Tiffany POV
>Dahil naeexcite ako ngayong araw maaga akong nagising mga 3:00 am ..... Joke 7:00 am lang , pagkaaga naman nun -_- . Dahil alam kong maaga pa at tulog pa ang mga tao dito ay di na muna ako bumaba .. Ano kayang magawa?? Hmmm... Ah maglilinis na rin ako ng kwarto tutal medyo madumi na ayaw ko kasi ng may naglilinis ng kwarto ko gusto ko ako lang at ... Mamimili ng damit na susuotin .. (Konsensya: At bakit kailangan mo pang mamili ng damit ?? Pinaghahandaan ??!) . Oy di ah !! Para maayos naman itsura ko mamaya, Nakakahiya naman sa kanya noh ! ( Sus!! Porket gwapo !! Talandi nito!) . Di kaya hmmp!! Di ko na lang pinansin ang konsensya ko at pumunta sa walk in closet ko.. Hmm Ano kaya ?? Sa pagpili ko nadako ang paningin ko sa pinaka dulo nito at mayroon nakaplastik na damit.. Ano kaya to?. Binuksan ko at nakita ko ay yung gown ko nung 11th Birthday ko .. Na akala ko magiging masaya ako pero parang lalo akong lumungkot dahil....
"My 11th Birthday"
FLASHBACK
>Arghh! Birthday na birthday ko malungkot ako dito sa isang tabi !! Diba dapat masaya ako , nakikihalubilo sa mga umatend ng party ko pero hindi eh , kabaliktaran ang nangyari..Ng lumapit ang isa kong kaklase..
"Hi Tiffany Happy Birthday.. Ito nga pala regalo ko :) "- Nakangiting bati ni Isabel kaklase ko ..
"Haha Salamat Isabel palagay na lang ako dun sa lalagyan ng regalo .. Salamat sa pag atend , Enjoy"- Nakangiting sagot ko sa kanya pero nung wala na siya na wala na din ang ngiti ko sa labi,, Hayy !! Ano ba yan pinaplastik ko lang naman sarili ko dito pinipilit kong maging masaya pero di naman talaga.. Dahil nanaman ba kay Alvin?? Oo na siya nga inemail ko naman siya na magkakaroon ng party dito eh , Binalewala ko na nga yung hindi niya pagcontact sakin sa loob ng tatlong taon.. Aaminin ko siya lang hinihintay ko dito , Masama mang pakinggan pero di ko kailangan lahat ng tao na nandito si Alvin lang ok na .. Pero wala nanaman siya, binalewala nanaman niya ko :( Napabuntong hininga na lang ako ..
"Hayy!"- Inikot ko ang buong paningin ko dito , nakita ko masaya sila , pero bat yung may birthday hindi?? Napadpad ang tingin ko sa isang puno dito sa may garden , may nakatayong tao sa likod ng puno , natatakpan siya ng mga dahon pero kahit ganun kilala ko siya ., Napangiti ako .. Alvin... Lalapit na sana ako dun sa pwesto ng may tumawag sakin.
"Cess !!"- Kuya Tristan , Lumapit siya sakin at niyakap ako ,,
"Happy Birthday Cess , Tandaan mo ha ?? Mahal na Mahal ka ni Kuya"- Nagdradramang sabi ni kuya .. Humiwalay siya sa sa yakap at ngumiti lang ako .. Nang maalala ko si Alvin. Paglingon ko dun sa pwesto kanina ay wala ng tao , palingon lingon akong naghanap pero wala eh..
"Hmm?? Kuya ?? Nakita mo ba yung lalaking nakatayo dun sa may puno ?? Si alvin , Nandun siya kanina!!. Nandito siya umatend siya ng Birthday ko !! Umuwi siya !!"- Nakangiti kong sabi kay Kuya pero parang any moment tutulo na yung luha ko ..
"Huh?? Cess wala naman nakatayo diyan kanina eh.. Tsaka si Alvin ?? Kanina pa ako nag iikot ikot dito pero diko naman siya nakikita ., Cess guni guni mo lang yun , ok??"
"Hindi Kuya , Nandito siya !! Dumating siya !! - Napapataas na din ung boses ko kaya napapatingin na yung iba samin .. Bat ganun?? Why Im so desperate ??!
"Cess calm down . WALA SIYA. Gutom ka lang kaya naghahallucinate ka .. Tara na .."- Hinila na ko ni Kuya .. Pero naghahallucinate nga ba ko ??
END OF FLASHBACK
"Tsk."- Binalik ka na lang yung gown sa dulo ng closet ko . At naghanap ng susuotin ko.. Pagkatapos kong makahanap ng sususotin nagsimula na kong maglinis .. Vacuum dito, doon .. Pagpag .. Tss kapagod .. Nililinis ko na yung cabinet ko dito , Nasa pinakadulo na ko ng drawer pero ayaw mabuksan may napasingit ata ..Kailangan pa ata nito full force .. Pumwesto na ko at hinila ng buong lakas ..
BINABASA MO ANG
An Affair To Remember
RomansaThis is your Unordinary Story that will show you that Love can change us.And that Love is our strength but also our weaknesses in Life. Magpapakita sa inyo kung hanggang saan ang kayang gawin ng isang tao para sa taong mahal nya.At magpapakita sa in...
