Chapter 2

1 0 0
                                    


1 year and 9 months na ang nakalipas nang mangyari ang rebelasyon sa relasyon nila Byrone at Khriza pero hindi pa din naghihilom ang sugat sa puso ko. Talagang kinamumuhian ko silang dalawa.

Sa ngayon nandito ako sa Park naglalakad-lakad habang may sinisipang bato.

"Hayyys naalala ko nanaman yung dalawang yun!" sinipa ko ng malakas yung bato sa taas nung puno.

"Aray! Sino namang walang kwentang taong bumato sakin?" May natamaan ata ako.

Aalis na sana ako.

"Hep hep. San ka pupunta?" May humila sa damit ko sa likod.

"Pasensya na miss. Bakit kasi sa lahat ng pagtatambayan sa taas pa ng puno." Iritable kong sambit.

"Aba! Hoy mama hindi ko ito mapapayagan no! Tsk dalhin mo ako sa ospital!"

"Teka nga. Bakit ko naman gagawin yun?" Asa siya!

"Pano kung magka-internal bleeding ako? sige nga! 'Pag ako namatay mumultuhin kita." Aist

"Humingi na nga ako ng pasensya di'ba? Saka bukol lang yan, malayo sa bituka."

"Manong bakit pa gumawa ng mga batas kung madadaan lang din ang lahat sa pasensya?" A-a-ano daw ma-ma-manong?! Ginagalit talaga ako ng babaeng 'to ah.

"Oh, pumunta ka sa ospital ng mag-isa. Tsk" Binigay ko sa kanya yung 20. Eh bakit ba? yun na lang nasa bulsa ko eh.

"Eh? bente? Eh kulang pa ito pang-taxi ah."

Samahan niyo akong magbilang ah

1

2

3

TAKBOOOO!

HOOO! napagod ako dun. TSS isip bata!

Eksena naman nung babaeng yun. Ay nga pala ako si Eullyses Alcantara. Mag 18 na ako sa February 16, ilang buwan na lang mag 2nd year college na ako. Kumukuha ako ng kursong HRM. Tama na muna yang impormasyon.


TRUTH REALLY HURTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon