Nagising ako sa loob ng kotse ko. Sobrang sakit ng ulo ko. Tumingin ako sa labas at nasa park pa rin ako kung san ako nasaktan nanaman.
May kumot na ako at yun yung ginamit namin ni Anna nung nag picnick kami. Pano nalaman ni Iza 'tong lugar na 'to? Oo medyo naalala ko, siya yung kasama ko kagabi. Umuwi na ako agad sa bahay. Natatanaw ko na yung gate ng bahay namin at may mga tsismosa sa labas. Bilis naman ng balita.
Aling bebang: Iho kamusta na?
Ako: Ayos naman po ako. Napadalaw po kayo?
Aling B: Hindi ikaw ang tinatanong ko si Red.
Ako: Po?
Aling B: Hindi mo ba alam? Isinugod siya sa ospital nung mga alas 3 ng madaling araw.
Ako: San pong Ospital?
Aling B: Sa ***** Hospital hin-
Hindi ko na siya pinatapos at agad na akong sumakay sa sasakyan at pumunta agad sa ospital. Nakarating naman ako agad.
Ako: Nurse san dito yung room ni Redjean Alcantara?
Nurse: sa room 43 po.
Tumakbo na ako agad. Men naman oh in use yung elevator. ginamit ko na yung fire exit. nung nakarating na ako nakita ko si Vencel yung schoolmate ko at classmate ni Red. May mga sugat siya at pasa sa katawan.
Vence: Kuya Eu.
Ako: Si Red? (tinuro niya yung room sa tapat)
Pagpasok ko. Naiyak agad ako. Nakita ko si red na nakahiga sa Hospital bed walang malay at puro pasa yung kamay at pisngi tapos may benda yung ulo niya.
Ako: Red sorry. (hindi ko napansin si Dad sa sofa.)
Dad: Sa'n ka ba galing?
Ako: Anong nangyari sa kan'ya?
Mari: Papunta sana kami ni My loves sa inyo nung mga 11 PM nung naglalakad kami nakita namin si Gracyn na hinahanap si Red. Hanggang sa nakarating kami sa Park.
Mon: Nakilala ni Gracyn yung Tsinelas ni Red. Kaya hinanap namin siya sa buong Park pero hindi namin siya makita.
Mari: Pagkatapos nun tumakbo si Gracyn sa dulo ng park na lagi niy-
Gracyn: nakita namin siya malapit sa lawa dun sa parke.
Mon: Ang hindi ko lang maintindihan may tao dun eh. Sigurado ako kasi may ilaw at punong puno ng rosas pero bakit 'di man lang nila tinulungan si Red. (yinakap siya ni Mari)
Mari: Hindi naman daw siya nagalaw nung tatlong lalaking lasinggero. Dumating kasi si Vencel eh. (pumasok si Vencel sa kwarto)
Ako: Kasalanan ko to eh! (Sinuntok ko yung pader at lumabas)
Gracyn: Wala namang ibang dapat sisihin kundi ikaw 'di ba? (bumuntong hininga sya) Hinintay ka ni Red kasi nagbake siya. Ilang araw niyang pinag-aralan yun, pinilit niya pa ako na turuan siya pero mas pinili mong pumunta kay Anna.
Ako: Ayaw kong makipag argue sa'yo ngayon.
Gracyn: (ngumisi siya) Of course ano bang karapatan mong magalit? Lahat na lang ng tao sa paligid mo- (lumabas si Dad) the nerve.
Dad: Gracyn. (magkakilala na sila kelan pa?)
Gracyn: Sorry tito, excuse lang po. (Pumasok sa elevator si Gracyn pataas, anong gagawin niya dun? Ano nga bang pakielam ko?)
Dad: Eu hindi ko alam kung ano ang nangyayari dito. Wala akong karapatang sumbatan ka dahil kasalanan namin 'to. Basta anak mahal na mahal namin kayo ni Mommy niyo. (yumakap ako sa kanya ng mahigpit)
---
Mari: Eu, Alis na muna kami ni My loves.
Ako: Sige bro(nag bro hug kami)
Mon: Bye. (hug)
Mari: Vence, tara na?
Vence: Sige kuya Joe. Dito muna ako. (Lumabas na yung dalawa)
Dad: Eu hindi ka pa ba uuwi?
Ako: Dad, ayos lang po ako dito. Dalhan niyo na lang ako ng gamit. (Tumango si daddy at hinug niya ako saka umalis na.) Vence, aalis ka na rin ba?
Vence: Kuya hindi pa po. Sabi kasi ni doctor Reyes kailangan pa akong obserbahan. Saka babantayan ko muna si Red, baka magising na siya mamaya wala siyang kasama.
Ako: Sige salamat, may pupuntahan lang ako.
Lumabas na ako sa room ni Red, hindi ko alam kung bakit patungo ako sa lugar na 'to pero dun ako dinadala ng mga paa ko, feeling ko kailangan ko ding humingi ng sorry sa kaniya. Nakarating na ako sa rooftop. Nakita ko si Gracyn na nakaupo dun sa edge.
Ako: Gracyn
Gracyn: ay kabayo. (muntikan na siyang malaglag buti nahawakan ko yung braso niya.)
Ako: ayos ka lang ba?
Gracyn: Hoo! Kung ikaw gusto mo ng mamatay 'wag mo ko idamay. (deep breath) Ba't ka nandito?
Ako: Ang totoo niyan hindi ko din alam. Ikaw ba't ka nandito? Malamig na ah. (binigay ko yung jacket ko sa kanya)
G: Ganun ka naman lagi eh hindi mo alam.
A: Ano?
G: Wala. Salamat sabi ko.
A: Ah, wala yun baka kasi magkasakit ka pa, tama na yung isa o kung mas mabuti kung wala.
G: Mas mabuti na nga lang kung may sakit ako kaysa gan'to. Alam mo para ko na s'yang tinuturing na li'l sister. There're times na siya yung comforter ko, kung ano-anong ginawa niya para lang mapatahan ako. (tumingin siya sa langit.)
A: Bakit ka naman umiiyak noon?
G: (tumingin siya sa'kin) ang dami mo ng nalalaman. Hindi ibig sabihin na nakikipag usap ako sa'yo eh ayos na sa'kin yung mga pi-.
A: Sorry.
G: (tumahimik siya bigla at yumuko at humakbang na paalis.)
A: Ano bang alam mo 'bout kay Anna?
G: She's my cousin. (she answered without looking back)
A: Ba't hindi mo sinabi sa'kin?
G: I tried. (at yun umalis na talaga siya)
Nag stay pa ako sa rooftop. Nagpakatanga nanaman ako sa babae. Nagpadala ako, ni hindi ko muna siya kinilala ng husto. Life is too short to stress myself with people who don't even deserve to be an issue in my life.

BINABASA MO ANG
TRUTH REALLY HURTS
Lãng mạnTRUTH REALLY HURTS Prologue: Bakit ang love kapag dumating wrong timing? Mahal mo siya, pero niloko ka. Mahal ka niya pero hindi mo kayang suklian. Kapag mahal niyo ang isa't-isa may dumarating upang manira. Ganun ba talaga when you love, you alway...