Chapter 3

1 0 0
                                    


3 days nalang pasko na. Kaiba ito noong nakaraang pasko. Masaya yun, pero lahat ng iyon ay kasinungalingan.

Nandito ako ngayon sa Mall para mamili ng kakainin namin ng kapatid ko mamaya. Oo, kami lang dalawa ng kapatid ko ang magkasama, nasa Canada sila mom and dad. Saan namin nakukuha ang pampaaral at pangkain namin? ayun pinadadalhan nila kami buwan-buwan. Nasanay na kami na wala sila. Pupunta muna ako sa CR bago mamili.

(phone rings)

"Hello?"

"Nak."

"Mom! We missed you and dad. When will you come back here?"

"Yun na nga yung itinawag ko nak, hindi kasi kami pwede mag-leave sa work namin eh."

"So it means kami nanaman ni Red ang magcecelebrate ng Christmas and New year."

"Sorry nak. Bawi na lang kami ni Dad next time. Ahm sige gotta go."

What's new? Ni hindi man lang kami kinamusta kung ok lang ba kami ni Red.

"Wala ka ata sa sarili mo." sino yun? Lumingon ako, nakita ko yung babae sa park.

"Ikaw nanaman? Sinusundan mo ba ako? Sabihin mo bakla ka no?"

"Hahahahahaha! Ang galing mo magpatawa, grabe!"

"Pati ba naman dito? Bawal ka dito ah!" Naloloka na ba siya? Nasa men's room kaya kami.

"Nasa Women's room kaya tayo. whahahahha!" tumingin ako sa paligid. puro cubicles at saka may napkin vendo dun. OH men.

"Oh my!" may babaeng sumigaw.

"Umalis ka dito!"

"Bakla!" hiyawan nung mga babae sa loob.

That was close!

Pumunta na ako sa grocery store.

"Oy mamang bakla!" ay putakte

"Hindi ako bakla. Saka pwede ba wag mo akong tawaging mama at manong and don't talk to me."

"Talaga? eh bakit nasa girl's room ka?"

"Ewan ko sa'yo. O ayan 5 pesos bili ka kausap mo."

"Hahaha pikon. chilax lang."

"Tss, bata." tinalikuran ko na sya.

Tapos na ako magbayad sa cashier.

"Aray! Watta."

"Bata pala ah. bleeh" aba talagang yung batang yun. batuhin ba nman ako ng sapatos niya tapos dumila pa. Napansin ko yung logo ng uniform niya. Parehas sila ng school nila Iza at Byrone, 1st year pa lang siya at teacher education ang kinukuha niya. Iba iba kasi ang uniform nila dun by department hindi tulad samin. Bakit ko alam na Teacher Education ang kinukuha niya kasi ganun din uniform ni Iza eh. Oo na tinitigan ko pa din siya hanggang ngayon.

"Aba talagang..." hahabulin ko na sana siya eh. kaso lang nakasakay na sa jeep.

Naman oh pwede ba ngayong araw lang may maganda naman sanang mangyari sa'kin.

TRUTH REALLY HURTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon