Hindi ngaaa. Kamukha lang siguro yan nung sinasabi mo." Wala na talaga kong maisip na idadahilan pa. Aynako!



"Patingin nga!" Lumapit si Nash dun sa picture at tinitigan mabuti.

"Eh si Jairus yan eh. Jai, ikaw to diba? Tas tong isa si Mika. Dibaaa?" Nash. Jusko po! Etong nagsyota na to, sarap pag umpugin.


"Si Mika nga yung isang babae dyan. Pero, hindi ako yung isa noh. Grabeee! Bat naman ako mapupunta dyan noh? Ngayon palang kami nagkita ni Shar." Paliwanag ni Jai. Huuu, sana naman maniwala sila. Lord, sana maniwala sila please!


"Okay. Sge, sabi nyo eh. Shar kain na tayo. Nagugutom na talaga ko." Pagyaya ni Kobi. Dinala ko na sila sa dining para makakain na. Napansin ko namang nakatingin si Jai, ngumiti sya nagthankyou naman ako dahil sa pag save nya kanina.


"Sharlene, nandyan na ang mama mo." Sabi ni Manang. Hala patay! Mabubuko na talaga kami ni Jai. Huhu. Sana hindi makilala ni mama si jai.


"Hi Ma!" Beso beso kay Mama.


"Oh anak, may mga bisita ka pala." Tanong ni mama.


"Yes ma. Sleep over sila dito."


"Hi po tita!" Bati naman sila kay mama tapos isa isang lumapit at nagbeso.


"Oh Mariko, ganda mo ah. Mas lalo kang gumanda talaga. Mana ka talaga sakin." Wow. Parang sya nanay ni Mika ah. Selos tuloy ako. Haha. Joke. Close lang talaga si Mama at Mika pati mga family namin.


"Naman Tita! Forever! Pero mas maganda ako tita. Hahaha." Mika.



"Osya, mga bata feel at home ah. Pahinga na ko. Pagod sa trabaho si Tita eh." Yeeees! Hindi napansin ni mama si Jairus. Thanks ma!


"T-teka, si Jaijai ba yan? Jairus ikaw na ba yan?" Ayy! Joke lang pala yun. Napansin pala ni Mama. Juskoooo! Wala na, moment of truth naaa! Eto na yun.


"O-opo Tita. Hello!" Sabi naman ni Jairus na halatang nahihiya.


"Tara nga dito iho. Kamusta kana? Ang laki mo na ah. Ang gwapo gwapo mo na lalo." Mama. Lumapit naman si Jai at hinug si Mama.


"Okaaay lang po ako tita. Ganun pa den. Syempre po. Gwapo po talaga ko. Maski dati pa." Jai. Ayy! Biglang humangin. Lakas oh.


"Naaaks! Haha. Magseset nalang ako ng date para makapag bonding tayo ng family mo at ni Mika ah. Nakakamiss kayo eh! Busy kasi kami ngayon ng tita mo. Daming inaasikaso sa business." Mama.


"Sge po. Pati po sila mama at papa busy din po sa business eh." Jai.


"Yaan mo ganun talaga. Parang sainyong mga anak din naman namin yun eh. Pero teka, buti naman nagkita na kayo ni Shar at friends na ulit kayo. Ano? Nakapagusap na bakayo? Okay na kayo? Okay na ba ulit yung sainyo?" Mama. Shedibey! Ang ingay ng nanay ko. Aisssshhh.


"MAAA!" Sigaw ko.


"ANO?" Sigaw din ni Mama.


"Ma umakyat kana. Please! Magpahinga kana. Pagod ka oh. Dali na!" At pinpush ko na si mama paakyat ng hndi na makapagsalita pa ulit ng kung ano ano.


"Sorry for that guys. Pagpasensyahan nyo mama ko. Nababaliw lang. Mana sakin eh. Haha. Sorry dun Jai." Sabi ko sa kanila. Tumango naman sila at ngumiti pati si Jai.



"Aynako! Bilisan nyo na pagkain dyan. Jairus Sharlene may dapat pa kayong ikwento samin pagkatapos." Alexa. Ang seryoso naman nito. Halaaaaa!


"Oo ngaaa! Dapat yung malinaw na malinaw na pagpapaliwanag at kwento." Nash. Jusko! Eto na nga ba sinasabi ko. Wala na kaming kawala.



Jairus' POV


"Kasi nga mag childhood bestfriend kami ni Jai at Mika since nasa sinapupunan pa kami ng mga nanay namin magkakaibigan na kami." Kwento si Shar sa barkada. Ako tahimik lang dito nakikinig lang.


"Oh tapos? Ano pa? Ano ngyare? Bat ngayon ka lang namin naging friend? Eh tapos sila mika at jai since 1st year pa namin friend yan. San ka napadpad?" Susko! Daming tanong neto ni Alexa. Kasakit sa ulo.


"Eh kasi nga, nung bata pa ak---" Biglang napatigil si Shar sa pagkukwento at napatingin sakin ng nakakunot ang noo.


"T-teka nga lang. Hoy Jairus! Baka gustong mong tulungan ako dito noh. Aba'y nawawalan na kong laway dine uy. Kasali ka ho dito sa usapan." Dada ni Sharlene. Jusko! Kailangan sumigaw? Nandito lang ko sa harap oh.


