Chapter 17: Date.

794 21 4
                                    

Jairus POV

Nandito ko sa may waterfalls ng school malapit sa garden. Madalas ako pumupunta dito. Konti lang kasi nakakaalam nito kaya gusto ko dito. Tsaka ang payapa at ang tahimik pa. Tanging pag bagsak lang ng tubig ang maririnig mo at pagdaloy nito. Tsaka grass kasi yung land dito hindi lupa kaya ang sarap magstay. Sarap lang mag muni muni. Umupo ako sa grassland at sumandal sa puno malapit dito. Kinabit ko yung earphone ko at pumikit. Makakatulog na sana ako ng may biglang pumitik ng ulo. Araaay ah. Infairness, masakit yun.

"Ouuuch! What was that for?" Inis na sabi ko. Tinanggal ko yung earphones ko at dumilat. Pagdilat ko nagulat ako kung sino yung pumikit sakin.

"Uy Shar! Ikaw pala!" Gulat na sabi ko.

"Ay hindi! Anino ko lang to. Sungit mo naman ata ah." Pilosopong sagot nya.

"Bakit kasi kailangang mamitik?"

"Sorry naman! Tinest ko lang kasi kung tulog o gcng ka eh." Nakangiting sabi nya

"Makakatulog na sana nga ako kaso lang may isang babaeng nangistorbo sakin. Inaantok pa naman ako." Parinig na sabi ko sakanya.

"Ganun? Aalis na nga ako. Sorry ah! Dyan ka na nga!" Mataray na sabi nya. Aktong aalis na sya ng hawakan ko ang kamay nya kaya napatigil sya at tumingin sa kamay namin. Nang marealize kong hawak ko ang kamay nya binitawan ko agad.

"Di naman kita pinapaalis eh. Dito ka muna. Samahan moko dito." Sabi ko sakanya. Umupo naman sya sa may grass at tinabihan ako.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Mag isa ka pa?" Tanong nya sakin.

"Wala lang. Nagpapahangin lang. Nagpapalipas ng oras. Ang sarap kasi dito eh. Tahimik tsaka mahangin. Eh ikaw bat ka napunta dito?"

"Wala lang. Gusto ko lang din magpahangin eh. Masarap nga kasi talaga dito. Tapos nakita kita na nakapikit at nagiisa kaya inistorbo kita. Hahaha!" Natatawang sabi ni Shar.

"Ang kulit mo talaga eh noh." Nakangiting sabi ko.

"Whatever."

"Uhhhmm. Shar!"

"Yes?" Pagkasabi nya nun. Bigla ko nalang syang niyakap. Wala lang. Namiss ko lang kasi talaga sya eh. Yung tipong miss na miss. Naramdaman ko naman na niyakap nya din ako. Magkaganun lang kami for like 3 minutes. Maya maya bumitaw na din ako.

"So-sorry!" Sabi ko sakanya.

"Hindi! Okay lang yun. May problema kaba? Kung kailangan mo ng tulong nandito lang ako." Nakangiting sabi nya.

"Hindi. Wala naman. Namiss lang kasi talaga kita." Pagkasabi ko nun nakita ko namang nagblush sya. Kaya bigla syang napaiwas ng tingin. Napangiti nalang ako.

"I-ikaw puro ka talaga kalokohan eh." Sabi nya sabay hampas sakin.

"Aray ko! Kailangan nananakit?

"Ikaw kasi eh. Puro ka kalokohan."

"Eh totoo naman kasi eh. Ayaw mo kasing maniniwala sakin eh. Nga pala pwede ka ba sa saturday? Labas naman tayo. Tagal na nating hindi lumalabas eh." Tanong ko sakanya. Sana naman pumayag sya. Please lord! Please!

"May practice kami ng basketball ni Nash eh." Pagkasabi nya nun. Napaiwas nalang ako ng tingin at napatingin nalang ako sa waterfalls. Buti pa ang water na fafall. Haaay! Si Nash na naman pala. :(

Love Will Find A Way. (JAILENE) ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon