Chapter 22 ❤️

352 12 0
                                    

Jairus POV

Wala na. Nahulog nako. Inlove na talaga ako sa kanya. Haaaay! Sana dumating yung araw ma mahalin din nya ko.

*Booogshhhh

Naglalakad ako dito sa hallway ng school ng biglang may nabunggo akong isang babae.

"Miss, okay ka la---Ella?"

Si Ella pala. Teka bakit parang....Umiiyak ba sya?

"Ella, ayos kalang? Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sakanya

O_O

Pero, imbis na sumagot yumakap lang sya sakin sabay humahagulgol. Hinayaan ko nalang sya dahil siguradong mabigat yung problema nya. Nang tumigil na sya, inalis na nya yung pagkakayakap nya sakin at dinala ko sya sa may bench sa garden ng school.

"Uminom ka muna Ella!" Sabay abot ko ng tubig sakanya.

"Thankyou!" Nakangiting sabi pero halata mong napipiltan lang syang ngumiti.

"What's wrong? I mean, anong problema? Bakit ka umiiyak? May problema ba? Baka makatulong ako" Tanong ko sakanya. Hindi naman sa nang hihimasok ako. Concern lang ako sakanya.

"Nakipag break sakin si Liam kagabi. Sabi niya hindi na daw kami pwede. Mahal daw nya ko kaya nya ko pinapakawalan. Like, what the hell. Kung mahal nya ko bat nya ko iniwan diba? Pwede namang magkasama paren kami. Inarrange marriage nga pala kasi sya ng parents nya, wala syang nagawa. Hindi nya ko nakipaglaban kaya yun. Iniwan nalang nya ko sa ere." Umiiyak na kwento nya.

"Jai nangako sya eh. Nangako sya na kami hanggang huli. Na kahit anong mangyare, hndi nya ko iiwan at ipaglalaban nya ko sa kahit na sinong humadlang samin. Nasan na yung pangako na yun jai. Nasaan na? Mahal ko sya eh. Mahal na mahal ko sya. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayong iniwan na nya ko." Nakikinig lang ako sakanya. Makikita mo talagang nasasaktan.

"Alam mo lahat ng bagay may dahilan. Malay mo sinusubukan lang kayo ng destiny kung hanggat san kayo makakarating dyan sa pagmamahalan nyo. Pero, if talagang wala nya. Just learn to let go. Wag ka ng lumaban. Kasi bakit ka pa lalaban, kung yung pinaglalaban mo sumuko na. Bata ka pa ella. May makikilala ka pang mas better kay Liam. True Love waits." Sabi ko sakanya. Taeeee, hindi ko alam kung san ko nakuha mga pinagsasabi ko. Kusang lumabas sa bibig ko eh.

"Sana. Sana makamove on nako sakanya agad agad, para hindi nako masaktan pa. Durog na durog na yung puso ko eh. Hindi ko alam kung kelan pa mabubuo. Anyway, thank you jai. Thanks for listening." Nakangiting sabi nya. Totoong ngiti na pero may lungkot pa din.

Nagkwentuhan pa kami ni Ella. Hindi na nga kami nakapasok sa first subj eh. 1 oras na simula nagstart yung klase bago namin namalayan yung oras. Kaya hndi na kami pumasok, sa next class nalang.

Sharlene POV

Asan kaya yung si Jai? Ano kayang nangyare dun? Hindi pumasok sa first subject eh. Nandito kami sa canteen ngayon. Break time kasi.

"Guys, anong nangyare kay Jai? Bat hindi pumasok?" Tanong ni Mika.

"Hindi ko nga alam duon eh. Kanina nung katext ko sya papasok na daw sya sa gate ng school eh." Sabi ni Nash.

Ano kaya ngyare dun? Ni hindi nga nagtetext sakin eh. Nagtext sya kanina ng Good Morning tapos after nun wala na.

"Wag ka magalala shar. Sure ako, okay lang si Jai. Wag mo na sya isipin." Sabi ni francis na may halong pangiinis. Hindi ko naman sya iniisip noh.

"Hindi ko naman sya iniisip eh. Suuus."

"Oh ayan na pala si Igop eh."

Napatingin ako kay Paul nung sinabi nya yun at automatic napalingon ako sa tiningnan nya.

Love Will Find A Way. (JAILENE) ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon