CHAPTER 1: Tampo

12 5 0
                                    

"Ang epic ng mukha mo dyan Maurene HAHAHA." tawa niya habang nakatingin sa pictures nong may field trip kami sa school.

"Pwede ba wag mo na lang tignan ang pangit ko jan." Naiirita kong Sabi sa kanya na patuloy pa rin sa pagtawa. Will yung picture na tinitignan niya is yung naka apak ako ng dumi ng hayop! Like ugh!! Nakakadiri!!

"Uy, pikon HAHAHA." naiinis  na talaga ako sa kanya pasalamat siya, di siya kayang saktan hmp!

"Maurene! Hoy! Pansinin mo na ako please,, pretty please.." pagmamakaawa niya with matching puppy eyes pang nalalaman. Hmmp sarap nitong ilibing ng buhay!!

"Ano ba!, Tumigil ka nga Jay, pinagtitinginan na tayo dito ohh!." Sabi ko sa kanya. Sarap magmura hyst .

"Okay Okay basta usap tayo later." Sabi niya; tumango naman ako sa kanya at pumasok na sa room.







Inilabas ko ang mga gamit ko para pag aralan muli ang mga nadiscussed kahapon. Will gusto ko kasing kahit limang segundo lang ay lingunin at batiin ako ni Dad, gusto ko na proud din siya sakin na hindi niya ako kinakahiya..., Ano bayan balik na nga tayo sa tunay na kwento.

Habang binaback read ko yung mga topic namin kahapon, bigla na lang may umakbay sa'kin nung nilingon ko para akong mamamatay dahil sa lapit ng mga mukha namin.

"Maurene..." tawag niya sa pangalan ko, nakatingin ako sa mga mata niya napaka ganda' na parang isang, mundo kung saan masaya kaming nag sasama, kong saan sabay kami sa  paggising, kong saan namin nakilala ang isn't isa. Sana ay ganito na lang siya kalapit sa akin ng masigurado kong hindi siya lalayo sa'kin. 

"Maurene..." tawag niya ulit sa pangalan ko sa pagkakataong ito natauhan ako kaya mabilis akong naiwas ng tingin at binaling na lang ulit ang tingin ko sa libro. 

Akmang magsasalita na ulit siya ng bilang pumasok ang guro namin slash adviser. Kaya mabilis nagsitayuan ang mga kaklase ko ganun din ako. 

"Good morning class!" Masiglang bati ng guro at bumati rin kami sa kanya bago magsiupoan. Nagsimula ng magdiscuss si ma'am kaya tudo take note sa mga sinusulat niya sa board.

Habang nagdidiscuss tudo sundot naman si Jay sa tagiliran ko kaya minsan ay nagkakamali ako sa pagsulat o di kaya'y masama ko siyang tinitignan na agad namang ikinabusangot ng mukha niya. Every time na tumitingin ako sa kanya nawawala lahat ng mga hinanakit sa puso ko, na para bang isang tingin ko lang sa kanya at nawawala na ito ng parang bula at hindi na babalik pa.

I prayed every day, every time, every minute, kahit segundo hindi ko pinalampas dahil umaasa ako na baka may mangyari o sign na nagpapakita na okay na siya.

Tapos na ang first subject at hindi pa rin timitigil si Jay sa nangungulit sa akin, wala nga akong natutunan sa mga itinuro ni ma'am kanina dahil sa kakulitan niya. We're now walking to the next subject which is physics habang naglalakad kami naka albay siya sa'kin halos lahat ng mga estudyante na nakasalubong namin sa daan tinitignan kami, hinayaan ko na lang siya dahil sanay na ako. Ganito naman siya palagi 'ewan ko lang kung bakit parang bago pa rin sa kanila ehh palagi naman naka akbay si Jay sa'kin.













The second class started and lahat kami nakikinig sa aming guro maliban na lang sa isa na humihilik na sa tabi ko. Ayaw ko siyang gisingin at ninayaan na matulog siya dyan, gigisingin ko nalang  siya kapag tapos na ang klase. Habang nagti take note ako di ko maiwasang hindi mapa tingin sa kanya, mga mata niya'y nakapikit, matangos niyang ulong, makapal na kilay, buhok niyang kasing kulay ng ink ng isang bullpen, at mala strawberry na labi niya na animoy nilagyan ng liptint ang sarap niyang tignan palagi para siyang anghel na natutulog sa tabi ko. 

Isang ngiti ang kumawala sa labi ko nang maalala ang mga panahon na nakayakap at nahahalikan ko pa siya. 

Tapos na ang klase pero hindi pa rin siya nagigising I was about to wake him up pero gising na siya 'kinusot kusot niya ang kanyang mata bago siya ngumiti sa'kin.



I promised to myself that I won't leave him kahit masaktan pa ako, kaya kong gawin ang lahat para sa kanya kasi mahal na mahal ko siya. Kaya kong maghintay kahit umabot pa ng isang taon o maraming taon hihintayin ko siya kasi iyon ang ipinangako namin sa isa't isa.



"Hey" mabilis akong natauhan ng marinig ko ang boses niya. Napakurap ako ng maraming besis dahil sa lapit ng mukha niya sa'kin agaran naman akong lumayo ng kaunti.

"Bakit?" mahinang tanong ko sa kanya dahil pinapakalma ko pa ang sarili dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko. 

"Okay ka lang? Para kasing namumutla ka?" nagaalalang tanong niya sa akin kasabay non ang paglapat ng kamay niya sa aking noo.

Agad ko namang iniwas ang aking mukha sa kanya at tumingin na lang sa labas ng bintana.

"Maurene naman ehh,.. kanina mo pa ako hindi pinapansin. Bati na kasi tayo. Promise buburahin ko yun!. Maurene." 

Tumango na lang ako dahil hindi ko siya matiis, hmmp. Pasalamat siya at...

"Talaga!?. Bati na tayo.!? Papansinin mona ako?." gulat na masaya niyang tanong. Mabilis ko naman itong inirapan at muling nag ayos ng gamit.

"Bati na tayo??..  Maurene naman ehh sagutin mo naman ang tanong ko.!" Pagtatakmol niya.

"Bakit, ayaw mo?."


"Hindi!!"

"Yun naman pala ehh, ba't ang ingay mo?" May halong pagkairita kong tanong sa kanya.

"Ikaw kasi hindi mo ako sinasagot."

"At kasalanan ko pa!?. Ikaw nga itong mahirap makaintindi. Tsk." irita kong sabi at mabilis tumayo upang pumonta sa cafeteria.


"Hey!, Maurene wait." Tawag niya sa'kin " I'm sorry, okay. Forgive me. Ganito na lang sabay na tayong pumonta sa cafeteria my treat para naman mapatawad mona ako and mabawasan niyang pagka irita mo sa akin. Ano, g?"

"Okay fine, basta treat mo." Sabi ko sa kanya at muling naglakad.

"Yesss ma'am!!" Aniya sabay hila sa akin. Napailing nalang ako dahil sa tugon niya at hinayaan siyang hilain ako papunta sa cafeteria. Palihim akong napangiti ng di alam ang dahilan.

"Alam mo, I  have feeling na parang matagal na tayo magkakilala." naguguluhan niya sabi sabay subo ng chichirya.

"Bakit naman?" Kinakabahan kong sabi at palihim ko ring pinipisil ang kamay ko. 

"Wala lang, I  feel strange with that and weird...? But nevermind siguro imaginary ko lang ito kaya ganon."

"Ikaw talaga kong ano ano nayang naiimagine mo hahaha, ang sakit mo naman;" 

"What??"

"Huh?"

"Ano ang huling sinabi mo medyo malabo kasi ang pagbigkas mo dun sa last part na sinabi mo" kunot noo niyang sabi sa akin.


"Ahh wala yun, bilisan mo lang kumain dyan para maka punta na tayo sa next subject natin." 





After ng klase namin ay mabilis nagsiayosan ng mga kani kanilang gamit ang mga kaklase ko ganon rin ako. Jay was already outside hinihintay ako sa parking lot dahil gusto niya akong ihatid sa bahay, at hindi ko siya napigilan dahil pumapalag ehh sakit niya minsan sa ulo. 

Habang naglalakad patungo sa parking lot nakita ko si Marga kasama ang kanyang mga barkada malapit sa parking lot na may pinag uusapan,. Napailing na lang ako tsaka patuloy naglakad di kalaunan ay nakita ko si Jay na nakasandal sa kanyang kotse. Pogi mo idol

"Tagal mo naman Maurene." 

"Sorry traffic HAHAHA."


"Ewan ko sayo" napailing siya sabay lapit sa'kin at kinurot ang pisngi ko.

"Tara na nga! Hatid mona ako sa bahay."


"Yes Madam!!"

He Lost MEmoryWhere stories live. Discover now