Eto pasukan nanaman. Masaya naman kami nung kapatid ko, nag New year kami sa tito namin. As usuall sina Mommy lang ang wala. At ngayong pasukan nanaman san pa nga ba ang deretso ko.
Mon: OMG! Eu long time no see. (tumakbo palapit sakin at yinakap ako ni Mon. Sumunod naman yung boyfriend niyang bakulaw.)
Mari: Monique my loves, distansya! (hahawakan niya sana si Mon pero nilayo ko.)
Ako: Sinasabi mo diyan, hindi mo ba alam na may relasyon kami ni Monmon?
Mari: Monmon? Kelan pa? 'wag niyo namang gawin sa'kin 'to. My loves, ibinigay ko sa'yo ang lahat kulang na lang maghubad ako sa harapan mo tapos ikaw kaibigan kita. Ginagawa mo rin ba sa'kin yung ginawa sa'yo ni By-
Ako: (linagay ko yung palad ko sa mukha niya.) Drama mo. (Inakbayan ko si Mon papunta sa pwesto namin.)
Hinila ni Mari si mon sa tabi niya at naupo sa katapat kong upuan, bale pabilog kasi 'to. Kaming tatlo lang ang tumatambay dito,nasa back part siya ng building namin. Mejo malayo kasi ibang building ng ibang course sa Building ng HRM dito. Maganda dito tumambay kasi mahangin parang mini forest lang, kami lang tumatambay dito kasi takot yung mga ibang student na pumunta dito dahil daw sa kung ano anong mga kababalaghan na meron daw sa lugar na 'to. Which is nakakatawa. Hello nasa college na kami maniniwala pa ba sila sa mga gan'on.
Mari: Kamusta na? Umuwi ba sila tita? (tahimik lang ako.)
Mon: Ok na yung kamusta lang my loves eh. Yan tuloy bagsak nanaman yung mukha nung isa.
Ako: Ano ba kayo? Anong bago? Haha 'wag kayog mag-alala ayos lang ako.
Mari: sino bang may sabing nag-aalala ako sa'yo? Nag-aalala ako baka mag rebelde ka i-seduce mo yung my loves ko.
Ako: Talaga nga nam- Hayssst bakulaw ka talaga. Diyan ka na nga. Mon patignan mo na yang si Mari malala na. (hinila ko si Mon kasi for sure hindi susunod si Mari pag di ko ginawa yun. Weakness niya si Mon eh.)
Mari: Oy, hintayin niyo ko. Eu 'wag si My loves. Sige ka papatulan ko si Red. (tinignan ko siya ng masama at akmang ikikiss si Mon.) Joke lang peace. (sabay hila kay Mon at tumakbo.)
Ako: Oy halika dito may kasalanan ka pa sa'kin! (ayun pumasok na kami sa building.)
Sila yung tumulong sa'kin para ma kayanin ko yung mga nangyari sa'kin specifically sa'min nila Iza. Except kay Red sila nagsabi sa'kin na dapat kong ipagpatuloy ang buhay, dahil hindi si Iza ang buhay ko. At ngayon dahil sa kanila nag-aaral ako ng mabuti at hindi nagrebelde. Oo nung una wasted ako, pero dahil sa kanila linabanan ko yung sakit na hanggang ngayon ay hindi mawala sa akin. Simula pagkabata kaming lima na ang magkakasama kaya hindi ko lubos maisip na ginawa nila yun sa'kin. Teka nga tama na muna ang drama kailangan ko munang mag-aral para kay Red.
BINABASA MO ANG
TRUTH REALLY HURTS
RomanceTRUTH REALLY HURTS Prologue: Bakit ang love kapag dumating wrong timing? Mahal mo siya, pero niloko ka. Mahal ka niya pero hindi mo kayang suklian. Kapag mahal niyo ang isa't-isa may dumarating upang manira. Ganun ba talaga when you love, you alway...