Dahil maagang nagising ang prinsesa,maaga din siyang pumasok.
Hay, kaya nga ayokong maagang pumapasok kasi nakakaboring maghintay. Tatlumpung minuto ko pang hihintayin na dumating ang mga kaklase ko at ang first teacher namin na si Sir Panot. Sa totoo lang talaga mas gusto ko pang magself study nalang sa math kaysa makinig kapag nagdidiscuss siya. Paano ba naman, bukod sa mainitin ang ulo lagi pang kausap ang pisara. Kapag nagdidiscuss siya, sa pisara siya nakaharap at kulang na nga lang halikan na niya ito.
Bigla ko lang naalala na kaklase ko pala si Mr.Wolf nang makita ko siyang papasok ng silid.
“Oh Miss Panda, ang aga yata natin? Hahaha“ Tumango ako at binati ko siya ng magandang umaga saka siya umupo sa tabi ko.
Magkasunod lang silang dumating ni Ride.
“Kung may gusto ka sakanya wag mo ng ituloy please“.
Bigla nalang sumagi sa isip ko 'yung sinabi niya sakin kahapon. Napatingin ako kay Mr.Wolf na gumagawa ngayon ng takdang aralin sa math. Hindi daw kasi niya natapos kagabi dahil dinalaw siya agad ng antok. Mukhang hindi naman siya nahihirapan eh, ang bilis niyang sumagot.
Nagulat nalang ako nang bigla siyang humarap sakin saka tinitigan ako sa mata. Kitang kita ko ang mga mabibilog niyang mata na halos nababalutan ng puti. Hahaha.Kamukha talaga niya si Kyungsoo, baka nga kambal sila pero imposible.
“Wag mo akong titigan Miss Panda, di ako makapag-concentrate sa pagsagot“ Nagbalik ako sa sarili ko nang marinig ko ang mga salitang'yun sakanya saka ko agad na nilayo ang mukha ko at umiwas ng tingin.
“Hi-hindi na-naman kita tinititigan“ Bakit ba ako nauutal? Napaghahalataan akong nagsisinungaling eh.
“Assuming kasi yan Kenna“ Sabat naman ni Ride. Nabaling ang tingin ko sakanya nang mapansin ko na hawak niya ang bag ko at nangangalkal.
“Hoy! Bakit mo ba hawak ang bag ko ha?!“ Hinablot ko sakanya ang bag ko pero may nakuha siyang notebook,'yung notebook ko sa math.
“Pakopya“ Sabi niya ng nakangiti habang pinapaypay ang notebook ko.
“Bawal yan“ sabi naman ni Mr.Wolf sabay tawa. 'Yung tawa niya ang cute ,parang pilit pero hindi. Natural lang talaga niyang tawa iyon.
“Narinig mo si Mr.Wolf?! Ibalik mo na yan sakin“ Pilit kong kinukuha ang notebook ko pero tumayo siya at itinaas ang kamay niya habang hawak ang notebook ko kaya mas lalo kong di maabot.
“Ibigay mo na kasi! Magsariling sikap ka naman!“ Ngumisi lang siya saka nilapit ang mukha sakin.
“Kiss mo muna ako bago ko ibigay sayo 'to“ Nang-init ang mukha ko sa sinabi niya. Hindi sa kinilig ako,nandito kasi si Mr.Wolf tapos sasabihin niya 'yun. Narinig ko lang tumatawa si Mr.Wolf.
“Ehem! Ehem! Ehem! Anong meron ha?“
Napalingon kaming tatlo sa nagsalita,nandito na rin si Luna.Lumapit siya samin saka tumingin kay Ride at bigla niya itong binatukan.
“Tumigil ka nga sa kakahingi ng halik kay Darlene. Para kang timang“ Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay umupo na siya sa may likuran. Nang tignan ko si Ride ay nakababa na ang kamay niya kaya naman agad kong hinablot ang notebook ko.
“Kenna naman! Pakopyaaa oh!“ Pagmamaktol niya na parang bata. Pumayag naman na ako dahil mabait ako pero nagpabili ako sakanya ng tinapay at inumin bilang kapalit. Di pa kasi ako nag-almusal kaya nagugutom ako .
Pagkarating niya ay iniabot niya sakin ang mga pinabili ko, pera niya ang ginamit niya. Hahaha. Binigay ko naman sakanya ang notebook ko at mabilis niyang kinuha ang kanya at mabilisan ding kumopya. Ilang minuto pa ay sunud-sunod ng nagsisidatingan ang mga kaklase namin, nakita ko naman na natataranta na si Ride sa pagkopya dahil sandamakmak na solusyons ang kinokopya niya. Bawat isa pa naman ay mahahaba ang mga solusyons. Hahaha. Ilang minuto nalang ay darating na rin ang panot naming guro.
BINABASA MO ANG
The Game of Love(OnGoing)
Fanfiction“The game wherein everyone wins“ It`s easy to make someone fall and it`s easy to fool someone. The butterflies, first kisses,first hugs everything was exciting & fun. But is it happy to play someone`s feelings? What will you get then?