"Pwede wag sumigaw? Nandito lang ko sa harap oh. Tsaka bahala kana muna dyan. Mamaya na lang ko eentra pag kailangan na." Pagkasabi ko nun, nakita ko namang lalong kumunot noo nya at inirapan ako. Taray talaga neto eh.


"As I was saying. Kinailangan kasi naming mag punta ng canada 5 years ago. Kailangan kasi nila mama't papa ayusin yung business duon. Kaya ayun?"


"Oh tapos? Ano reaction nila Mika nun? Nila Jai?" Dami namang tanong ni Alexa oh. Parang quiz eh.


"Ayun. Nagalit sila nun. Nagtampo. Nagiiiyak. Ni Hindi nga sinasagot yung mga message ko nun eh. Pero after ilang months namin nagkausap na kami ni Mika, naging okay kami."


"Jai, ikaw? Nagiiyak ka? Seryoso? HAHAHAHA!!! Ano kaya ichura mo nun? Ang epic siguro." Nash. Makapanginis naman to. Kala mo eh. Luhhh.


"Utuuuut. Bata pako nun noh. 11 yrs.old pako nun. Kaya manahimik ka dyan." Tumawa nalang sila Nash sa simabi ko. Tsss. Talaga naman eh.


"Eh si Jai Shar? Ano sinabi? Kinausap kadin agad?" Pagtanong ni Kobi nun, napatingin lang si Shar sakin na seryoso ang mukha.


"Si Jai? A-ano. Hindi. After nung insidente nung umalis ako ng hindi sinasabi sa kanila. Ni hindi na ko nyan kinausap. Pag minemessage ko sya sa facebook hindi nya pinapansin. As in, No Communication talaga kami simula nung umalis ako. Kaya kay Mika nalang ako nakikibalita tungkol sa kanya. At nalaman ko nga na ang laki nung epekto kay Jai nung pagalis ko, sobra ko syang nasaktan nun. Pero, masakit din sakin na iwanan ko sya eh. Wala lang talaga kong mgawa nun. Kung may magagawa lang sana kasi ko nun eh. Haaay! Pero, natuwa naman ako nung sinabi ni Mika na okay na sya at bumabalik balik na sya sa dati." Ang mahabang litanya ni Shar. At totoo naman lahat ng sinabi nya eh. Kaso Past is Past nanga diba. Okay na. And that was 5yrs ago. Tagal na nun uy. Napansin ko namang lumungkot yung mukha ni Shar.



"Oh Wait there guys. Dont tell me. Dont tell me." Alexa with matching hand gestures pa.

"Yes Alexa, We wont tell you. Hahaha." Nash. At tumawa naman kami.


*Toink*


"A-aray naman babe, masakit yun ah. Ouch." Sabi ni Nash habang hinihimas yung batok nya. Ayan! Napala. Loko kasi. Haha.


"Wait, kasi. So ibig sabihin Jai. Si Shar yung kinekwento mo samin nun na girlbestfriend mo na mahal na mahal mo. Na iniwan ka at hindi mo kinaya. At ang dahilan kung bakit hindi ka na ulit nagmahal at kaya wala kang girlfriend today? " Sophia. Aish. Daldal mo naman phia. Tama bang ungkatin pa yun? Nakita ko namang umiwas ng tingin si Shar at parang nailang.


"Anubayan! Tama bang ungkatin pa? Past is past guys. Tapos na yun noh. Okay na ulit kami. Bestfriends! Diba Shar?" Ako. Tanong ko kay Shar na halata namang kanina pa ilang.


"O-oo naman noh. B-Bestfriends F-forever! :)" Shar. Nauutal to?


"But Past Can Still Affect The Present" Sabay sabay nilang lahat sabi except samin ni Shar. Lels. Mga baliw po mga kaibigan ko.


"Suuus. Whatever guys! Oh tama na. Nakwento na namin lahat sainyo. Ayy este nakwento KO na pala lahat sainyo. Tara na sleep na tayo inaantok na ko eh." Shar. Inemphasize talaga nya yung Ko. Aynakooo!


"Oo nga tara na. Antok na rin ako eh." Nash.


"Girls asusual dun tayo sa kwarto ko. Boys dun kayo sa kwarto ni Kuya Deej ah. Dun lang yun sa tapat nung amin. Wag kayong magkakalat dun ah. Wala si kuya sa makalawa pa uwi nun may outing silang magbabarkada eh. Pero, pinagpaalam ko na kwarto nya okay lang daw. Ingat nalang daw sa mga gamit. Osya sge na Goodnight!" Shar.


"GoodNight! :)" sabay sabay naming sabi at pumasok na sa rooms namin.



~~


Chapter 9 dooooone!


Sorry for the late UD. Nakabawi naman ako ngayon, haba nyan uy. Hehe. It's been a month na since yung last update ko. Sorry talaga guys. Busy lang talaga tsaka natatamad ako. Hehe. Pero, dadalasan ko na UD ko ngayon. Medyo maluwag luwag na sched at di nako tinatamad. Masyado na kong inspired eh.


Vote.Comment.

Enjoy Reading. ☺❤

Love Will Find A Way. (JAILENE) ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon