Chapter 9

0 0 0
                                    


Hating gabi na nung nakauwi ako sa bahay. Valentines ngayon! Inat muna.

*blag*

May nasagi ako pag tingin ko kung ano yun yung picture pala namin ni Red.

Ako: Naku magagalit si Red nito sakin sigurado.

May nalaglag din na letter mula sa study table ko. Binasa ko at ayun walang hila hilamos punta agad ako sa kusina. Binuksan ko yung ref at nakita ko yung Carbonara na iniwan ni Red para sa'kin. kinuha ko tapos titikman sana.

Red: 'wag mo ng kainin yan panis na yan.

Ako: Red sorry.

Red: iwan mo na lang yan diyan ako na lang mag aayos mamaya.

Ako: Mag-usap nga muna tayo. (tumigil siya at tumingin sa'kin) Gusto ko sanang ikwento sa'yo yung mga nangyari kahapon. Alam mo ba sinagot na ako ni Anna. Ipapakilala ko siya sa'yo mamaya.

Red: Kuya hindi ko alam na selfish at manhid ka! Hindi mo ba nakikita? Wala na yung kapatid ko linayo na siya ni Anna sa'kin!

Ako: Nagseselos ka ba? Hindi ka ba natutuwa tignan mo Red kaya ko na, naka getover na ako kay Iza.

Red: yun na nga eh. ang gusto mo lang yung mapatunayan mo sa'min na nakamove on ka na kay ate Khriza.

Ako: Red hindi mo naiintindihan mahal ko si Anna.

Red: linoloko ka lang niya!

Ako: Mapapatunayan mo ba ha? Hindi mo siya kilala, Red hindi ko alam kung anong nagyayari sa'yo at bakit nanghuhusga ka na lang ng basta basta. (pumasok ng bahay si Gracyn) Sino ba ang nagsabi sa'yo ha? yung bestfriend mo, si Gracyn? ano bang alam niya? (Hinigpitan ko yung hawak ko sa braso ni Red.)

Red: Nasasaktan ako! Hindi ikaw ang kuya ko at hindi magiging ikaw ang kuya ko! (tumakbo si Red sa kwarto niya)

Nasaktan ko si Red. Napaupo na lang ako sa sahig.

Ako: Ano bang mali sa pagmamahal ko kay Anna?

Gracyn: Lahat.

Ako: (tumingin ako ng masama sa kanya.) Ano ba ang alam mo? sino ka ba talaga? Bakit mo to ginagawa?

Gracyn: Wala pa akong ginagawa, ikaw ang may ginawa.

Ako: Hindi mo ko kilala at mas lalong lalo ng hindi mo kilala si Anna!

Gracyn: gaano mo nga ba kakilala si Anna? Magkikita kayong dalawa mamaya 'di ba? Good luck. (pinuntahan niya si Red sa room nito)

Iba yung Gracyn na nakita ko noon sa park at mall sa nakita ko kanina. Mamayang gabi ko na lang kakausapin si Red.

Pumunta ako sa meeting place namin ni Anna para sa Valentine date namin. Ayaw kong pati ito ay masira. May narinig akong sumigaw na babae, pero hindi ko pinansin kasi may narinig din akong boses ng mga lalaki mga lasing ata. Hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni gracyn na gaano ko nga ba kakilala si Anna. Nagtext ako sa kan'ya na hindi ko siya masusundo, para dumeretso na lang siya dito. sinilent ko yung phone ko.

Anna: Eullyses. (medyo malungkot siya)

Ako: Babe may problema ba?

Anna: Wala ano ka ba?

Ako: By the way. Babe, May kilala ka bang Gracyn?

Anna: (medyo nabigla) Why are you asking all of a sudden?

Ako: Para kasing kilala ka niya eh.

Anna: Wa- wala akong kilalang Gracyn.

Kumain na kami 10 PM na rin naman kasi.

Ako: Alam mo yung 1st ko. Linoko niya ako, silang dalawa ng best friend ko. Pero 'wag na nating alalahanin yun.

Anna: eullyses. Magagalit ka ba kung may boyfriend akong iba?

Ako: (medyo kinabahan) Ano bang tanong yan siyempre sino bang hindi magagalit dun. (yumuko siya.)

Anna: (Tumayo siya at umiyak tapos lumuhod sa harapan ko.) Patawarin mo 'ko.

Ako: Babe ano bang sinasabi mo d'yan? tumayo ka nga.

Anna: Patawarin mo 'ko! (Hinawakan niya yungg kamay ko.)

Ako: Anna, Babe naguguluhan ako ano bang nangyayari?

Anna: May boyfriend ako sa ibang bansa, akala ko wala na kami kasi matagal na siyang hindi nagpaparamdam sa'kin, pero kahapon nagtxt siya sakin na uuwi na daw siya.

Ako: 'wag naman ganto Anna.

Anna: patawarin mo'ko. Kailangan ko ng umalis hinihintay ako ni Jacob sa labas.

Umalis na si Anna. Uminom lang ako ng uminom sa malapit na bar sa park. Pano ako nakainom? Pera eh.

Ako: Hey Happy valentine's Day.

Waiter: Sir, magsasara na po kami. Saka tapos na po ang Valentines Day.

babae: Kuya ako na pong bahala sa kaniya. Eu tama na yan.

Ako: Iza?

Iza: You're wasted! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo?

Ako: ikaw kasi eh iniwan mo 'ko.

Hindi ko na alam yung mga sumunod na nangyari. Pero nararamdaman ko pa rin yung sakit.

TRUTH REALLY HURTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon